*****Red's POV*****
Ang saya saya ko kapag nakikita ko si Patrcia.
Gusto ko lagi ko siyang kasama.
Talaga bang 'love at first sight' na ito?
Haaay.
Sana kami ang magkatuluyan.
ANG DRAMA KO! >___< So gay.
Anyway, nandito nga pala ako sa kwarto ko. Nagmumuni-muni. Anong oras na ba? 4:30. Uwian na, pumunta kaya ako sa school. Gusto ko makita si Pat eh.
Maglalakad ba ako or magmomotor? Hmm.
Maglalakad nalang ako.
Exercise rin yun. ^__^ Hehe, hapon nageexercise? Imba haha!
Lakad.. Lakad.. Lakad..
*boogsh*
"Ay sorry miss." pagpapaumanhin ko dun sa nabangga kong babae, di ko naman siya kilala. Nakayuko eh, pero taga Mary Mother Academy din yung uniform. I'm sure she's my schoolmate. May mga dala pa siyang libro eh.
"Ayos lang." sabay pinulot niya ang mga gamit niyang nalaglag. Pag-angat ng ulo niya...
"Pat!"
"Red!"
Sabay naming sigaw.
O__O - Patricia.
^__^ - Ako.
"Bakit ang bilis mo naman yata makauwi?" tanong nito.
"Ah.. Ehh.." napakamot ako sa ulo. Sasabihin ko bang nag-cutting ako? Baka hindi niya ako magustuhan if ever mag-confess na ako sakanya eh.
"Ano?"
"Kasi ano, n-nag-motor ako." palusot ko. Lumusot ka please.
"Ahh." tipid nitong sagot. WHEW!
Aalis na sana siya nang hawakan ko siya sa braso niya.
"Uuwi ka na?" tanong ko.
"Oo. Bakit?"
"G-gusto mo ba munang mag-gala?" tanong ko sakanya. Naghihintay ako ng sagot. Please say 'yes'. :(
"S-sure. Hehe." nakangiti niyang sagot. Parang napilitan lang naman siya eh, yung ngiti niya kasi eh. :/ aww!
*****Patricia's POV*****
"G-gusto mo ba munang mag-gala?" tanong ni Red sakin at nakataas pa ang dalawang kilay na halatang naghihintay ng sagot.
"S-sure. Hehe." napilitan na ako! Kawawa naman eh, atsaka gusto ko rin muna siyang makilala pa. Nalove at first sight ako, oo. Pero syempre kikilalanin ko rin siya. ^___^ v
*brrrrjcht* *brrrrjcht* vibrate ng celphone ko. (Sorry kung ang weird ng sound hehe)
* 1 message received
From Mama:
Anak, nasaan ka? Bakit hindi ka pa umuuwi? Ang tagal mo naman.
--
* REPLY
To Mama:
Mag-gagala lang po kasama ang new friend ko, si Red. Wag po kayo mag-alala, mag-cocoffee lang naman po kami. Uuwi rin po ako agad pagkatapos. Labyu Ma! :*
--
"Sinong katext mo?" biglang tanong ni Red habang naglalakad kami.
"Ahh, wala. Nagtext lang si mama. Tinanong kung nasaan na ako." sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight
RomanceMaraming makakarelate dito sa storyang ito! Kaya basahin niyo na! At sana marami rin ang matutuwa sa storyang ito. Basahin niyo na! Salamat po! :))) God bless us all! :D