Chapter 36

804 36 50
                                    

✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩ ✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩

Gabrielle's Point of View (๑✪ᆺ✪๑)

✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩ ✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩

"Tara na!"

Pagkahinto ng dalawang sasakyan sa harapan ng sinasabi nilang magandang peryahan ay nauna nang bumaba mula sa backseat sina Gwen at Lysandra. Habang nasa driver seat naman si Draven na kasalukuyang nakatitig sa akin.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ko iyon.

"Bakit hindi kapa bumababa?"

Ngumiti ito, "I just want to admire your face a bit." Bahagya akong napayuko dahil sa hiya... o kilig? Bakit naman kasi bigla bigla siyang magiging ganito.

"Kahit pala madilim ang paligid, para kang may sariling ilaw." Narinig ko ang pagtawa nito. Nginitian ko siya at akmang bubuksan na ang pintuan ng sasakyan niya nang bigla niya akong pigilan.

"Wait." sambit niya.

"Bakit?" Nilingon ko siya nang may pagtataka. Ayaw niya bang tumuloy kami? Hindi niya ako sinagot bagkus ay mabilis siyang bumaba at nakita ko ang paglalakad niya sa direksyon ng pintuan ko. Binuksan niya ito.

Tumikhim ito, "My princess, first."

"Huh?" Ano raw? Ako princess?

"Mukha ka kasing prinsesa na ibinaba mula sa lang—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang sumulpot si Warrick na patakbong pumunta sa direksyon namin.

"Ang tagal niyo naman! Kanina pa kami nag-aantay doon. Akala namin nag-car fu—"

"Can you shut up, Warrick? Nakita mong bebetime 'to, bigla kang sisingit." Lumingon si Draven sa akin sabay ngiti.

Hindi ko maiwasang matawa sa ginawa niya. Halatang naiinis ang mukha niya kahit nakangiti. Umalis na ako mula sa sasakyan niya at sabay sabay kaming tatlo na pumasok sa loob ng mismong peryahan.

"Bwesit ka! Alam mong nagbibigay pa ako ng banat, e." rinig kong bulong ni Draven sa katabi nitong si Warrick. Bahagya akong tumingin pero hindi ko pinahalata. Nakita kong nag-peace sign ito.

"Sorry boss, hindi mo naman agad sinabi."

Nang masalubong namin silang lahat ay talagang nag-aantay na sila. Tumingin ako kay Gwen na hindi maipalagay sa kakalingon sa paligid namin na puno ng mga makukulay na ilaw. Kasabay niyon ang mga galaw ng mga rides dito. Marami ring bata ang nagtatakbuhan at mga taong nagkakasiyahan.

"Saan tayo unang sasakay sa dami ng pwedeng pagpilian?" tugon ni Gwen. Sumulpot naman sina Magnus at Jareth na kapwa parehong may dalang mga tickets. Ito ata ang gagamitin namin para makasakay sa gusto naming sakyan.

"What about... Carousel first? It's look fun. Tingnan niyo!" si Lysandra sabay turo sa direksyon ng sinasabi niya. Nagkatinginan naman silang lahat.

"Pambata, ayaw niyo vikings?" suhestiyon ni Warrick.

"Ikaw lang ang may kaya niyan, bugok kaba." Binatukan siya ni Magnus.

"Carousel... nalang? Mukhang masaya." naisambit ko. Napansin ko agad ang pagtingin nilang lahat sa akin. Medyo nahiya naman ako. Hindi ko pa kasi nasusubukan na pumunta sa ganito, e. Kaya parang masaya lahat subukan.

"Let's go. Carousel first."

Hinawakan ni Draven ang kamay ko at naglakad na kami papunta roon. Nasulyapan ko silang napapailing at natatawa sa naging wika ni Draven.

Chasing Fireflies in the Dark (Cruel Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon