Prologue

8 2 0
                                    


"When would you stop this nonsense Vienne?" Sermon ng kapatid ko.

"Well maybe kapag naging kami na ni Vandrick?" Saad ko habang tumatawa kaya napailing nalang ang kapatid ko.

"Vandrick? The same Vandrick 'ruthless' Colton? Oh come on Vienne. Ano bang nakita mo sa taong 'yan?" Takang tanong ni Ate Vanessa.

"He's hot and yummy kaya at saka domineering  CEO ang atake ate." Excited na saad ko sa kanya na nagpakunot ng noo nya.

"Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Diyos ko naman tatanda ako ng maaga sa katigasan ng ulo mo Vienne. Siguraduhin mo ang na di ka iiyak sa gagawin mong yan. Malinaw ba sayo yun Ravienne Greig?" Seryosong saad ni ate.

"Yes madam Vanessa Greig." Sagot ko habang sumaludo sa harap nya kaya naman ay napailing nalang si ate at umalis na sa kwarto ko.

Pagkaalis ni ate ay tinawagan ko agad ang bestfriend kong si Shaniah.

"Bakit ka napatawag?" Bungad nya agad sa akin.

"Bawal na bang tawagan ang bestfriend ko?" Saad ko sa kanya. Nahiga ako sa aking kama habang nasa tenga ko pa rin ang akong cellphone.

"Di ka tatawag kong wala kang kailangan o wala kang ik-kwento. So tell me what's the catch?" Kilalang kilala talaga ako nito. Napatawa naman ako sa naging turan nya.

"Guess what, I found my new target." Excited na saad ko sa kanya.

"No way. Ano  na naman bang kabaliwan ang naiisip mo? Tigilan mo na yan Vienne."

"If I would make that freaking hot Greig fall for me harder, That's the time I would stop Shan" I said while giggling

"The eldest of Colton siblings? Seriously Faye? I heard that he's engaged already. Don't tell me your planning to ruin his wedding." I bet na hindi makapaniwala ang aking kaibigan sa kabaliwan ko. Sino ba naman ang makaka isip ng ganong kalokohan? Ako lng naman. Boring kasi kapag walang challenge.

"Fucking no. Wala sa isipan ko ang manira ng pamilya Shan. I'm pertaining to the famous CEO Vandrick Nyx Colton."

"Oh come on Faye. He's the most ruthless businesssman i've known. Sabi rin nila na pihikan daw yan sa mga babae. Naver yan nagkaroon ng babaeng secretary." Mahabang litanya ng Shan na tinawanan ko lang.

"Alam ko. I did my research and guess what? I'm planning to apply as his secretary: Nabalitaan ko kasi na magleleave ng 4 na buwan ang secretary nya kasi nanganak ang asawa nito." Nakangiti kong saad. 

"Ewan ko sayo. Kung di ka mo sya is-seduce and  magbibihis manang ka nalang instead baka may possibility pa na matanggap ka. And the question is kakayanin mo kaya?" Saad nito sakin. Mukhang sya pa yung mas stress kesa sa'kin.

"Like duh! Kailangan ba na ganun para matanggap. May kasabihan kasi na Simplicity is a beauty. So let's make it simple. Wag masyadong maarte at wag masyadong low class yung simple lang, Pwede na yun at malaki ang sahod." 

No need naman siguro magpakanerd. Like hello? Di pwedeng itago ang beauty ko.

"For your information mayaman kayo gaga. Kung nandyan lang ako baka nabatukan na kita." Nanggigigil na to for sure.

"For your information rin Shan di ako bibigyan ng allowance ni ate. Matanda na daw ako at dahil na rin sa kalokohan ko na to. Naging double purpose na to kaya di lang si Vandrick ang pupuntahin ko dun. Magiging sseryoso ako sa trabaho ko. Sideline ko nalang ang paglalandi ko kay Vandrick"

"Super deserve mo yan. Kung tinigilan mo na yang kabaliwan mo edi buhay prinsesa ka sana. Since college pa yan buti di ka pinamental ni ate Vane." Napatawa naman ako sa sinabi nya. Buti nalang talaga di yan naisip ni ate.

Taming My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon