Kabanata 2

338 5 4
                                    

"Ina!" Napasigaw na lamang ako sa tuwa matapos marinig ang pumarada na sasakyan. Sa sobrang sabik ko na makita ang aking ina, dali-dali akong nagtungo sa may garahe upang sila ay salubungin. Medyo matagal kasi siyang nawalay sa akin dahil nagbakasyon siya sa Palawan kasama ang kanyang bagong kasintahan na si Bong, kung kaya't masayang-masaya ako sa kanilang pagbalik.

"Kung makayakap ka naman sa akin parang sampung taon akong nawala." biro niya matapos ko siyang niyakap ng mahigpit habang napakandong naman siya sa aking mga bisig.

"Ba't ba kasi hindi ka sumama sa'min? Ayan tuloy, marami kang namiss," sambat naman ni Bong habang nakangiting pinagmamasdan lamang kaming dalawa. "Pero huwag kang mag-alala, may pasalubong naman kami para sa iyo," dagdag pa niya sabay abot sa akin ng mga nagkukumpulang gift bags.

Tinarayan ko lang siya at hindi muna pinansin dahil dalang-dala ko pa ang ginawa niyang pamamahiya sa akin noon. Mga ilang linggo pa naman ang lumipas simula nung insidenteng yaon ay palagi nalang nasisira ang araw ko. Kaya pala naroon siya sa loob ng aking kwarto sa mga oras na 'yun dahil ayaw na ayaw naman talaga ni Ina na tumabi sa isang taong nalulong na sa alak. Isa pa, wala rin akong kaalam-alam na ang lalaking nagpahiya sa akin ay ang taong magiging tatay ko pala balang araw.

Nagpaliwanag naman si Ina kung bakit niya iyon nagawang ilihim sa akin, at kahit na ganun ay nahihirapan pa rin akong tanggapin ang lahat. Hindi ko talaga matanggap si Bong at iyon ang isa sa mga mabibigat na dahilan kung bakit. Siguro kung hindi ganun ang naging set-up ng una naming pagkikita ay mabait sana ako sa kanya ngayon. Kaya lang, kinikimkim ko ang galit dahilan kung bakit hindi talaga ako sumama sa kanilang dalawa.

Lalo namang nakakatampo matapos kong malaman na titira muna ito sa amin. Tutol man ako pero wala akong magagawa kung kaya't hindi na rin ako mapalagay. Ikinabahala ko rin ang agwat ng kanilang edad dahil binata pa itong si Bong, at kung tutuusin nga'y parang nakatatandang kapatid ko lamang siya. Isa pa, hindi rin ako sigurado kung seryoso ba siya sa nanay ko.

Sino ba'ng hindi makapag-isip ng ganun? Siya ay magandang lalaki at tiyak maraming mga babae ang kumakarandarapa sa kanya at baka yaman lang din ang habol niya sa amin. Pero hanggang doon lang ang pwede kong isipin, dahil sa huli, puso naman talaga ni Ina ang magdidikta. Isa pa, wala rin akong planong makipaghalubilo sa kanya at kahit ano paman ang kanyang gagawin para lang makuha ang loob ko ay hindi 'yun uubra. Wala talaga akong balak na kilalanin siya. Ayoko! Baka kasi isa rin siya sa mga lalaki noon na walang ibang ginawa kundi manloko at magtaksil. Hindi na rin kasi yun bago sa amin at nagsawa na ako sa ganung set-up. Ilang beses kong nasaksihan si Ina na nasasaktan, at ngayo'y aasa pa ako sa kanya? Naku, huwag nalang!

Pagkatapos nun, agad akong bumalik sa aking kwarto bitbit ang mga pasalubong na iyon. Sa sobrang saya ko nang makita ang mga magagandang damit at souvenirs galing Palawan, mabilis ko itong ikinalikot upang subukan. Kinunan ko pa ito ng mga shots para makapagpost din sa aking social media accounts. Ngunit, bahagya munang natigil ang kaunting kasiyahan nang tinawag ako ni Ina sa baba. 

Ako ay nayamot nang dumaraos sa may hagdanan na may asim sa mukha. Ipinagbilin pala niya sa akin na maghanda ng hapunan, at dahil kinakain na ako sa oras sa sobrang dami ng mga gawaing bahay, ipinag-order ko nalang sila ng makakain. Nang makarating ako sa kusina, inutusan niya akong tawagin si Bong habang isinasarili ang paghahanda ng aming hapunan. Alam kong sinasadya niya yun upang magkakakibuan kami, pero balewala pa rin ang lahat dahil hinding-hindi talaga magbabago ang aking pasya.

Sa walang alintana, dumiretso ang aking mga hakbang sa kanilang kwarto upang tawagin ito. Pagkarating ko roon, ikinagulat kong masilayan ang isang nakakapang-akit na eksena. Hindi ko naman din kasi inasahan na may matutuklasan pala ako sa mga sandaling iyon. Sino ba namang hindi magugulat? Bigla kasing bumungad sa akin ang nakakapanukso niyang katawan. Natameme pa ako dahil iyon pa ang kauna-unahang beses na makita ko siya na nakatop-less. Ang hot pala ni Bong! Hindi ko akalain na mayroon siyang nakakabighaning bagsik!

"Josh, nandito ka? Anong pakay mo?"

Halos hindi ko naman maibuka ang aking bibig nang dumaraos pa ang aking mga paningin paibaba. Mula sa maamo niyang mukha, lumubo ang aking mga mata matapos mapansin ang umiigting na mga kalamnan sa kanyang torso na lubos namang nagbigay sa akin ng estado ng imoralidad. Hindi ko tuloy matimpi na mapakagat nalang sa aking mga labi bunga sa pagbabagong init na aking nararamdaman.

"A-ano po...n-nakahanda na po," nauutal tuloy ako sa pagsagot habang kinakalmot ang ulo. Ewan ko ba, hindi ko na alam kung paano bumigkas ng dire-diretso dahil sa aking mga nakikita. Hinihikayat ko naman ang sarili na magalit sa kanya ngunit hindi ko mapigilan na manlambot. Pilit ko mang ibaling ang aking paningin sa magkabilang direksyon, sapagkat hindi ko talaga matiis na mapatingin sa naglalakihan niyang dibdib at sa malaking umbok sa ilalim. Napabuntong-hininga nalang din ako pagkatapos, dahil ramdam ko ang umiinit na tensyon. "Handa na po ang hapunan."

Mas lalo namang nagbuhos sa akin ng kakaibang pagnanasa matapos kong mapansin ang mga butil ng kanyang pawis, na dumagdag talaga ng isang klaseng init sa maganda niyang postura. Dahil mayroon siyang maiyag na toned abs at napakarilag na V-line sa katawan, iyon din ang isa sa labis na nanunudyo sa buo kong pagkalalaki.

"Ganun ba?" muli siyang napahayag. "Magbibihis muna ako, okay? Mauna nalang kayong dalawa. Susunod lang ako."

Wala na rin akong ibang maisasambit pa, bagamat nawalan na ako sa pagtuon. Ang umbok kasi na iyon ang tanging nagsumpa sa mga sandali na kumagat sa lilim kong pagkalalaki bunga sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Bago ko siya nilisan, kapansin-pansin talaga ang halimaw na nakatago sa loob ng kanyang pantalon. Ang katabaan pa nito ay sadyang nanunukso sa aking paningin, kaya muli ko itong sinulyapan saka ko siya tuluyang iniwan.

Nang makabalik na ako sa kusina, abala pa rin si Ina sa paghahanda ng aming makakain. Ako naman ay tumihaya sa may sofa habang nagguni-guni sa nasaksihan. Sadyang hindi ako makapaniwala sa naganap, lalo na't pakiramdam ko na parang naaakit na talaga ako sa kanya. Pero, hindi. Hindi pwede! Hindi dapat ako matukso at basta-basta nalang isawalang bahala ang kanyang ginawa sa akin noon dahil lang sa kanyang pagiging masarap na lalaki! Kailangan ko pa ring magising na ang lahat ng aking natuklasan ay isang patibong lamang.

Sa sandaling iyon, biglang nagbago ang lahat. Ang pagiging inosente ko ay napalitan agad ng isang pinagbabawal na pagkubli. Hindi ko rin ito matimpi bunga sa isang malakas na sex appeal na mayroon si Bong. Ang maskulado niyang pangangatawan, ang maamo niyang mukha at ang dambuhalang umbok na sumiksik sa masikip niyang pantalon ay sadyang nagbuhos ng ibang klaseng nginig at pagnanasa na bumulabog talaga sa pagiging inosente kong nilalang. Kalaunan, napagpasyahan kong kalimutan ang lahat at kung ano pa man ang aking mga naramdaman sa mga sandaling iyon. Ngunit, sa pagdaan ng mga ilang araw, ang tinitimpi kong pagnanasa ay mas lalo pang lumalim hanggang sa hindi ko na nga ito mapigilan.

Mas lalo pa akong naghirap na balewalain na lamang ang nangyari lalo na't madalas ko na siyang nakikitang nakatop-less. Dahil may kasiksikan sa laman at kahayupan sa sukat ang kanyang alaga na paulit-ulit gumagambala sa isip ko, iyon naman din ang nagtulak sa akin upang ilabas ang totoo kong pinta. Dahil dun, hindi na ako sigurado sa aking pagkakakilanlan at nalilito na rin kung bakit nabihag pa sa ipinagbabawal na pagkubli. Kahit na alam kong mali at hindi naaanyo na matukso sa isang taong tulad niya, tunay naman ang pagnanasang nagkakaloob sa akin. Gusto ko tuloy murahin at parusahan ang aking sarili na tila ba'y nakakalimutan ko na yata na ayaw ko sa kanya. Kaya lang, hindi ko talaga sinasadyang matukso. Maging ako ay napatanong din kung bakit siya pa. Bakit kasintahan pa ng nanay ko?

Bakas Ni HudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon