20: Narration

69 5 9
                                    

"Good Morning, Ka-Boba! Anong order mo, Tea?"

I flashed a warm smile as I greeted the customers. Halos marami rin ang tao ngayon simula nang nag-open kami ng Tiktok account. I actually don't know whether they are hooked with the names of our products or sadyang iba ang ipinunta nila dito.

Paano ba naman kasi, our oh-so-great barista posted a video of him making the drinks only wearing an apron. Ayan, dinumog tuloy kami.

Hindi ba nila naisip na napaka-unhygienic no'n?

"Isang Matcha-rap, yung biggester." The customer smiled. Pakiramdam ko tuloy gumaan ang pakiramdam ko.

Don't get me wrong, ang ganda lang talaga ng ngiti niya. Very calming.

"I just want to ask lang rin pala. May promos ba kayo here? Matagal na kasi akong bumili here, curious lang," she asked.

Sasagot na sana ako ng biglang may sumagot galing sa likod ko.

"Yes, meron," Argus said. Halos lahat tuloy ng tao sa loob ng shop ay nakatingin sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa tulad niya, 'di ba?

"Really? What?" Ate Girl asked.

"Ano, buy one, then take me," Argus flashed his smile and winked.

Tarantado, ayoko na. Uuwi na po ako.

Buy One, Take Me! - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon