"Good morning boss." Pagbati ko sa kanya bago ako dumeritso sa table ko. Di man lang ako binati pabalik o di kaya ay tapunan man lang ng tingin.
"Vienne ipagtimpla mo ako ng kape." Utos nya sa akin nang di man lang tumitingin. Lagyan ko kaya ng lason to pero sayang naman ang kapogian nya kung mamamaty lang. Gayuma nalang kaya? Para naman mafall na sya sakin.
"Right away boss." Sagot ko.
Sa isang linggo kong pagtatrabaho bilang sekretarya nya ay mas nakilala ko sya. Ilag talaga sya sa babae pero marami ring naghahabol sa kanya. Araw-araw iba ibang babae ang pumupunta dito. Parang di matatapos ang isang araw nang walang babaeng pumupunta dito at kung ano-ano nalang ang inooffer.
"Here's your coffee boss." Paglapag ko ng kape sa kanyang mesa at bumalik na ako sa aking upuan kasi wala rin naman akong makukuhang sagot sa kanya kasi medyo busy ngayon.
Ako naman ay nagmomonitor ng CCTV sa labas ng office kahit na andun si ate Noreen. Busy din kasi ngayon dito sa company.
I was busy reading the reports ng biglang nagring ang telephone sa table ko. Sinagot ko naman ito agad.
"Vienne pakisabi kay sir na may naghahanap sa kanya. Beatrice Fuentes daw po." Sabi ni ate Noreen.
"Boss you have a visitor again." I casuually said. Di naman na kasi ito bago.
"Who is it this time?" He coldly ask.
"A certain Beatrice Fuentes. Di sinabi ni Miss Noreen kung ang reason."
"Okay let her in." Napakunot naman ang nuo ko. Tumalikod ako sa kanya at binuksan ang pinto. As I open the door, I saw a beautiful lady that I must say na she's almost perfect. Almost lang kasi di ko pa alam ang ugali though angelic face naman pero sabi nga nila na don't judge the book by it's cover.
"Please come in Miss. Mr. Colton is expecting you." Nakita kong nakatulala rin si ate Noreen. Di ko nga lang alam kung dahil ba sa ganda ng bisita or dahil may pinapasok si boss na babae.
Tama nga ako sa almost perfect. Mukhang spoiled brat din kasi. Binangga ba naman ako pagkapasok. Di man lang nagsorry. Bumalik nalang ako sa opisina. Hahayaan ko muna since di pa kami ni Vandrick. Wait ka lang kapag nagustuhan na ako nyan.
"Vienne you can have your early lunch. We just have a serious matter to talk privately." Utos nya at inirapan pa talaga ako nung babae while hindi nakatingin sa kanya sa boss. Kung dukutin ko kaya ang mata nya at ipakain sa alaga kong tigre.
Umalis nalang ako at nagtungo sa canteen. Nakikipagkwentuhan nalang ako sa mga katrabaho ko. Mamayang mga 2 nalang ako babalik baka tatarayan na naman ako ng babaeng yun.
Di pa ako nagtagal sa canteen nang biglang tumawag si boss. Pinapaakyat na ako sa taas. Ang dali naman ng pag-uusap nila.
Nakita ko pang inis na naglalakad palabas ang mangkukulam na babaeng yun. At mukhang nakita nya rin ako kasi lumapit sya sa gawi ko.
"You. Distance yourself to Vandrick. He's mine." Saad nya at naglakad paalis. Bobo ba sya o ano? Secretary ako ni Vandrick kaya malamang magkasama kami lagi. Di ko pa nga sinimulan ang pagseseduce kay Vandrick may epal na agad. Kung akala nya aatrasan ko sya at matatakot ako sa threats nya well nagkakamali sya.
Mukhang hindi pa maganda ang pag-uusap nila since parang galit na galit yun. Kung kanina maganda sya ngayon mukha na syang bruha na nileletchon. Namumula ba naman sa galit.
Nadatnan kong nakaupo lang sa swivel chair nya si Vandrick. MInamasahe nya pa ang kanyang ulo. Mukhang stress ang dala ng babaeng yun ah. Kawawa naman ang baby Vandrick ko.
"Magpahinga ka po muna boss. Clear naman po yung schedule nyo ngayong hapon." Suggest ko sa kanya. Tumango naman sya.
"You should go home early Vienne. Be careful on your way home. Magpahatid ka nalang kaya kay Monte." Mukhang stress nga si boos. Worried din sya sa safety ko.
Walang ganyanan boss baka mafall pa ako lalo sayo.
"No need boss dyan lang naman sa malapit ang aparment ko." Pagtanggi ko. Tumango lang sya. Di man lang ako pinilit kahit konti. Di nya ba alam na nagpapakipot lang ako.
Nakauwi na ako sa apartment ko. Lumipat ako kasi masyadong malayo ang bahay namin at baka malaman pa nila.
Inaya ko si Shan na mag club. Dun lang kami sa club na pagmamay-ari nya para na rin safe kahit na maglasing ng sobra. Sunday din naman bukas at rest day kaya di ako magwoworry na maglasing at malate ng gising bukas.
BINABASA MO ANG
Taming My Boss
General Fiction"You can't tame me Vienne and no one can. You're just hurting yourself"- Vandrick Colton "How would you know if you didn't try it? Try me boss. I want you to taste not just my love but every inch of me." - Ravienne Greig