In Love with my Math Teacher # 2
Lisette's POV
Yey!
Lunes na naman ngayon, yes may pasok na ulit. Ansaya talaga pag lunes.
WOO! Kung iba sigurong estudyante ay naiinis tuwing dumarating ang lunes eh ako hindi! A big no! Kasi makikita ko na ulit siya...
Dali dali na akong naligo, kumain, at siyempre pumunta na ako ng school.
Mga 6:45 na siguro nang makarating ako sa harapan ng school, as expected kunti pa lang ang mga estudyante...pwede pa sigurong mabilang sa mga daliri ko...ganyan talaga eh, FILIPINO TIME IKA NGA. Hay naku!
At dahil alam kong ako pa lang ang nandito sa aming klase eh tatambay muna ako sa gate...tamang-tama to para makita ko siyang pumasok ng gate, makokompleto na ang araw ko.
Pagkapasok ko'y binati ko agad ang aming school guard, siyempre cheerful ako eh...ay este polite pala.
"Good morning po manong, bakit po parang gumagwapo po kayo?" tawagin niyo na po akong bolera pero I need to do this para payagan niya akong tumambay dito.
Hay ikaw talagang bata ka! Nambola ka pa! Bakit di mo na lang sabihing gusto mong tumambay dito?"----->Manong Guard
"Ay naku manong! Gwapo naman talaga kayo eh...at dahil nga gwapo kayo eh dito muna ako dahil tutulungan ko kayo."
"O sige, pero huwag kang maingay hah, non-stop kasi yang bunganga mo eh."---->Manong Guard
"Thanks po talaga manong! Da best school guard po talaga kayo!"
At ayun nga inabangan ko siya, siyempre pagpasok niya acting as the "prim and proper" ako para ma-impress siya. Ang gwapo niya talaga! Super duper handsome! O walang kokontra ha?
Kyahhhh! Kompleto na ang araw ko!
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Tunog po yan ng school bell namin, time na pala kelangan ko na palang pumunta sa class room.
Pag upo ko nag simula namang maglakbay ang utak ko sa kung saan saan...
Nang...
"Hoy Lisette! Ka-aga aga pa nga lutang ka na naman."
Wag na po kayong magtanong kung sino yan kasi halata naman diba? Opo! Walang iba kundi si Kassidy.
"Ano ka ba ha? Ka-aga aga panira ka na naman, Tss!" sabay talikod kay Kassidy at nagsimula ulit na maglakbay sa kung saan ang utak ko.
Kassidy's POV
Nagsisimula na po ang class namin, English ang first subject namin pero ewan ko lang sa babaeng katabi ko ha, ayan nakatitig lang sa kawalan, ayaw paawat sa pangangarap eh...
Ang ganda pa naman ng topic namin ngayon, LOVE po. Nagtaka kayo kung paano napasama sa english ang pag-ibig no? Siyempre nga diba english literature...eh marami kayang tula ang tungkol sa pag-ibig kaya ayan...
Ngayon nagtatanong ang teacher namin ng interpretasyon sa salitang pag-ibig nang mapadako siya sa kinaroroonan namin ni Lisette. Diyos ko po! Mapapahiya tong bestfriend ko pag nagkataon..baka iba pa ang isagot niya eh...
Wag naman sana...
"Ms. Mendoza?..what is love for you?"------>Teacher po namin yan...naku naman tong si Lisette nakatitig pa din sa kawalan...
Naku naman! Kinurot ko siya sa tagiliran para bumalik sa diwa niya.
"Lisette? Hoy Lisette! Tinatanong ka o!"
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Math Teacher [Temporarily Closed]
Romance*STORY TEMPORARILY CLOSED* Wag munang basahin. I'm still revising this so back off XD *AGE IS NOT A BARRIER TO LOVE* True Love? Masasabi mo po kaya yan kung ang age difference niyo eh halos 21 taon? Would you still continue to love even if other pe...