“Hello, good morning po.”
Binati ko ang guard sa school na papasukan ko. Ito Ang first time Kong pumunta dito.
“Kuya, san po ba ang building ng grade 9?”
Dahil nga sa first time ko ‘to, nagtanong na muna ako sa guard tungkol sa building ng junior high, specifically, ng grade 9. Mahirap na, baka maligaw pa ako.
June ngayon, unang araw ng pasukan. Noong May ay kakalipat lang namin ng pamilya ko dito sa Batangas. Dito kasi nakatira ang stepfather ko.
“Kanan lang po ma'am tapos Yung unang building po, Yun na po iyon.”
“Ah, sige po kuya. Thanks po.”
Nginitian lang ako ni kuya guard kaya naglakad na’ko.
Pagkapasok ko ng campus ay nashook ako°o°. Nag overthink pa naman ako kanina na baka maligaw ako kaya nagtanong pa muna ako sa guard tapos maliit lang pala ang school. Legit na maliit sya kasi tatlo lang ang building at walang open space kaya 0% ang chance ko na maligaw dito!
Di ko nalang pinansin ang size ng campus at pumunta na agad ako sa building sa kanan ko.
Pagkaapak ko ng unang floor ay may nakasalubong akong teacher kaya nagtanong ako.
“Uh, good morning po ma'am! I'm Mitch po. Transferee po ako dito. Magtatanong lang po sana kung saan po ang room ni Ms. Angelu Corpuz. S’ya po kasi ang magiging adviser ko based po doon sa form na binigay sakin sa registrar's office.”
“Ah, si Miss Angelu ba. Akyat ka Lang ng 2nd floor at yung patatlong room, yun ang room n’ya. Bilisan mo na, late ka na.”
Nahiya tuloy ako bigla. Buti nalang mukhang mabait naman tong teacher na to.
Totoong late na’ko. 7:26 AM na at 7:00 AM ang pasukan kaya late na late na talaga ako!
“Hehe, yes po ma'am. Thank you po.”
Di na’ko nagsayang ng oras. Tinakbo ko na agad ang 2nd floor at narating ang patatlong room. Di nako nag hintay pa na pag buksan at binuksan ko na ang pinto.
Ayy, shiit Nakakahiyaaa!
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, lahat sila nakatingin sakin. Syempre, ikaw ba naman bigla biglang bubuksan ang pinto ng walang katok katok.
“A-ah, hehe. Hello po, good morning po. Dito po ba si Ms. Angelu Corpuz? I'm Mitch Mendoza po. Ako po yung transferee.”
Sa sobrang hiya ko, napa-bow pako pagkatapos ko magsalita. Hanep.
Hays. First day of school, palpak! Late na, nangbulabog pa. Buti nalang parang di pa sila nagsisimula ng klase. Magkakaharap lang sila at mukhang nag uusap usap.
“Ah, yes po. Ako po si Ms. Angelu Corpuz. Please call me Ms. Angelu.”
Ang ganda ganda naman ng pagkakangiti nito. Ganap na ganap sa pangalan e. Pft.
Nginitian ko lang din sya ng maganda. Yes, magandang ngiti. Aba, Di ako magpapatalo. Joke. Nginitian ko lang sya ng normal. Inangat n’ya ang kamay n’ya na hudyat para lumapit ako sakanya sa harap, kaya sumunod na'ko.
“Class, meet uh.., well, introduce yourself please.”
“Hello, good morning. My name is Mitch Mendoza. Please call me Mitch. Thank you.”
Iklian lang natin, para cool. Pft.
“So, Mitch. According to your step father eh galing ka daw bicol. Hm?”
