Chapter 12

409 15 2
                                    

Fourteen months later.

TULUYAN nang nakabangon ang Villena Industry. Hindi na sila kakaba-kaba ngayon na bumagsak ang kompanya. Sa tulong ng mga officers at mga empleyado, nagawa ni Calvin na ibangon ang naghihingalong kompanya.

Tuwang-tuwa ang kanyang papa. He knew how proud he was for him. Dapat na siyang matuwa roon. Tapos na ang problema. At natutuwa naman siya para sa kompanya at sa mga taong umaasa roon.

But he felt so empty. Parang hungkag ang tagumpay na kanyang nakamit. Ni hindi makapaglabas ang kanyang mga labi ng isang genuine na ngiti.

Because deep inside him, he wasn't happy. He didn't feel victorious. No. Not at all. Paano siya makakaramdam ng saya gayong ang taong gusto niyang makahati sa tagumpay na iyon ay wala sa kanyang tabi?

Binuksan niya ang drawer ng kanyang mesa pagkatapos bumuntong-hininga. Mula roon ay inilabas niya ang picture frame kung saan nakalagay ang larawan ng kanyang si Consuelo.

Umuwi siyang pagod ngunit masaya nang gabing hindi na niya maabutan ang dalaga sa mansiyon. Isang sulat na lamang ang natagpuan niya sa silid na ginagamit nito.

Nakalagay sa sulat na iyon kung paanong nahihirapan ito sa araw-araw na naroon ito sa mansiyon. Kung paanong na-realize nito na talagang magkaiba ang kanilang mundo. Na hindi pala nito makakayang samahan siya sa mundo niya.

At ang pinakamasakit sa lahat, hindi naman daw magiging ganoon kahirap kung talagang mahal siya nito. Ngunit iyon ang napagtanto nito habang nasa mansiyon ito. Kaya raw nitong magtiis, kaya raw nitong lagpasan ang malaking agwat nila kung totoong mahal siya nito.

Muli niyang naramdaman ang pamilyar na sakit sa kanyang dibdib. Every time he thought of Consuelo's letter to him, he always found it hard to breathe. Niluwangan niya ang suot na necktie.

Consuelo realized that she didn't love him enough to stand beside him... to be with him. Wala nang mas sasakit pa sa katotohanang iyon.

Kung alam lang nito kung paano siya pinatay ng sulat nitong iyon. Ngunit ang labis na ikinagagalit niya, hindi niya magawang ibaling sa ibang babae ang pagmamahal niya kay Consuelo. Sa tuwing susubukan niya, palagi rin siyang umaatras kaya naman isinubsob na lamang niya ang sarili sa kanyang trabaho.

Sa loob ng mahigit isang taon, hindi siya nagpahinga kahit minsan. Halos tatlong oras lamang ang tulog niya sa bawat araw. Alam niyang nag-aalala na noon ang kanyang papa pati na rin ang Mama Agnes niya ngunit hindi siya nagpaawat.

Gusto niyang mamuhi sa babaeng nagpadama sa kanya ng tunay na saya at siya ring nagpakilala sa kanya ng walang kapantay na sakit ngunit hindi niya magawa. Hanggang ngayon, sa kabila ng lahat, naiisip pa rin niya kung kumusta na ito. Hindi man lang ba ito nahirapan nang mawala siya sa tabi nito? Ni minsan ba ay hindi siya sumagi sa isipan nito?

At kahit minsan ba, hindi nito naisip kung gaano siya nasaktan nito? May mahal na kaya itong iba?

Hindi niya napigilan ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Iniiwas niya ang tingin sa larawan ni Consuelo. Muli niyang itinuon ang tingin sa labas kung saan makikita ang napakaraming ilaw na nagmumula sa mga katabing building ng Villena Industry.

Tulad ng dati, naroon na naman siya sa kanyang pribadong opisina. Wala pa siyang balak na umuwi kahit mag-aalas-diyes na ng gabi at wala namang trabahong kailangang tapusin.

Bakit siya nagawang iwan ni Consuelo? Hindi ba nito alam na ito ang tanging dahilan kung bakit kinakaya niyang ibangon ang kanilang kompanya kahit nahihirapan siya? Madatnan lamang niya ito sa mansiyon na naghihintay sa kanya, tanggal na lahat ng pagod niya.

Hindi ba alam nito—

Oh, damn! Why is he even thinking about her? She left him. Her love for him wasn't strong enough to endure the hardships and the time.

Consuelo - Claudia SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon