Chapter 1: Meet who?

5 0 0
                                    


Danielle's POV:

Sleep, eat, drink coke, sleep and drink coke again. This has been my everyday routine during our summer break, it was exhausting to go to school everyday, seeing people than being stuck at home and seeing the same faces over and over again.

Yeah, yeah, i'd rather stay at home than go out with friends because the problem is that i don't even have friends to begin with, if i do that'll be my cousins.

oh shit, i almost forgot about our monthly bonding. We the Sevilleja fam has a tradition where we'll feed, donate, help those people in need. Like mamaya, pupunta ako sa "Bahay ng bata" it's like a nursing home for those kids that's abandoned by their own parents and right now, i have to wash up first para fresh ako mamaya.

"DANIELLEEEEEE, BUMABA KA NA AT KAKAIN NA!!" sigaw ng ate ko, lakas ng bunganga talaga parang nauna na yata tong kumain eh mic nga lang nalunok.

"COMING!! WAG NYO 'KO UBUSAN NG HATDOG HA!" sigaw ko pabalik, bingi kasi yun sa kakasigaw nya eh napipilitan pa tuloy akong sumigaw.

After ko maligo ay bumaba na rin agad ako para makakain na ng nakita kong nauna na silang kumain at may ibang tapos na, pagkaupo ko sa upuan malamang ay kumuha na 'ko ng kanin at nag-iisang hatdog.

Pamilya ko ba talaga 'to? leche pagka ikot ko nung hatdog, sunog yung kabila tas ang nakaharap ay yung pulang hatdog. Napangiwi na lang ako habang kumakain, wala naman akong magagawa kesa masayang pa.

Pagkatapos kumain ay pinaandar ko na yung vespa ko at sinuot yung helmet, syempre safety first tayo. "Ma, alis na po ako!" pagpapaalam ko baka mamaya tumawag 'to tas sabihin "Wag ka na umuwi ha" kaya di na 'ko umaalis ng bahay eh

"Teka nak, mag grocery ka na rin para isahang lakad na." sabi ni mama sabay bigay ng pera at mga listahan ng aking mga bibilhin. "Sige po, baka gabihin na 'ko ng uwi ah sa labas na lang po ako kakain." sabi ko saka umalis na.

Pagkadating ko sa bahay ng bata ay saktong pagdating din ng mga pinsan ko kasama ang jollibee at mga bagay na ido donate namin. Pakilala ko muna pala sainyo mga pinsan ko dahil malaking pamilya talaga kami, ayaw magsitigil gumawa eh

Bale sa father's side lang naman ang mga ka close kong pinsan, si kuya Mac (Machiatto Sevilleja) ang aming unico hijo at ang mga kapatid nya na sina kuya Mel (Caramel Sevilleja), kuya Mocha (Mocha Sevilleja) and lastly ang kanilang princess na si ate chacha (Matcha Sevilleja) alam nyo naman na kung sino ang paborito ni auntie mhie kasi fav drink nya ay matcha. Di naman halata na mahilig sa kape si auntie mhie at tito dad 'no?

"Danielle, pakuha ako ng isang box sa loob ng kotse ko." utos ni kuya mel, "Sige po" sabi ko naman saka tinungo ang daan papunta sakanyang kotse, nagsarili talaga silang kotse pagpunta dito ha sabagay mga college students na sila. Kinuha ko na yung box sa kotse ni kuya mel saka pumasok ulit.

Pagkababa ko ng box sa may table ay naglakad lakad muna ako sa labas ng may nakita akong bata na nasa swing, "Hello, anong pangalan mo?" tanong ko sa bata pero parang di yata ako narinig kaya pumunta ako sa harapan nya at mukhang nabigla ko yata kasi nahulog sya sa swing!

"Sorry sorryy, are you okay?" tanong ko habang pinapatayo ang batang malapit na umiyak, "Hala, sorry na wag ka na umiyak bebe di naman talaga kita ginulat" natarantang sabi ko pero umiyak pa rin sya kaya nagpa panic na 'ko!!!

May napansin akong nakadikit sa may itaas ng tenga nya at dun ko nakumpirma na sya'y isang PWD or deaf person kung tawagin. I immediately clapped my hands to get her attention kasi mukhang naka turn off yung in-ear nya para makarinig tsaka ako nag sign language.

Kitang kita sa mukha nya ang pagka mangha sa aking ginawa, natuwa ako kasi kahit papano eh napangiti ko ang batang 'to. What i told her was "I'm sorry, i didn't mean to scare you. I am with the ate's and kuya's who bought food." then smiled.

"You know sign language?" she signed and i nodded my head to confirm her question. "Why aren't you eating yet? are you having trouble communicating?" i signed and i saw her lowering her head and nodded.

I lifted her head and signed "Let's eat" while smiling and the way her eyes glowed while looking at me, binuhat ko na yung bata tsaka pumasok sa loob para kumain.

Pagkapasok namin sa loob ay nakita namin ang lahat na naglalaro ng mga palaro at mukhang tapos na rin silang kumain kay pinuntahan ko muna si ate chacha, " Ay Dan, kumain kana muna akin na muna yang bata para makakain ka na." sabi ni ate pero umiling lang ako saka sinabi na "Kaming dalawa ang di pa kumakain, may tira pa naman dyan diba?"

"weh? eh para sayo na lang yung tirang food eh sakto lang yung binili namin according sa binigay na number ng mga madre kung ilan ang mga bata sa loob tas para sayo." sabi ni ate chacha kaya umupo na kami netong bata saka binigay na lang sakanya and i signed "kumain ka na, pakabusog ka ha" saka ngumiti ng tumango yung bata at ang laki ng ngiti nya habang kumakain!

Umalis muna ako saglit para kausapin si ate cha, "Ate cha, pwede kayang makuha ang mga info ng mga bata?" tanong ko saka naglakad papunta kay ate cha na nakatalikod at hinug sya, "hay nako, wag mo sabihing na-attached ka sa batang yun? pero di ko alam eh" sagot nya saka ko pinatong ang baba ko sa ulo nya heh! ang liit nya kasi HAHAHA

We stayed there until they were done inside tsaka ko naalala yung batang pinakain ko kanina!

"Kuya mocha, nakita mo ba yung batang mag-isa kumain dito?" tanong ko nung nakita ko si kuya, "huh? madaming bata dito tigilan mo ko sa kalutangan mo" sabi nya kaya inirapan ko na lang, di talaga matino sumagot.

Tinanong ko na lahat ng tao dito pati mga madre at sabi nila wala daw silang kilala na bata na may hearing disability? eh sino yung nakita ko kanina? ay tanga, di ko pa naman natanong pangalan napatampal na lang ako sa noo ko.

"Danielle, nahanap mo na hinahanap mo?" tanong ni kuya mac, "hindi pa eh sure ba kayo na wala kayong nakita o nakilala man lang?" sabi ko pero wala daw talaga anubanamantongbuhaynatoooo

"Umuwi ka na, tara na" pag aya ni kuya mel saka sumakay na rin yung magkakapatid sa kanilang mga sasakyan habang ako'y nakaupo lang sa motor ko at sinuot na rin ang helmet bago pinaandar.

Dumaan muna akong puregold bago umuwi, buti na lang di ko nakalimutan dumaan kundi patay nanaman ako kay mama neto

Pagkauwi ko ay inilapag ko na sa table ang mga pinamili ko saka tinawag mga kapatid ko para utusan sila na ayusin na yung mga pinamili ko. Oo nga pala, apat kaming maglakapatid and ako ang pangalawa bale
ang ate ko na si Leyka Dennise Sevilleja, ako, kapatid kong lalaki si Lloyd Denver Sevilleja at ang bunso naman na si Lance Deviss Sevilleja. We're a family of 6, a chaotic family na may malalang anger issues.

new author and new book, don't expect too much from me. I'm only doing this so i wouldn't be too bored as a student who's family doesn't go on trips.

About youWhere stories live. Discover now