Chapter 38

9 1 0
                                    


Pinindot ni Gaile ang doorbell.

"Ding dong!"

Naghihintay sa labas si Gaile kasama si Hernan. Hinatid siya nito sa police station kanina at ngayon naman ay sa bahay ni Samantha. Nahihiya man siya ay pumayag na siyang ihatid siya rito dahil siya naman ang nag-offer.

Bumukas ang pinto at nagkatinginan sina Gaile at Samantha. Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha ni Sam sa kalagayan ng kaibigan niya.

"Kanina tumawag ako, hindi ka sumasagot," sabi nito kay Gaile.

"Ako rin kaya di mo sinasagot tawag ko kanina. Galing kaming police station." Tiningnan niya si Hernan. "Siya naghatid sa'kin doon at dito sa bahay ninyo."

"Police station? Bakit? Saka sabi mo mag-mo-move on ka na sa lalaking yan? Ano ginagawa niyan dito?" sunud-sunod na tanong ni Sam. Napakarupok talaga ng kaibigan niya kahit kailan.

"Wag muna natin siya isipin. Alamin mo muna kung ano nangyari sa'kin."

"Ano ba nangyari sa'yo? Pinag-alala mo ako. Puro missed calls ka kaya."

Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang kaibigan. Gulo-gulo ang hitsura nito na parang nanggaling sa isang giyera. Humikhi-hikbi muna si Gaile saka nagsimulang magkuwento.

"Nawala sa'kin yong wallet ko. Naiwan ko sa kotse ni Jared."

"Huh? Paano nangyari yon? Hindi mo ba ch-in-eck muna bago ka umalis?"

Umiling si Gaile kaya napahawak na lang sa sumasakit niyang ulo si Samantha.

"Ayan, di ka kasi nakikinig. Ang tanga mo kahit kailan," panenermon nito.

"Pagbaba ko ng kotse niya kanina, di ko agad napansing nawawala wallet ko. Tapos noong sasakay ulit ako sa kotse niya, bigla niya pinatakbo nang mabilis yong kotse niya."

Tiningnan niya si Hernan na nakatingin na sa kanila ngayon. "Buti nandyan siya, siya naghatid sa'kin sa police station at dito sa inyo."

"Gaga ka talaga. Di ka nakikinig. Hindi mo nga muna kinilala yong lalaki, nagpakarat ka agad tapos ayan, nanakawan ka pa."

Hinawakan ni Gaile ang kamay ng kaibigan pero mabilis nitong inalis ang kamay niya.

"Ang tanga-tanga mo talaga, Gaile. Yong sinabi ko sa'yo, ginawa mo ba? Nag-condom ba yong lalaki at nag-pills ka ba?"

Sinenyasan niyang tumahimik si Sam kasi nakikinig lang si Hernan at nakakahiya naman marinig nito ang pinanggagawa niya at pinag-uusapan.

"Wag mo naman ako ipahiya at pagalitan sa harap niya," mahina niyang sabi kay Sam pero hindi nagpatinag ang kaibigan.

"Wala akong paki kahit sino pa kasama mo. Yong tanong mo sagutin ko. Nag-condom at pills ka ba? Kayo?"

Rinig lahat ni Hernan ang pinag-uusapan ng dalawa pero hindi siya nakikisali kasi si Thalia ang laman ng isip niya. Nasaan na kaya ito at bakit di nagpaparamdam?

Umiling-iling si Gaile at napayuko. Sa inis ni Samantha ay napatampal na lang siya sa kanyang noo.

"Nagpakarat ka na nga sa di mo pa gaano kilalang lalaki, hindi ka pa nag-ingat. Karma mo yan. Pag ikaw talaga nabuntis, bahala ka na."

"Sorry na, please," nagmamakaawang sabi nito. "Kasalanan ko na. Wag mo na ako pagalitan."

Lumapit sa gawi nila si Hernan at nagpaalam na aalis pero pinigilan siya ni Gaile.

"Wag ka muna umalis. Mag-stay ka muna sa loob."

Umiling si Hernan. "Thanks, pero may kailangan pa akong gawin."

Pinagpalit-palit nito ang tingin sa magkaibigan.

"Nice to meet you," ani nito kay Samantha.

"Your friend needs you now. Wag mo na siya pagalitan," biro pa nito.

