n a r r a t i o n
_______________________________Pag pasok ko sa gym ay puno na sa loob. Nakatayo na lang din ang iba dahil wala ng p'westong pag uupuan, pero kahit ganon ay makakanood pa rin naman sila.
_______________________________
Plato Girls
Williana
Nandito na ako! :Carla
: Sa harap, andito naman na 'yung
ticket mo sa upuan mo. Hindi ka
napaalis.Willana
Wait lang, medyo madilim na kaya
nahihirapan akong makapunta dyan. :Sino ng mag pe-perform? :
Rowena
: VIIscape: Nagkaproblema nga kanina sa
band nila, pero naayos naman na
raw ngayon.Williana
Anong naging problema? :Carla
: Hindi nga rin namin alam.______________________________
Napahinto ako sa pagtipa ng marinig ang pangalan ni JK sa dalawang babaeng nasa gilid ko at nag-uusap.
"Seryoso ba?" Medyo malakas ang pag kasabi ng babae, nanlalaki pa ang mga mata niya na parang gulat na gulat sa narinig.
"Sino naman daw?" Dagdag na tanong pa nito sa kasama.
Pasimple akong tumingin sakanila, napatango na lang ako ng makitang galing sila sa college of science.
Ang nag tatanong ay may maikling buhok habang mahaba naman ang kasama niya. Medyo familiar sila sa akin.
Nakibit balikat ang isang babae.
"Sabi sabi lang, haa... Pero ang sabi nila nasa College of Architecture and Fine Arts daw ang girlfriend niya."
Girlfriend?!!!
Kailan pa nagkagirlfriend ang taong 'yon? Ngayon lang siya nagka-rumored girlfriend, ah... Kahit na maraming na-li-link at nag kakagusto sakaniya.
"'Yung transferee ba? Rhianna? Tama ba ako? 'Saka lang naman kumalat na may girlfriend siya nong dumating 'yan..." Imbis tuloy na tumuloy sa paglalakad ay napahinto pa ako para makinig sa kwentuhan nila!
"Sabi rin sa akin nung kaibigan ko na kaklase nila, umamin daw si Rhianna kay JK." Sabi ng babaeng mahaba ang buhok.
"Baka nga sila na," sagot ng kasama nito.
BINABASA MO ANG
Hit Me Softly
Teen Fiction3rd Installment of VIIscape Series ─━━━━━━⊱ 🎼 ⊰━━━━━━─ VIIscape member-Jairus Kevin Quiliza dreams to be a drummer. That's why, when he saw a post that was searching for a band member, he grabbed the opportunity without hesitation. Having good lo...