18: Who are you?. I

77 66 2
                                    

18: Who are you?. I

*AUGUST 16*

°•° MISSY R. ZANESVILLEZ POV °•°

I'm so down right now. Hindi ko alam kung bakit biglang naging galit na galit si Mom, Ate Marianne, at Malcolm sa akin. Naging worse yung pakikitungo nila matapos yung araw ng pagpunta nila sa bahay ko. Pakiramdam ko tuloy may ginawa si Mason sa kanila kaya naging ganon sila Mom pero ang hirap mangbintang lalo na kapag walang ebidensya.

'Baka ni hypnotized nya sila Mom na ihate ako ng sobra.'

"Lalim ng iniisip!. Don't worry mahal na mahal ka ni Kuya at bukas na ang uwi nya."

Nabalik ako sa reyalidad sa sinabi ni Paige bago napatingin sa kanya. Napakamot na lang ako sa ulo ko bago umayos ng upo sa upuan ko. Sakto ay dumating na rin ang professor namin kaya inilabas ko ang pang take down notes ko. Kahit ganon ay walang pumapasok sa utak ko dahil nga sa nangyayari sa akin. Hindi ko pa nakakausap ng matino si Daven kasi sa tuwing tatawag sya ay tulog ako. Tapos kapag tatawag ako ay tulog sya.

Plus nagalit sya kasi bigla akong sinama sa line up ng coach ko sa bike club. Hindi tinanggap ng coach ko yung resignation letter ko dahil lang sa may alitan kaming dalawa ni Xavi. So yun part parin ako ng bike club at ng dahil sa last competition namin ay naging ayos kami ni Xavi. Ang kaso si Daven ang nagalit... Paano kung na disgrasya ako?. Paano ang baby at ako?. Paano na raw na sya?.

Then sabi ng Mom nya ay palamigin ko muna ang ulo nya dahil sa madami lang iniisip si Daven lately. Sinunod ko yung payo ng Mom nya.

Pinalamig ko muna ang ulo ni Daven pero walang palya yung pagsesend ko sa kanya ng VM, picture, at videos ko. Hindi ko kasi sya mayayakap dahil sa magkalayo kami. Well nag-sorry ako sa kanya dahil sa pumayag parin ako on the spot na lumaban sa bike competition kahit buntis ako. Nag-sorry rin sya sa akin dahil sa nagalit sya at dahil sa nabalitaan nyang hindi ako kumain that day. Legit kasing nasaktan ako sa mga sinabi nya tapos sa tono nya.

Sabi nya naman ay babawi sya sa akin pag-uwi nya. Susundin nya raw lahat ng utos ko kahit maging p*rn star pa raw sya sa harap ko.

Argggh!. I really really really miss him!. I think tama sila Paige na lalaki ang baby ko dahil si Daven ang pinaglilihian ko. Idagdag mo na lang yung melted cheese.

"Imbitado kayo sa birthday party ko mamayang 11:30pm."

Ngumiti silang dalawa sa sinabi ko. Nasabihan ko na si Rich about sa birthday party mamayang gabi. Silang tatlo lang ang iniinvite ko tuwing may pa birthday party na sineset up ang parents ko dahil sa alam ko na ang mangyayari mamaya. Ang pinagkaiba lang ngayon ay walang reception na inarkela sila Mom kundi sa bahay na lang gaganapin.

"Kaya pala malungkot ka. Birthday Party pala ang dahilan. Don't worry pupunta kami!." -Camryn

"Thank you." -Ako

Kumindat ang dalawa sa akin bago kami tumingin sa unahan para makinig sa lesson. Bukas na bukas ay mapupunta na kaming tatlo sa online class at hindi pa namin yun nasasabi sa mga kaklase namin. Baka mag-taka sila kung bakit hindi na kami pumapasok sa school. Hindi pa kasi namin na sasabi na buntis nga kaming tatlo pero pakiramdam ko alam na nila. Madaldal kasi ang friends ni Brayden at nagprisinta pang maging ninong ng mga anak namin.

Mamayang 11pm pa ako uuwi sa bahay kasi exact 11:59 PM pa mag-sstart ang party. Sa office ko muna ako tatambay dahil sa gusto kong makausap si Matt. Gusto kong malaman lahat ng alam nya patungkol kay Mirabel ang ina ni Ate Marianne. Ang dami kong tanong sa kanya na gustong-gusto kong masagot. Mukha kasing ayaw pag-usapan ni Mom si Mirabel nung tinatanong ko sya kung sino si Mirabel M. Zanesvillez. Hindi ko naman makausap si Dad dahil sa panay ang iwas nito sa akin. Nararamdaman siguro ni Dad na kokomprontahin ko ulit sya patungkol sa pangako nya.

Got So FarWhere stories live. Discover now