"Thank you, ha? Pero kailangan niya kasi matauhan sa kagagahan niya," protesta naman ni Samantha.

"Sorry na nga e," pagsingit naman ni Gaile.

"Magpahinga ka na," sabi na lang niya kay Gaile.

Dugtong niya pa, "I have to go now. Next time, learn your lesson."

Naglakad na siya palayo sa dalawa. Sumakay na siya sa kotse kaya naiwan na lang ang dalawa.

Naiinis na tiningnan ulit ni Samantha si Gaile. "Ayan ba? Ayan ba yong sabi mong mag-mo-move on na?"

Hindi na siya makaimik. Buti na lang at meron siyang kaibigang gaya ni Samantha na concerned sa kanya at prangka. Para niya itong nanay na nagagalit sa kanya.

"Sorry na," sabi niya pero di ito omobra kay Sam. Iniwan niya si Gaile sa may gate nila at nauna na siyang pumasok sa loob.

"Wait, Sam! Sorry na nga e!"

~~~~~~~

UMIIYAK na napayakap sa sarili si Thalia. Muntik na siyang mapasama sa mga naholdap kanina sa loob ng jeep. Buti na lang at mabilis siyang nakatalon dahil nasa tabi naman siya tabi ng driver.

Iika-ika siyang maglakad habang umuusal ng dasal sa kanyang isip. Lumuluha ang kanyang mga mata lalo na nang maalala sina Hernan at kanyang papa. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito kaya hindi na niya ipapaalam ang nangyari.

Mahigpit ang kapit niya sa kanyang bag. Hindi na rin niya alam kung nasaan siya. Ang alam niya lang ay Maynila na ito. Kakarating niya lang sa Maynila at ito agad ang dinanas niya.

"Hernan, papa," naiiyak niyang sambit habang naglalakad.

Madilim ang paligid. Mga establisyemento ang nakikita niya at may mga iilang tao ang dumadaan. Napalunok siya sa takot at pag-aalala para sa sarili. Napadaan siya sa isang tindahan at nakitang may isang lalaking pulis na nakaupo sa labas at umiinom ito ng softdrinks.

Lumapit siya sa lalaki. Malaki ang pangangatawan nito.

"Hello po, puwede po magtanong?" magalang niyang tanong.

"Sige," maikling sagot nito.

"Ano'ng lugar po ito?" ani Thalia.

"Katipunan, Quezon City."

"Katipunan? Malayo po ba ito sa San Antonio?"

Napansin ng pulis ang pagiging balisa ng dalaga. Mukha itong naliligaw.

"Malapit lang naman, mga 30 minutes biyahe."

Ngumiti siya sa pulis at nagpasalamat.

"Salamat po, kuyang pulis. Naholdap po kasi yong jeep na sinasakyan ko. Nasa tabi po ako ng driver kaya nakababa agad ako pero nasugatan po yong binti ko," paliwanag niya.

Napatingin ang pulis sa kanyang tuhod at hita. May mga gasgas nga ito at may dugo-dugo pa.

"Oo nga, may sugat ka. Puwede kita dalhin sa malapit na ospital o center." Tinuro nito ang motor niya.

"May motor ako. Puwede kita ihatid. Pauwi naman na ako."

Mabilis na humindi si Thalia dahil hindi pa naman niya gaanong kilala ang lalaki. Alam niya ring hindi siya dapat magtiwala sa Maynila dahil sabi nila ay maraming masasamang-loob dito.

Kinuha ng lalaki ang kanyang ID at pinakita sa dalaga.

"Ako si Sergeant Charles Santos, isang pulis."

"Kung ayaw mong ako maghatid, tulungan na lang kitang mag-book. May load ka ba?" tanong pa nito.

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"Mag-book?"

"Oo, book ng motor sa Moveit, Grab o Joyride."

Hindi niya lalo maintindihan ang sinasabi nito.

"Ah, pasensya na. Galing kasi akong probinsya kaya hindi ako pamilyar sa mga sinasabi ninyo," sabi niya na lang.

"Ahh, okay lang yan. Tulungan kita mag-book. Saan ka ba sa San Antonio?"

Hindi sumasagot si Thalia. Nagdududa pa rin siya sa lalaki kahit mukha itong matino. Babae siya at lalaki ang pulis. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kaba at hindi alam ang gagawin.

Thalia, Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon