14: Informations

89 70 10
                                    

14: Informations

*KINABUKASAN*

°•° MISSY R. ZANESVILLEZ POV °•°

"Ito na po yung pinapakuha mo sa akin Madam."

Inabot agad ni Matt ang mga hawak nya sa akin. Umupo ako ng maayos at tinigil ang ginagawa ko sa laptop ko.

"Thanks Matt."

Nakatayo lang ito sa harapan ko at hinihintay kung ano pa ang iuutos ko. Bukod kila Paige ay isa rin si Matt sa pinagkakatiwalaan ko ng 100%.

"Medyo nahirapan po akong kuhanin ang information po ni Mr. Mason Z. Guillermo."

Saad nya habang tinitignan ko ang information ng nasa 40+ na lalaking panay ang tambay sa harapan ng bahay ni Daven. Parang sinusundan ako nito kung saan man ako mapunta pero hindi nya ako kayang kausapin.

Wait...

Guillermo?. Kaano-ano nya ang boyfriend ni Camryn?.

"Mason Zanesvillez Guillermo."

Mahinang basa ko sa buong pangalan bago ko inilipat ang papers at doon ko nakita ang mukha ni Brayden. Napakunot noo ako bago tinignan ang iba pang information ni Mr. Mason.

"Confidential po ang record nyang iyan. Siguro po ay super serious ng nagawa nyang crime dati."

Tinignan ko si Matt dahil sa sinabi nya bago inilapag sa isang gilid ang unang envelope. Ngumiti sya sa akin kaya binuksan ko ang isa pang envelope na para sa medical ko. Nakaraang araw pa ako nagpacheck up kaya hindi ko na inabalang dalhin ako ni Daven sa hospital. Napapansin ko rin kasi ang mga pagbabago sa katawan ko.

"Congrats po Madam Missy."

Napangiti ako ng makitang positive ako.

'Buntis nga ako!.'

"Ninong ka!."

Bulalas ko agad sa kanya na syang ikinagulat nya. Nasa 40+ na rin sya at na stock sya sa pagtratrabaho. Hindi sya nagkaroon ng asawa or anything na may halong romantic relationship. Hindi naman sya bakla or something kaya pakiramdam ko ay masyado lang syang mapili sa babae.

"Isang karangalan!."

Masiglang saad nya sa akin at yumuko pa kaya natawa ako bago dinampot ang isang slice ng chocolate cake. Mabilis na kinuha ni Matt ang isang garapon ng melted cheese at binuksan para sa akin. Ngumiti ako bago nilagyan ng melted cheese ang cake ko.

"Salamat po!."

Masiglang saad ko kaya ngumiti sya sa akin, "Version 2.0 ka ng Mommy mo," nakangiti nyang saad at parang may narealized kaya napatikom sya ng bibig. I know na friends sila ni Mom dati pero mas pinapaburan nya ako sa hindi ko alam na dahilan. Hindi ko alam ang buong kwento ng friendship nila Mom pero masasabi kong mabait talaga si Matt.

"Impossible hahaha. Si Ate Marianne po yung version 2.0 ni Mom not me."

Natatawang saad ko kaya ngumiti ito sa akin, "Kamukhang-kamukha mo ang Dad mo kapag nagpagupit ka ng buhok at mag-ayos na parang isang lalaki," Paulit-ulit nyang sinasabi sa akin yan. Paulit-ulit nya ring kinukwento ang mga pinaggagawa nila Dad nung kabataan nila. Sad to say na nag-friendship over sila... ayaw naman sabihin ni Matt ang dahilan. Pinakita nya rin ang mga pictures nila nung nakabataan nila at masasabi kong kamukhang-kamukha ko nga si Dad nung kabataan nya ito. Ang kaso ay babae ako.

Ang galing lang ng mukha ni Dad dahil sa pwede sya sa lalaki at sa babae. Ang gwapo ni Dad kapag lalaki at malamang maganda sya kapag naging babae nakita nyo naman ako. Sobrang ganda!.

Got So FarWhere stories live. Discover now