ikaw: dos

5 5 0
                                    

ikaw: dos
ni Paulo Cordero

palagi at palagi
ang iisipin kapag tumitingin sa maningning na mga tala
ang tanging dahilan sa tuwing hinahawakan ang aking daral
ang palaging aalalahanin dahil malayo’t wala sa iyong tabi
nag-iisa kang dahilan, walang iba kung hindi ikaw

ikaw ang rason kung bakit nahuhumaling sa mga mirasol na sa akin ay kahalintulad mo
kasalanan mo ang lahat, dapat mo akong panindigan

ikaw ang salarin kung bakit nakangiting natutulog sa gabi
ang rason kung bakit masayang gumigising tuwing umaga
ikaw ang bukod-tanging dahilan
walang iba kung hindi ikaw lamang

Mayari Where stories live. Discover now