Cheese 99

31 0 0
                                    

Marigong

Kin

Nasaan na kayo mga gunggong?

Ang tagal niyo namang bumili ng regalo

Claude

Teka lang babe, malapit na kami

Atat mo namang makita ako

Kin

HOY MANAHIMIK KA! ANONG BABE BABE KA DIYAN

Vest

Oh mamaya na kayo mag lq hindi sainyo ang spotlight na 'to oy HAHAHAH

IBIGAY NIYO NA 'TO SA KAMBAL

Hare

Sino na nandito? Need namin ng tulong dito sa pagtayo ng tent para mamayang gabi.

Austin

Tutulong ako. Saan kayo?

Vest

Hep hep

Jare

Hooray?

Vest

Gago ikaw Jare tumulong ka dito!

At ikaw Austin diyan ka lang sa kambal niyo. Ngayon na ngalang kayo magkaka time magpamilya iiwan mo pa diyan sila. Diyan ka lang kami nang bahala dito

Claude

Nandito na kami, tutulong din kami. Saan kayo banda?

Hare

Dito sa may dalampasigan. Malapit sa bonfire pre

Claude

Sige. Ilalagay muna namin itong regalo ng kambal sa kwarto tapos pupunta kami diyan.

Vest

Pakidala nalang pala yung mga lights ah

Paulo

Noted.

Nagset-up na sila ng kanilang tent na gagamitin para sa send off celebration nila kay Paulo. Pinagsabay nalang nila ito sa selebrasyon ng kambal dahil sa susunod na week ang alis ni Pau.

Pagtapos ng dalawang oras na paghahanda nagsimula na ang selebrasyon para sa ikalawang kaarawan ng kambal. Nagsimula sa pagpapakilala ng mga bisita at ang kanilang inihandang mensahe sa kambal. Naging emosyonal ang pangyayari sapagkat hindi naman talaga nag-expect ang lahat na nag-eexist ang kambal lalong-lalo na ang kanilang mga magulang na mismong itinago rin sila sakanila. Sina Austin at Asia ay hindi maiwasang pinaka maging emosyonal sa kaganapan habang ang kambal naman ay nakatingin lang sa kanilang lahat na may pagtataka sa kanilang mukha ngunit makikita naman sa kanilang mga mata na sila ay masaya.

Ang selebrasyong inihanda nina Hare at mga magulang ni Asia ay naging matagumpay. Nag-enjoy ang lahat lalo na sa mga palaro na nangunguna talaga sina Jare, Josh, at Vest sa pagiging competitive na manalo. Ultimo mismong ang palaro na para sa mga pabata ay kanilang sinalihan at naging resulta sa pagkakagulo at pag-ingay dahil sa naiyak ang mga batang dapat sana na sasali sa palaro pero walang nakuhang premyo kasi naubos na ng tatlo.

Marigong

Hare

@Austin pre nasaan kayo? Natapos lang na kantahan ng happy birthday ang kambal nawala na agad kayong apat

Ilang oras na kayong hindi bumabalik dito oy

Felip

Tinatanong din ng mga magulang niyo yung apo raw nila huwag niyong itakas HAHAHAHAHA

Austin

Teka lang pasabi. Nagtantrums lang si Claun and need na rin palitan diapers nila.

Saka nagmoment kaming magpamilya dito. Saka na kayo

Kin

Take your time lang kayo diyan. Sumunod lang kayo dito sa bonfire ah?

Austin

Okay. Pasabi na rin pala kina mom and dad pati na rin kina mama at papa na pumunta na sila dito if magpapahinga na sila, di na rin namin ilalabas ang kambal kasi late na rin need na nilang matulog.

Vest

Noted tin. Sabihan nalang namin sina tita at tito para makapagpahinga na rin ang kambal.

Austin

Salamat Vest.

Ay nga pala lahat kayo magiging Ninong. Hindi ko naman akalain na susundin niyo talaga yung 5000 minimum na regalo sa kambal.

Claude

Hayop tin. Nangutang pa ako ng pera para pambili grabe ka naman kasi magrequest eh kakagraduate lang natin?!!

Jare

Pinoproblema mo Claude eh parang hindi na nga tayo maghihiwalay dahil baka kina Austin kayo magttrabaho

Well except kay Pau. He's going to pursue his dream job abroad e surebol bigtime na 'to pag bumalik

Paulo

And I'm sure that I would not buy you a souvenir.

Jare

PAU NAKAKASAKIT KA NA TALAGA NG DAMDAMIN ANG PAGIGING BIAS MO */naiyak

Vest

Guys punta na kayo dito sa Bonfireeeeeee. Nandito na sina Asia at Austin magsimula na tayo

Felip

Ay eto pabalik na ako

Jare

(2)

Claude

(3)

Josh

(4) Napakahayop niyo hindi niyo man lang ako ginising

Jare

AY NANDIYAN KA PA PALA

Josh

SUNTUKAN NALANG JARE OH ANO

Uno Prinsesa (CMC Series #1)Where stories live. Discover now