✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩ ✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩
Gabrielle's Point of View (๑✪ᆺ✪๑)
✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩ ✮ ⋆ ˚。𖦹 ⋆。°✩
"Are you alright?" Pag-aalala ang rumehistro sa mukha ni Lysandra habang magkasabay kaming naglalakad ni Giddy sa may hallway. Nadaanan kami nito at sumabay na rin ito sa paglalakad namin.
"Oo ayos na ako, salamat nga pala ulit." Tumango ito at pasimple siyang tumingin kay Gideon na nakatungo lamang habang kami ay naglalakad.
Napakunot ang noo sa ilang segundong iyon.
"Pauwi na kayo?"
Nagkatinginan kami ni Gideon sa narinig.
"May dadaanan kami." Siya na ang sumagot, tumango na lamang ako biglang pagsang-ayon. Nang makalabas kami ng building at makarating sa may field, nakita ko sa 'di kalayuan sina Draven, nakaupo ito sa tambayan nila habang 'yung tatlo ay parang nagkukwentuhan.
Naparaan kami sa harapan nila at mabilis nila kaming napansin dahil na rin kay Lysandra na bigla silang binati.
"Hi, Gabrielle!" bati sa akin nung tatlo.
"Kumusta, first day ng exam?" natatawang tanong sa akin ni Warrick. Yumuko ito at nag-aktong parang nagmumukmok na ikinatawa ng mga kaibigan niya, "Hindi ako okay, tangina out of 70 items parang dalawa lang ata ang sigurado ko." dagdag nito na ikinalakas pa nila ng tawa.
"Hintayin mo nalang raw mga 1st year college, pre." segunda ni Magnus.
"Kapal ng mukha magreklamo, noong nagre-review tayo. Anong ginagawa mo? Naghahanap ng babae. Tsk." si Jareth.
"Pakialam ko, bayaran ko nalang para makapasa." Parang asong nakangiti si Warrick. Batok ang inabot niya sa dalawang kasama, napailing ako. Hindi na talaga natapos ang kakulit nila.
Tumingin ako kay Gideon at tumango ako, lumapit siya roon sa tatlo at iniabot ang kamay niya na ikinatigil ng tatlo sa pagtawa.
Parang biglang may dumaang anghel dahil sa namanying katahimikan.
Napasulyap ako kay Draven na matamang nakatingin sa direksyon nila.
"Gideon." pagpapakilala nito, "Gusto ko lang makipag kaibigan?" tanong nito at naglabas ng isang ngiti. Nakita kong parang nagbubulungan silang tatlo at nagtuturuan kung sino ang makikipagkamay.
"Suntukan daw kayo." si Warrick sabay turo kay Magnus na nanlaki ang mata sa narinig at malakas siyang binatukan.
"Gago! Hindi, wala akong sinabi." angal nito.
"Jareth." Ito na ang tumanggap ng kamay ni Gideon. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti, noong sinabi sa akin ni Giddy na gusto niyang makipagkaibigan sa mga ito, natuwa ako kasi maganda ang naiisip niyang ideya, mas gusto kong marami kaming magkakaibigan, kaysa mag-away away sila.
Pero kapag iniisip ko si Draven, hindi ko masiguro kung magkakaayos sila ni Gideon dahil alam kong hindi nila gusto ang isa't isa pero umaasa pa rin ako.
"Warrick, pre."
"Magnus."
"Welcome to the boys... Sana magkasundo sundo kayo." natutuwang ani ni Lysandra habang tinitingnan sila.
Tumingin ito sa akin na ikinangiti ko rin.
"Matinik ka rin sa babae, ano, Gideon?" biglang tanong ni Warrick. Nakita ko ang pagtawa ni Giddy sa narinig, nakatanggap naman ng mga kurot at hampas si Warrick mula sa mga kaibigan niya.