Kabanata 7

2 0 0
                                    

Chapter 7

Elizabeth Hare Diaz

Monday na at sa loob ko ay nagdidiwang ang mga malalandi kong lamang loob dahil sa paghatid sakin ni Adi hanggang sa classroom.

"I'll just wait for you at the canteen, lovey." tumango ako at hinalikan nito ang noo ko.

"I love you,mahal." bulong ko dito nang higitin ko siya para yakapin.

"I love you more,my love." pumasok na ako sa classroom at nakita ko ang mga kaklase ko na nakatingin na pala samin kaya tumikhim ako.

"Uy, boyfriend mo Eli?" tanong sakin ni Symon.

Tumingin ako dito at tumango. Mapanukso itong tumingin sakin kaya inirapan ko ito ng pabiro.

"Di mo sinabing may boyfriend ka palang papable, Eli." napanguso na lang ako at umupo sa tabi ni Sab.

"Boyfriend mo?" tanong agad sakin ni Sab pagkaupo ko.

"Oo, siya yung kinukwento ko sayo. Kakadating niya nung Sabado." kinikilig kong saad dito. Kinuwento ko ang unang pagkikita namin sakaniya at di nito mapigilan na kiligin.

"Swerte mo naman, teh. Sana ako din." natawa naman ito kaya natawa din ako sa biro nito.

Napatigil naman kami sa pagtawa nang dumating na ang prof namin. Nakikinig lang ako pero ang utak ko ay lumilipad kung saan saan.

History ba naman ang subject. Isa din ito sa pinakahate ko. Sabi nga ng iba, "Past is past.", kaya bakit pa natin babalikan ang nakaraan.

Nakaraan na nga eh. Gusto na mag move on ng mga tao sa nakaraan tapos ibabalik niyo lang.

Makalipas ang isang oras ay natapos na din sa wakas ang history. Wala kaming klase ngayon hanggang mamayang 1:00 pm kaya sa canteen muna kami tatambay.

Nang makarating kami sa canteen ni Sab ay hinanap agad ng mga mata ko si Adi.

"Tara, dun tayo Sab." hinila ko ito nang makita ko si Adi na busy sa online class niya.

First semester pa lang kasi kaya hindi pa ito makapag enroll. Malapit na din naman matapos kaya next sem ay makaka enroll na siya sa kalapit na school na pinapasukan ko.

Wala kasi yung course niya dito sa school ko kaya dun na lang siya sa malapit. At least malapit pa din siya sakin.

"Hello, mahal." bati ko dito. Umupo ako sa tabi niya at naupo naman sa harap namin si Sab.

Napatingin naman si Adi sakin at ngumiti. Humalik muna ito sa noo ko bago ako batiin.

"Hello, love. It's your vacant, right? Until 1:00 pm?" tumango ako.

"Ayy, si Sabrina nga pala, kaibigan ko." pakilala ko kay Sabi.

Adi looked at Sab and smiled a bit. I don't know if it's only my imagination but I saw Sabrina's face turned red when he smile. I shake my head to erase that thought.

"I'm Aimilios, Hare's boyfriend." pakilala ni Adi.

"S-sabrina. Kaibigan ni Eli." nahihiyang pakilala ni Sab.

Hindi ko alam kung ako lang ba pero, may iba akong nararamdaman na hindi ko alam kung ano ba ito. May tiwala naman ako kay Adi kaya ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.

"Love, hanggang anong oras online class mo?" tanong ko dito. Tumingin ito sakin at agad ding binalik ang tingin sa laptop.

"11:00,love. Why?" sagot nito.

"Wala naman. Hindi ka ba nagugutom?" ngumiti ito nang tumingin sakin.

"I'm still full, lovey. Why? Are you hungry?" umiling ako.

DECEITFUL ROMANCE 1: BITTERSWEET SYMPHONYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon