Chapter 22

30 1 0
                                    


Nakatambay na naman si Hernan sa paborito niyang tambayan sa upuan sa labas ng kanilang bahay. Nakaupo siya nang pade-kuwatro habang naninigarilyo.

Hawak niya sa isang kamay ang cellphone habang ka-chat si Gaile. Gaya ng sabi ng kanyang lolo, subukan niyang kumilala ng iba at si Gaile ang naisip niya. Madalas na niya ito i-chat at halatang gustung-gusto siya nito. Araw-araw. Mula good morning, hanggang evening, nirereplayan niya pero kung kailan lang niya gusto.

Gaile:

New day na naman. Kumusta? Imy.

Hindi niya naituloy ang dapat na sasabihin dahil nakita niyang paparating si Thalia.
Masaya itong papalapit sa kanya, may bitbit na isang maliit na tupperware at kutsara sa ibabaw.

Nagpantig ang kanyang puso kung sasalubungin ba ang dalaga o hahayaan lang na lumapit sa kanya. Ilang araw niya itong hindi nakita at aaminin niya sa sariling na-miss niya itong kasama.

"Sir!" Kumakaway nitong bati.

Naalala niyang allergic sa amoy ng sigarilyo si Thalia kaya agad niyang hinulog ang sigarilyo sa lupa. Isang puting t-shirt at gray na maong ang suot ng dalaga, nakahati sa dalawa ang kayang buhok na parehong naka-tirintas.

Gaya ng una niyang kita, masaya pa rin ang aura nito, walang kung anu-anong kaartehan sa mukha at katawan.

"You're back," sabi niya sa kanya.

Parang hindi nagkasakit ang hitsura ni Thalia, hindi lubog ang mga mata, hindi mukhang maputla o ano. Parang wala lang nangyari. Masaya siyang magaling na ito pero paano na ang planong iwasan ang dalaga?

Nilapag ni Thalia ang maliit na tupperware sa kanya na may kasama na ring kutsara.
Nagtataka itong tiningnan ni Hernan.

"Dinalhan ko po kayo ng tinola, sir Hernan," nakangiting sabi nito sa kanya.

Hindi niya magawang pigilan ang sarili. Ngumiti siya sa babae. Napakagaan kasi ng loob niya sa dalaga. Pakiramdam niya ay nasa ulap siya pag kausap ito ang kasama.

"Kumakain naman daw po kayo niyan, sabi ng lolo ninyo kaya tikman ninyo po ang luto ko."

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Inosente rin ang mga tingin nito sa binata. Nakaramdam siya ng lungkot nang maalala si Liz sa Maynila. Ito kasi ang madalas magdala sa kanya ng mga pagkain.

"Sir, ayaw ninyo po ba?" nalulungkot na tanong ni Thalia. "Baka busog po kayo. Gusto ninyo, initin ko po muna o itabi ko na lang para sa inyo mamaya."

Umiling si Hernan. "I like it. Wag kang mag-alala, kakain ako."

Naupo sa harap niya si Thalia at hinintay siyang kumain. Kinuha ni Hernan ang kutsara, sumandok ng sabaw. Mainit nga ito at malinamnam.

"Masarap po ba?"

Nakadalawang higop muna siya ng sabaw bago sumagot. "Yes, masarap. I love it. Thank you."

"Buti po nagustuhan ninyo
Mahilig po kasi ako magluto. Kapag nandito po si Samuel, dinadalhan ko siya ng mga paborito niya," kuwento niya pa.

Mas lalong nanlambot si Hernan sa nakikita niya kung gaano ka-effort ang isang Thalia. Paano niya ito iiwasan kung ito naman ang kusang lumalapit sa kanya at wala siyang nakikitang mali o masama sa kanya.

Noong una ay naiilang siyang pinapanood kumain ni Thalia pero unti-unti siyang nasanay hanggang sa maubos niya ang dala nitong tinola. Walang labis, walang kulang. Pati buto ng manok ay halos lunukin niya.

"You remind me of someone," simula ni Hernan.

"Sino po, sir?"

"My friend, mahilig din yon magluto. Lagi ako dinadalhan ng mga ulam at mga paborito ko."

Thalia, Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon