Lisette's POV
Hayyy! Ang sipag naman ng maga kaklase ko. Iniwan ba namang parang basurahan ang classroom!
Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Edi maglinis!
Eh sa di ko talaga matagalan ang maduming classroom eh.
Si Kassidy naman kasi! Iniwan ba naman ako ditong mag-isa.
If I know, gusto lang nung sundan si Joseph sa Library.
May meeting kasi ang mga teachers ngayon eh. Ang iba ko namang classmates eh ayun..naglalaro ng habulan..Parang mga bata lang talaga eh!
Tatlong araw na rin mula nung hinatid ako ni Aaron ni sa bahay. Miss ko na talaga siya...
Eh kasi naman tatlong araw na rin siyang absent eh! Ano kayang nangyari dun?
Okay lang kaya siya?
May sakit kaya siya?
Hayyy!
Buti nalang walang pasok mamaya, half-day lang kami ngayon eh.
San kaya kami gagala ni Kass mamaya?
Speaking of Kass, naiinis ako sa kanya.
Ayaw ba namang maniwala na hinatid ako ni Aaron?
Ganun na ba ako ka di kapani-paniwala?
Totoo naman ang sinabi ko eh. Sabi niya pa, si Leo na lang daw ang mahalin ko kasi mukhang may pag-asa ako. Neknek niya no! Eh di nga ako pinapansin nun eh.
Asa naman akong magugustuhan ako nun!
It doesn't matter anyway, pakialam ko ba kung sino ang gusto ng lalaking yun.
Back to work na nga! Ang dami pa kasing kalat eh! Kainis naman o! Hindi ba sila marunong magtapon ng basura sa basurahan?
"Mukhang ang dami mo pang lilinisin ah, tulungan na kita."
Sino naman tong nag-aalok ng tulong?
S-si Leo? Sigurado ba siya? Eh baka di nga siya marunong magwalis.
"Salamat nalang, pero kaya ko na to...parang di ka naman kasi sanay maglinis eh."
Tiningnan niya ako at nag-smile siya. Ang ganda ng smile niya!
Erase! Erase! Erase!
"At paano mo naman nasabing di ako marunong maglinis?"----->Leo
"Halata sa itsura mo eh." sabi ko naman sa kanya
"Dahil ba sobrang gwapo ko?"----->Leo
Aish! Ang yabang din pala ng isang to.
"Ba't biglang lumakas ang hangin dito?"
"Hindi naman ah, ang init nga ng panahon eh."----->Leo
"Ewan ko sayo."
" Pwede ba tayong maging magkaibigan?"----->Leo
"Ano namang klase ng tanong yan?"
"Sagutin mo nalang kasi."----->Leo
"Mukhang marami namang babae dyan ang gusto makipagkaibigan sayo eh, dun kana lang sa kanila...wag ako ang ginagambala mo."
"Sungit mo naman pala, akala ko pa naman mabait ka."----->Leo
Ano yun? Parang bata lang?
"Kainis ka naman eh! Ano ba ang gusto mo ha?"
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Math Teacher [Temporarily Closed]
Romansa*STORY TEMPORARILY CLOSED* Wag munang basahin. I'm still revising this so back off XD *AGE IS NOT A BARRIER TO LOVE* True Love? Masasabi mo po kaya yan kung ang age difference niyo eh halos 21 taon? Would you still continue to love even if other pe...