"Hey babe!" Bati ng isang model kay Damian Sierra.
Kasalukuyan silang nag-uusap ng kanyang kaibigan na si Brett nang makita sila ng model.
Napataas ng kilay si Brett sa kaibigan. "Last week si Amanda. Ngayon si Diane naman?"
Nagkibit-balikat si Damian. "Gwapo tayo eh."
Napailing ang kaibigan sa kanya. "Grabe ka bro!"
"Looking good as always, babe. Good thing I saw you here." Sabi ng Diane at nakipagbeso kay Damian.
"Thanks. Babe, I'm currently busy as of the moment. I'll see you later after the party, okay?"
"Oh, how sad. But okay. I'll see you later." Sabi nito tas nag flying kiss pa bago umalis.
"Hay grabe, buti di ako nahawa sa kababaerohan mo bro."
"Under ka kasi."
"Haha mas mabuti na yun kesa paiba-iba ng kinakama."
"Tss."
‘’Teka, Vienna?” ika ni Brett nang makita niya ang isang napakagandang babae kasama ni Mr. Ciao. Isang sikat din na businessman sa Fashion industry. Pero mas sikat ang Sierra Industries kumpara rito.
“What are you talking about?” Tumingin din si Damian sa dako kung saan nakatitig ang kanyang kaibigan.
Nang tumingin siya, napasinghap siya sa kanyang nakita. Vienna? No way! Bakit kasama niya si Ciao??
Hindi nagdalawang isip ang lalaki at lalakad na sana nang pinigilan siya ng kaibigan niya. “Teka bro, baka kamukha lang yan ni Vienna.”
“But what if she’s not?” sabi ng lalaki at winaksi ang hawak sa kanya ng kaibigan.
Lumakad siya papalapit sa kinaroroonan ng babae kasama ang mga sikat na businessman. “Vienna?”
Tumingin lahat sa kanya doon pati na ang babae. Nakita niyang nasorpresa ito sa kanyang pagdating.
Bakit siya nasorpresa? Hindi ba niya ako makilala? Does she have amnesia?
Kahit ganun, niyakap niya ang babae ng sobrang higpit. Miss na miss na kasi niya ang kanyang kapatid. "Vienna, where have you been, baby girl? We have been looking all over for you. I'm so glad I finally found you-”
"Ano ba!?" pagalit na sabi ng babae at tinulak si Damian ng malakas.
That is something he didn't expect to happen. After all, never once did Vienna push him away.
"V-Vienna, wha-" litong tanong ni Damian.
Hindi ba talaga ito si Vienna na kapatid niya?
"Uh, I'm sorry to disappoint you Mr. Sierra but she is not your sister. She is my secretary." sabi ni Mr Ciao.
"No way! She.. she's Vienna! Vienna-” aakma sana niyang lalapitan ang babae pero umatras ito.
"Don't touch me! I'm so sorry gentlemen but I gotta go." anito sa mga nakapaligid na businessmen at nagmadaling umalis.
"No, wait! Vienna!" pagtawag ni Damian dito pero tuluyan nang umalis ang nauna. Susundan sana niya ito nang may pumigil sa kanya.
"I'm afraid you have to stay right there young man. Or else, I might sue you for harassing my employee. You don't want to have a bad record, don't you?"
BINABASA MO ANG
Pride and Desires
RomanceSi Sunshine Estrid ay isang magandang babae na may takot sa Diyos. Ayos na sana ang buhay niya nang bumalik ang bangungot na akala niya ay nakalimutan na niya. Ang bangungot na si Damian Sierra. Ang taong kinamumuhian niya simula nang siya ay bata...