CHAPTER 1 ♥

13 0 0
                                    

"Bilisan niyo naman maglakad! Malelate na tayo oh! First day na first day, late tayo! Nakakahiya!" sigaw sa amin ni Chloe, ang GC sa amin.

"Okay MA'AM!" sigaw namin sakanya pabalik. At in-emphasize pa talaga namin ang word na 'ma'am'. Hehehe.

"Tsk! Ayaw niyo talagang nag-aaral no? Hmp." sabay nag-cross arms pa siya. Akala mo naman bagay sakanya. Mukha naman siyang bading sa itsura niya. Hehehe nagsalita ang maganda. ^___^v

"Sus! Akala mo naman totoong nagaaral, eh gusto mo lang naman makakita ulit ng mga pogi sa school natin." sarkastikong sagot ni Jade.

"H-hoy! Hindi no! Grabe ka!" namumulang sagot ni Chloe.

"Eh bakit ka namumula?!" sabay naming tanong ni Cindy at nagtawanan kami.

---

*KRIIIIIIIIIING! KRIIIIIIIIIIIING!*

Hay! Sa wakas nagring narin ang bell. Recess na! Sakto! Gutom na ako eh. ^____^

P.S. matakaw po ako. ^___^ pero hindi ako tumataba. Huhuhu.

"Hoy babae!" sigaw sakin ni Cindy. Ano nanaman kayang problema nito?

"Anong problema mo't sumisigaw ka diyan?" asar na sabi ko sakanya.

"Kain na tayo! ^___^" ang lapad ng ngiti nito ah? Gutom na rin siguro ito.

"Gutom ka na no?" taas-kilay kong sabi.

"Oo eh. ^___^v" nagpeace sign pa siya. Problema nito? Adik ba ito?

"Mauna na kayo dun sa ilalim ng punong mangga." sabi ko sakanya.

"At bakit?" galit na sabi nito. Galit agad? Agad agad? Hmp.

"Magaayos lang po ako ng mga gamit ko. Tignan mo kaya itong bag ko, tignan mo kung gaano kagulo!" sigaw ko sakanya at binuklat ko ang bag ko.

"O-oo nga, ang gulo nga. Hehe. Sige, mauuna na kami nila Jade." at napakamot pa siya sa ulo niya. "Bilisan mo lang ha! Bawal magtagal!" sigaw nito.

"Yes ma'am!" at sumaludo pa ako sakanya.

Habang inaayos ko ang bag ko, biglang may nagsalita...

"Pat, ikaw na bahala dito sa room ha? Ikaw na magpatay ng mga electric fan at ng mga ilaw. And don't forget to lock the door when you leave, okay?" tuloy-tuloy na sabi ni Ashley, ang secretary namin. "Nagugutom na rin kasi ako eh. And siya nga pala, BAWAL mag-tagal dito. Is that clear?" masungit na dagdag nito. At in-emphasize niya pa ang word na 'bawal'. -____-

"Ahh, oo. Sure. Ako na bahala dito, Ashley. Bumaba ka na dun at kumain." sagot ko habang nagaayos ng bag. "Saglit nalang rin ako dito kasi inaayos ko lang naman ang bag ko." dugtong ko.

At umalis na siya, hindi manlang sumagot? Hmp. Ang hirap maging pangit. Errr nakakainis! >.<

Ayun! Natapos na rin ako sa pag-aayos ng bag ko. Aalis na ako! Yeheeey!

'Baka nakakalimutan mo, may inutos sayo si Ashley' bulong ng maliit na boses sakin.

Oo nga pala. -____-

*Patayin lahat ng electric fan. - CHECK!

*Patayin lahat ng lights. - CHECK!

*Ilock ang door. - EX!

Syempre, hindi ko pa nalolock ang pinto dahil nasa loob pa ako. Ano ba naman kayo!

Lalabas na ako. ^___^

*Ilock ang door. - CHECK!

Yeheeey! Makakapag-recess na ako! ^___^

Lakad dito, lakad doon.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon