awanggan

4 5 0
                                    

awanggan
ni Paulo Cordero

mula sa walang tigil na pagtakbo nang oras
hanggang sa wala ng natitirang yelo sa bandang ibaba ng mundo
mula sa pagtagpo ng daigdaig at ng haring araw
hanggang sa ang edad natin ay lumipas
mamahalin ka pa rin nang awanggan

mula sa pagsabog ng inang araw
hanggang sa mahulog na ang huling dahon na natitira sa mundo
mula sa pagbanggaan nang dalawang galaksiya
kahit lumubog na ang bawat isla na mayroon ang mundo
awanggan pa rin ang pagtibok ng puso ko sa iyo

Mayari Where stories live. Discover now