INTRODUCTION

17 0 0
                                    

Ako si Patricia Coleen Sanchez, pero pwede niyo rin akong tawaging 'Pat' okaya 'Tricia'. Sige na, kayo nalang bahala sa gusto niyong itawag sakin. Kayo yan eh. Hehehe.

Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap. Ang mama at papa ko ay parehong chef, ang mama ko ay chef sa isang restaurant dito sa Pilipinas at ang papa ko naman ay sa America.

Hindi ako pangit... Pero ang sabi ng mama ko, masama raw ang magsinungaling kaya sasabihin ko na kung ano ang totoo...

Pangit talaga ako. Oo, as in super! Apple cut lagi ang istilo ng buhok ko, maitim ang balat at flat chested ako. Tapos para daw akong hindi kumakain dahil sobrang payat ko. Pero ang height ko, tama lang para sa isang 1st year highschool student or freshman.

Yes, freshman palang ako. Nag-aaral ako sa Mary Mother Academy. Hindi ako new student doon dahil simula grade 1 ay doon na ako pinagaral ng mama ko. Hindi na nga rin nagbago ang mga kaibigan ko eh, sina Jade, Chloe at Cindy. Ang gaganda ng mga pangalan ano? Pero iyon ay kabaliktaran ng mga itsura nila. Hehehe.

Oo, pangit kaming apat. Kaya nga kami ang laging magkakasama eh. Pero kahit ganito ang itsura namin, mahal namin ang isa't isa.

Hindi kami matalino, pero kaming tatlo lang nila Jade at Cindy. Panay love life--- este crush life pala. Hindi tuloy kami nalulong sa pag-aaral. Bale, kaming tatlo ay ang "no beauty and brain" girls. Si Chloe kasi ay GC (grade concious) Hehehe.

*******************************

GET READY FOR CHAPTER 1 GUYS!

ENJOY READING!

COMMENT.

VOTE.

BE MY FAN. (if you like hehe)

ENJOY READING! :)

~lornenopez09

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon