Chapter 2: who you?

1 0 0
                                    



Danielle's POV:

"HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAAHHAHAAHHAHAAHHA Ang tanga mo naman." sabi ng ate ko habang tumatawa, no, actually inuna nya pang tumawa tsaka ako tinulungan.

"Aray ko naman, di ka manlang kasi kumatok muna eh 'no?" sabi ko, pano ba naman kasi bigla-bigla syang pumasok sa kwarto ko habang tulog ako edi ayun nagulat ako sa lakas ng pagkakabukas nya ng pinto upang gisingin ako edi ayan nahulog ako sa kama.

"Kanina ka pa kasi ginigising, may pasok ka pa diba? baka nakakalimutan mong senior high ka na at whole day na ang pasok mo?" sabi ni ate at bigla akong nagising dun at dali daling bumangon upang maligo at makapag handa na,"Breakfast's on the table, kumain ka muna bago pumasok ha!" sigaw ni ate sa labas ng cr. "Okay po!!" sigaw ko pabalik.

Dali dali akong pumunta sa hapag kainan at kumuha ng dalawang tinapay at nilagyan ng peanut butter sa loob, i made 4 sandwiches and it's all for me.

"Ma, alis na po ako!" sigaw ko habang sinusuot ang sapatos at nag scooter papuntang school.

"Magandang umaga po, kuya matt." sabi ko sa guard ng school namin, friends kami ni kuya eh para makapag park ako sa loob ng school HAHAHAHAHAHAHA

"Magandang umaga din iha, di ka pa late kaya hinay hinay ka lang." sabi ni kuya matt habang pinapakalma ako (baby kalma).

"Anong oras na po ba yah?" tanong ko habang inaayos ang aking vespa para naka stand ito. "6am nak pero 6:30 pa start ng classes nyo." sabi nya.

"Sige po kuya, mauuna na po ako. Kukunin ko pa schedule ko sa registar eh." sabi ko at kumaway muna bago dumiretso na sa registar.

"Tao po?" sabi ko habang kumakatok sa sliding window na may nakasulat sa itaas na "Registar Office". Bumukas ang sliding window at bumungad ang napakagandang babae na naka polong pula at kulot ang kaniyang buhok.

Bumalik ako sa sariling mundo pagka ngiti nya sakin, "hello po, ano pong kailangan nyo?" sabi nya ng napakahinhin habang nagt type sa laptop

"uhm, magandang umaga po kukunin ko lang po sana ang schedule ko, my name is Leslie Danielle Sevilleja po." sabi ko at nakita ko siyang ngumiti sabay tumango at nagtype sa laptop.

"Here's your schedule po Ms. Sevilleja and mukhang magiging friends pa tayo kasi same tayo ng schedule." sabi nya ng nakangiti at binigay na sakin ang schedule. Nakatulala lang akong nakangiti sakanya ng nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko kaya kinuha ko na agad ang papel sa kamay nya at pinuntahan ang tumawag sakin.

Kasama ko ngayon ang pinsan ko na si kash, same age lang kami kaya nag enroll na lang ako kung san sila nag enroll. Apat kaming magp pinsan ang nandito sa Montessori Academy si Jasper Kash Sevilleja, ako, si kuya mocha at si ate chacha kambal kasi sila.

Ate at kuya tawag ko sakanila kasi sila ay 20yrs old na at kami naman ni kash ay 18yrs old pa lamang, na-late kasi sila mag aral sa kakulitan nila edi ayan.

Hinatid na muna nila ako sa classroom ko bago sila pumunta sa kanya kanyang classes kasi iba iba rin ang kinuha naming course. Ako ay STEM kasama si kash at si kuya mocha ay sa ABM and si ate cha naman sa HUMMS.

Pagkapasok ko pa lang ay nararamdaman ko na ang mga titig nila sakin kaya nakayuko akong pumunta sa pinaka dulong upuan para umupo at mag cellphone na lang.

Pansin ko na may nakatitig talaga saakin as in, titig na titig kaya nagsuot na lang ako ng headphones saka tumingin sa labas ng bintana. I love The 1975 songs, i've never been inlove before pero dahil songs nila like "About you". It makes me think that love is a calm and the most happiest thing you can ever have in this world but i've never tried it before so, i don't really know. I'm letting my guardian angel guide me to that true love.

About youWhere stories live. Discover now