Chapter 15

962 54 16
                                    

✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩ ✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩

Gabrielle's Point of View (๑✪ᆺ✪๑)

✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩ ✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩

"Here are the barbeques!" Masiglang inilatag ni Warrick sa lamesa ang plato. Umupo ito sa tabi ko at sa kanan ko naman si Magnus. Naramdaman ko ang pagkalabit nito sa akin.

Tiningnan ko siya.

"Kumain ka na?" tanong sa akin ni Magnus.

Tumango ako, "Oo, kumain kana rin." sagot ko.

"Ilan taon kana, Magnus?" Napatingin kami kay Lysandra, may hawak hawak itong baso.

"24 na 'yan!" singit ni Warrick sabay kagat sa hawak niyang barbeque. Nakita ko ang pagsama ng tingin ni Magnus dito, natawa naman ako sa sinabi nito.

"21 na." sagot nito.

"Debut mo na pala?" Tumango ito. Oo nga, debut na niya.

"Ayoko ng magarbo, atsaka kayo kayo lang naman ang mga kaibigan ko." nakangiting sambit nito sabay inom sa hawak niyang baso.

"Sus. Pwede naman magpa-cater ka, andami mong babae sa University, bakit 'di mo sila ininvite?" Mula sa kanan ko, inabot ng kamay ni Magnus si Warrick upang batukan ito, mabilis namang umiwas si Warrick. Nasa gitna nila ako na tawa lamang nang tawa.

Ang kukulit talaga nila.

"Mahiyain si Magnus, Warrick. Tinutulad mo sa'yo na matigas at makapal ang mukha." singit ni Jareth at tumayo. Kita ko na naasar si Warrick sa narinig kaya hinagis nito ang manok sa lalaki, mabilis naman itong nasalo ni Jareth, pinakyuhan niya nalang ito.

"Labasan pala ng baho rito, ah." inis nitong sabi.

Salitan lamang ang tingin ko sa kanila. Naghaharutan silang tatlo.

"Titaa! Si Magnus nanghahabol ng kutsilyo!!" umalingawngaw ang sigaw na iyon ni Warrick.

Habang tumatawa, napasulyap ako kina Draven, tahimik lang itong umiinom habang nanonood sa harutan ng mga kaibigan niya. Sa katabing upuan niya si Lysandra na tumatawa habang nanonood din. Nang mapagod 'yung tatlo ay mabilis silang bumalik sa mga upuan nila. Hinihingal sila habang hindi pa rin mapigilan ang tawanan.

"Kapagod, puta."

"Wag mo kasi akong binibiro, nanghahabol ako ng kutsilyo." natatawang sambit ni Magnus.

"Hilig magbiro ni Warrick, kaya hindi sineseryo ng mga naging jowa niya eh." singit ni Jareth.

"Bakit namemersonal kana? Ikaw nga hindi pa nagkakajowa eh!" bulyaw nito. Natahimik naman ito kaya lalong lumagapak ng tawa si Warrick.

Nagpatuloy ang kanilang asaran habang kami ay kumakain. Patuloy ko lang silang pinapanood habang tumatawa. Kung mag-asaran sila parang mga bata, naalala ko mga 2nd year college na pala ang mga ito. Napapailing nalang ako.

Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Draven, nahuli tuloy niya akong todo ang ngiti. Napaiwas nalang ako at tumingin kay Magnus na biglang tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ko. Tumingin siya sa akin.

"Kukuha lang baso at tatlo pang bote, lakas uminom ni Warrick at Draven eh." natatawang sagot nito sa akin.

Ngumiti ako at tumayo rin, "Tulungan na kita." Ngumiti ito at tumango. Bago pa kami makaalis sa table ay biglang nagsalita si Draven.

"Saan kayo pupunta?"

Sumulyap ako. Nakatingin ito sa akin.

"Kukuha lang refill." si Magnus na ang sumagot. Tumango lang ito kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hinawi nito ang isang glass door, doon ko nakita ang kabuan ng bahay nila Magnus. Malaki ito na ikinamangha ko, madilim nang kaunti pero kitang kita ang ganda.

Chasing Fireflies in the Dark (Cruel Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon