Ang lahat ng sulok sa kwartong iyon ay lumiwanag, kasabay pa nito ang lumalakas na himig ng aking cellphone na tangi ko lang naririnig. Sa aking pagdilat, umusbong ang imahe ni Bong sa may pintuan habang magiliw niya akong pinagmamasdan. Dali-dali ko namang pinahiran ang aking mga labi matapos maramdaman ang dumaragasang mga laway habang napagtanto kong pinagpapantasyahan ko na naman siya muli. Shit! Nakakahiya! Ilang beses ko na siyang napapanaginipan at halos malalaswa pa ang lahat ng mga nagaganap. Ano ba'ng nangyayari sa'kin? Ganoon na ba talaga ako kahayok para pagnasaan siya ng husto?
Nagtagpo naman ang aking mga kilay nang mapansin ang napakarumi niyang katawan na tila ba hindi ko talaga mailalarawan ang tunay na nangyari. Kung kanina nga lang ay napakapresko niya, ngayon naman, eh, para yatang sumulong siya sa isang madugong bakbakan. Ano ba kasi ang kanyang ginawa? Ba't parang nagmukha siyang taong-grasa ngayon? Hindi nagtagal, umiiling-iling siya matapos makilatis ang aking reaksyon, at walang pigil na binasag ang katahimikan.
"Mabuti naman at ika ay gising na," pagsisimula niya. "Napakarumi ko pala ngayon. Ang totoo kasi niyan ay wala lang akong mahanap na ibang gagawin kanina kundi maglinis lang ng bakuran."
Kaya pala. Heto na naman ako, naiinis na walang dahilan. Oh, tapos? Tinatanong ko ba? Ano ba'ng gusto mong palabasin kung nilinis mo ang bakuran namin? Na masipag ka, ganun ba 'yun? At kahit kalkalin mo pa ang lupa sa may hardin at e-renovate ang buong bahay namin ay wala akong paki-alam. Isa pa, ano'ng ginagawa mo rito sa kwarto ko? Bakit ka nakatayo sa may pinto?
"Ba't ka pala nandito?" diritsahan akong nagtanong, nakasimangot, habang sinisimulan na rin ang pagkilos. "May hinahanap ka ba na pwede mong gamitin sa paglilinis ng bakuran? Naku, Bong, maling lugar ang iyong pinuntahan at wala ka ring makikita na kahit na anong bagay na pwede mong pakinabangan."
Wala rin akong ideya kung bakit bigla nalang siyang ngumiti. "Napakasungit mo talaga. Kung kanina ay parang okay tayo, tapos ngayon ay parang nagagalit ka ulit. Daig mo pa ang dalagitang tinutoyo," malumanay niyang tugon. "Ilang beses ko kasing narinig ang cellphone mong tumutunog. Inakala ko naman na importanteng tawag 'yun, malay ko ba na isa pala 'tong alarm. At saka, insakto namang nagising ka habang pababa na sana ako," paliwanag niya naman.
Medyo napahiya ako ng kaunti kasi parang naging-oa ako masyado. Ah, basta! Ang alam ko lang ay nanggigigil ako at naiinis sa tuwing magkakausap kaming dalawa. Kung naging mabait ako sa kanya kanina, eh, kanina 'yun! Hindi ako umimik at patuloy siyang tinatarayan. Nang nais ko sanang ibaling ang aking paningin, napatigil naman ako at mabilis nagkamausisa sa kanyang sinabi.
"Sa katunayan, may nahanap akong bulaklak dito sa kwarto mo na sa tingin ko'y nababagay talaga sa bakuran ninyo," dagdag niya.
Bulaklak? At kailan pa nagkaroon ng mga bulaklak ang kwarto ko? Duhh! May napapansin yata siya na hindi ko nakikita. Para siyang praning. Napapahalakhak tuloy ako sa kanyang iminungkahi.
"At ang bulaklak na 'yun ay tumatawa pa sa harap ko." Bumagting kaagad ang aking mga eardrums nang marinig iyon. Ano'ng sabi niya! Aba, aba! Ang ibig ba niyang iparating ay pambakuran lang 'tong hitsura ko? Grabe siya!
"Pakiramdam ko nga, napasarap siya sa pagtulog kasi tumutulo pa 'yung laway niya kanina habang dinadaing ang pangalan ko," at ngumiti pa sa akin dahilan para maasar ako ulit. Tang ina, nananadya yata siya ngayon, ah! At ano ulit 'yun? Sinisigaw ko raw ang buong pangalan niya habang pinapantasyahan siya? Bullshit! Hindi ko batid kung kaya ko ba siyang paniwalaan, pero hindi! Hindi pwede! Dapat walang uusbong na mga senyales at palatandaan na may pagnanasa ako sa kanya. Shit! Kailangan ko na pala 'tong puksain bago sumabog ang lahat.
"Hindi ka pala hardinero, ano?" pagtataray ko naman. "Isa ka ring manggagawa. Alam mo 'yun? Yun bang gumagawa ka ng kwento na hindi naman nangyayari!" pagtatanggi ko pa.
Marahas niya akong hinila dahilan sa pagkalampag ng aking hinaharap sa maskulado niyang pangangatawan! Nakuha rin niyang suminghot at hinalimuyak ang matamis-tamis kong pangangamoy saka bumulong. "Sa tingin mo ba hindi kita naabutang nakahandusay sa kama kanina? Kung alam mo lang kung gaano kita katagal pinagmamasdan. Halata pa namang nag-enjoy ka, Josh. At saka, tama ka rin. Totoo ang sinasabi mo na isa akong manggagawa. Alam mo 'yun? Yun bang gumagawa ng bata? Gusto mo pati ikaw ay anakan ko rin?" sabi niya at kinindatan pa ako.
Wow, ha? Sumasagot pa siya sa akin ng ganun? Lalo niya lang akong ginagalit!
"Dinadaing mo kasi ang pangalan ko kanina, eh," dagdag pa niya. "May nangyari ba sa panaginip mo? Ibahagi mo naman sa akin, baka pinagnanasaan mo talaga ako na hindi ko namamalayan."
Eh, ano'ng gusto mo? Dapat ko ba'ng sabihin sa'yo na pinagnanasaan kita nang sa ganun ay aware ka? Gago ka pala, eh! Sumusobra ka talaga! Hindi ko na siya inalintana at nagmamadali sanang pumasok ng banyo para makapag-ayos na. Kaya lang, mabilis niyang inakma ang aking batuta at nagulantang talaga ako sa kanyang ginawa. Naiinis naman ako matapos maramdaman ang kanyang maugat na kamay na maiging hinawak-hawakan ang akin ng buong-buo. Putang ina mo talaga, Bong!
"Huli ka, balbon!" sigaw pa niya. Kaagad ko naman siyang naitulak habang walang humpay lang niya akong tinatawanan. "Akala ko ba ikaw lang 'tong galit sa akin, ba't pati junjun mo'y dinamay mo rin? Ang tigas, Josh!" Sumisigaw na ako sa sarili habang gigil na gigil sa kanya. Bwesit ka talaga, Bong. Bwesit ka!
Sinusuntok ko na ngayon ang pader ng banyo. Hindi ko alam! Gusto ko lang ilabas yung pagka-asar at pagkainis ko sa kanya. Kumukulo talaga ang dugo ko ngayon. Minalas pa ako nang walang pumapatak na kahit na anong tubig sa shower. Kung kaya't napagdesisyunan ko nalang na magpunta sa kabilang banyo upang doon maligo. Minsan kasi hindi kakayanin ng tubig na umabot sa palapag namin. Hindi ko alam, naka-dekuryente naman kami. Nagmamadali akong dumaraos sa baba dahil tumatakbo na oras. Laking gulat ko naman nang maabutan ko si Bong doon sa loob, na masayang naglalaro ng tubig sa shower. Putek, at pinagtagpo pa kami ulit!
Napatigil naman siya saglit nang sandali niya akong napansin. "Hi Josh, nais mo ba'ng maligo kasama ako?" Pang-aasar niya naman habang itinaas-baba pa yung makapal-kapal niyang kilay. Nakakabwesit talaga! Hinampas ko lang 'yun pinto dahil naiinis talaga ako sa kanya. Nakakadiri! Pakiramdam niya kasi ay may ubod siyang kagwapuhan at bukod tanging sarap ng katawan!
Sa hindi inaasahan, muli niya akong pinagbuksan ng pinto at hinikayat pang tumuloy. "Alam ko'ng nagmamadali ka ngayon dahil ayaw mong ma-late sa trabaho. Sige na, pumasok ka na at sabayan mo ako sa pagligo. Wala naman yatang problema kung magkasama tayo rito sa loob, diba? Pareho naman tayong mga lalaki."
Ugh! Mas lalo niyang sinisira ang araw ko. Wala naman akong ibang pagpipilian, eh. Ano ba ang dapat kong gawin? Ipapairal ko na naman ba ang pride ko? Sa mga sandalaing ito, trabaho ang aking iniisip. Kung hindi sana ako nagmamadali at kinakain ng oras ngayon ay wala talaga akong plano na sabayan siya.
Sa aking pagpasok, ramdam ko ang kasikipan ng sulok. Ba't ba kasi tumuloy pa ako kung mahihirapan naman kami pareho sa pagligo ngayon? Tumalikod ako sa kanya at dahan-dahang naghubad samantalang rinig ko naman ang mga himig niyang wala sa tono habang nalilibang sa pagligo. Sa hindi inaasahan, napansin ko mula sa repleksyon ng kaharap kong salamin ang hulmang-hulma niyang alindog. Bumiyahe pa ang aking paningin papunta sa kanyang singit at nasaksihan ko kung gaano nagmarka ang ulo ng kanyang sandata sa basang-basa niyang underwear. Diyos ko po! Heto na naman ako ngayon! Pinigilan ko ang sarili na matukso, sapagkat huli na ang lahat matapos kong tingnan ang aking pundya na may unti-unti na ring nanigas. Tang, ina! Nagkatitigan naman kami, at ramdam niya kung paano ako naging balisa.
"Hindi ka ba sanay maligo na may saplot?" Bigla siyang nagsalita. "Sige, kung gusto mong maghubad ay 'wag mo na akong isipin. Maghuhubad din ako nang sa ganun ay hindi ka mailang sa akin."
BINABASA MO ANG
Bakas Ni Hudas
RandomPREVIOUSLY RELEASED WITH 200K+ READS. Kapootan ang nangingibabaw matapos siyang ipahiya ng kalaguyo ng kanyang ina. Sa kagustuhan nitong makuha ang kanyang loob, umusbong ang hindi inaasahang pagnanasa na humantong sa ipinagbabawal na hangarin. Paan...