prologue

1 0 0
                                    

Ano ba ang standards mo sa lalaki?

Yung achiever? Famous sa school? Mabait? Marespeto?

Ako kasi, isang joke nya lang, wala na. Talo na. Hulog na agad ako sa kanya at mas nahuhulog pa...



"Mitch! Mitch!"

"Chin naman! Ang ingay mo. Sabi ng magrereview ako eh. Bakit ba!?"

Hindi naman ako masamang kaibigan dahil lang sa sinisigawan ko yung kaibigan ko. Sadyang maingay lang sya. Kasalanan nya yon.

"Mamaya ka na magreview! May chika akooo. Yieee!!"

"Tss. Tapos ano? Bagsak sa accounting, ganon? Ewan ko sayo. Bahala ka dyan."

Hindi ko ikokompromiso ang grades ko para lang sa mga chika ni Chin. Sa hirap ng accounting? Hep! No way!

"Eto naman. Kayang kaya mo na yan. Kahit naman di ka magreview, papasa ka e. Apo ka yata sa katalampak-talampakan ni Father Luca Pacioli. hahahaha."

"Urur. Kaya ka di napasa e. Magreview ka na nga!"

"hahaha. May chika nga kasi ako. May transferee kasi sa BSA3101. And guess who!!"

"..."

"Psh. Mamaya na nga yan!"

"Anak ng..."

Bwiset na Chin to. Hinablot ba Naman Yung libro at calcu ko. Pag may nagusot lang na pages dyan o kaya magasgasan yung calcu ko, lagot ka talaga sakin. Well, OA ba? Ganon talaga. As an Accounting Student, asawa ang turing ko sa libro, lalong lalo na sa calcu ko. Aba! Mas mahal pa sa rice cooker to!

"Bakit ba kasi! Ano naman sakin kung may transferee? Para kang ewan, alam mo ba yon?"

"sungit! eh kasi nga, may transferee nga sa kabilang section. At di ka maniniwala kung sino. Ang totga mo!"

Totga? Sinong tinutukoy ni Chin? Si Santi kaya yon? Pft. Malamang, Sino pa nga bang ibang nakwento ko kay Chin na naging sobrang crush ko kundi si Santi lang. Pero bakit? Bakit naman sya magtatransfer dito? Oh, eh ano naman ngayon sakin? Ang OA ko nanaman, hays.

"Sino naman yan?"

Patay hinala kong tanong sakanya. Binigyan naman ako ni gaga ng ha-ha-hak-dog look. In short, di sya naniniwala na di ko kilala kung sinong tinutukoy nya. Pft.

"Okay. whatever, Chin. Ano naman ngayon kung nag transfer na sya dito? Anong gusto mong gawin ko, puntahan sya tus mangamusta? Tapos ano, wala nanamang gana ang sagot nya sakin? Urur. Di nako uulit no!"

"Hahaha. Ang OA mo. Sinabi ko lang naman para aware ka. Pero gusto mo pa ba?"

Gusto ko pa nga ba sya?

Sobrang tagal na mula nung huli naming pagkikita. Graduation sa senior high ang huling beses na nagkita kami. Simula nung mag college ay di ko na sya nakita ulit sa personal. Oo, sa personal ko lang sya di nakikita kasi kung pictures ang usapan, hindi ako nahuhuli.

Magkaiba kami ng school na pinasukan pagkatapos ng Senior High. Ako ay sa Batangas State University at sya naman ay sa isang private school. Magkapareho sila ng skwelahan na pinasukan ni Les, kaibigan ko, kaya kapag nakikita nya si Santi sa kahit saang parte ng school nila ay pinipicturan nya at isinisend sakin.

"Hindi na."

"Wushuu. Sige. Sabi mo e."

Yan ang sinabi nya pero taliwas naman sa reaksyon nya. Hindi sya naniniwala sa sinabi ko.



Just One Joke Where stories live. Discover now