Chapter 2

28 1 0
                                    


Nakaupo nang pa-dekuwatro si Hernan sa sofa kaharap si Ric. Si David ay nakatulog na pagkatapos na maligo. Pasado alas otso na rin pala ng gabi nang tingalain ni Ric ang orasan.

"Ano nangyari ro'n sa niligawan mo dati?" untag ni Ric.

"Sino?" kunwari di maalala ni Hernan.

"Kunwari ka pa."

"Sino nga e?"

"Si Shayne," sagot ni Ric.

"Ah. . ." maikling sagot ni Hernan.

Si Shayne ay dating niligawan ni Hernan pero nagustuhan lang pala siya ng dalaga dahil sa hitsura at pera. Sinabi nito kay Hernan dati na hindi nya gusto ang ugali ni Hernan.

Sinamantala lang nya ang kabaitan niya at ginamit yon para sa mga luho niya.

"Bili mo ako niyan, Hernan."

Binasa ni Hernan ang price tag ng tinuturong Gucci bag ni Shayne. Makintab ang shoulder bag, may dalawang bulsa ito sa harap at maliit lang. Halos pamporma lang ang laki pero mamahalin.

"P30,000"

"May discount din po kami ngayon, sir at ma'am. 20% discount kung mag-a-avail po kayo ngayon. Take note, ngayon lang po yan," sabi ng saleslady.

Nagniningning ang mga mata ni Shayne na lumingkis sa bisig ng binata. Di niya pinansin at naisip kung gaano kamahal ang bag na yon. Binili na lang niya para sa babae para mapasaya siya.

"Natulala ka na diyan," pansin ni Ric nang manahimik si Hernan.

Umiling-iling si Hernan. "Ayun, huling balita ko, may boyfriend na foreigner na."

Umismid lang si Ric sa sagot niya. "Ang tanga mo naman kasi no'n. Sinabihan na kita na pineperahan ka lang nung babaing yon."

Humiga na sa sofa si Hernan at pinikit ang mga mata habang pinapakinggan ang mga sunod na sasabihin ni Ric sa kanya. Si Shayne ay anim na buwan niyang niligawan pero sa anim na buwan na yon, puro sakit ng ulo lang ang binigay sa kanya.

"Ewan ko ba, bakit malas ako sa babae."

Biglang nakaisip na naman ng tanong si Ric. "Wala naman nangyari sa inyo 'no?"

Napamulagat sa pagpikit si Hernan. Ni halik nga hindi niya nagawa sa babaing yon, nangyari pa kaya.

Napaubo pa siya sa tanong nito.

"Wala syempre. Itutulad mo pa ako sa'yo, kakakilala lang, may ganap na agad."

Napahalakhak si Ric at di nakailag sa ganti ni Hernan.

"Edi ako na masama. Ikaw na mabait." Tumayo na si Ric at binatukan si Hernan.

"Aray naman!" reklamo ng isa.

"Ewan ko sa'yo. Ang pogi-pogi mo naman, mayaman, pero malas sa lovelife."

Tama naman si Ric sa mga sinabi niya. Alam niya sa sarili na siya yong tipo ng lalaking isang tingin pa lang ng babae, magiging crush na. Kapag minamalas nga naman.

"Ano na naman iniisip mo?" tanong ni Ric nang mapansing nakatulala sa kisame ang kaibigan.

"Iniisip ko lang, ano kaya ginagawa ngayon ng babaing mapapangasawa ko?"

Natawa na naman si Ric. Masyadong iniisip ni Hernan yong babaing nakatakda raw para sa kanya.

"Baka mabulunan yon. Wag mo masyado iniisip yan. Balik tayo kay Shayne, buti naman di kayo nagkatuluyan nun."

"Buti lang talaga. Wala siyang ginawa kundi magpabili ng kung anu-ano."

"Kulang na lang ibili ko siya ng bahay at lupa."

Napahalakhak na naman si Ric. Napakamasiyahin talaga nito at napamura pa sa hinanakit ni Hernan.

"Gag*! Ginawa kang ATM p're."

"I swear. Kahit deodorant niya, ako pinapabili niya," seryosong dugtong ni Hernan na lalong nagpahalakhak kay Ric. Gumalaw sa pagkakahiga si David kaya tumigil na sa pagtawa ni Ric.

"Ang tanga mo rin kasi. Naturingang guwapo pero tanga."

"I know I'm stupid. Nagmahal lang naman ako."

Napahagikhik sa sariling kalokohan si Ric at iniba na ni Hernan ang topic nila.

"My grandpa is already asking me to find a wife."

"Seryoso?"

"Yea."

Umayos ng upo si Hernan para kaharap na niya si Ric na nakatayo.

"Lolo Robert pangalan nung lolo mong nakatira sa probinsya ninyo, di ba? Yong pinapauwi ka na sa inyo?"

Bumuntong-hininga muna si Hernan bago sumagot, "Yes."

"Well, look. I'm not a child anymore. I want to have a family in the future too," lumungkot ang boses niya rito.

Sa ilang babaing nakilala niya dati, minsan na niya na-imagine na ano ang mangyayari kapag naging asawa o nakatuluyan niya ang isa sa kanila.

"I want to be a husband and a father someday."

"Dami mong alam, Hernan," biro ni Ric.

"Asawahin mo na kasi yong sexy na babae kanina sa pool para matupad na yang wish mo na yan."

"Gusto mo sa'yo na lang yon."

"Ikaw yong gusto nung tao kaya patusin mo na. Sa guwapo mong yan, kaya mo mag-anak ng sampu sa sampung babae nang isang gabi lang."

"Lakas ko naman kung gano'n," ani Hernan na sinasabayan ang trip ng kaibigan. Napakalakas naman ng kamandag niya pero may katotohanan naman ang joke ni Ric. Kaya ni Hernan yon kung gugustuhin.

"Pare, yong sampung anak na yon, lahat yon panganay."

Puro talaga kalokohan ang alam ng mga kaibigan niyang 'to.

Thalia, Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon