s i x t y - t w o

3 0 0
                                    

Natapos ang huling tinugtog nila na Hanggang Kailan by Orange and Lemons. Wala akong masabi kun'di lamon talaga ang buong banda nila.

Kaya hindi na ako mag tataka kung darami pa lalo ang taga hanga nila. Sa galing at husay ba naman nila.

"Matutunaw na 'yan," asar na bulong sa akin ni Carla at sinundot pa ang tagiliran ko.

Sumalubong naman ang kilay ko hinarap siya, pero sa huli ay hindi ko naiwasang matawa.

Pinalo kaming dalawa ni Rowena sa hita. "Shhh..." suway nito sa amin.

"Hi guys!" Naghiyawan ang halos ng tao sa gym ng mag salita si Eros.

Ayos din 'to, ang lakas ng karisma.

"We are VIIscape Band, at kami ay lubos na nagpapasalamat sa walang sawang pag suporta ninyo!" Kulang na lang ay mahati ang labi nito sa sobrang lawak ng ngiti.

Natatawang inilipat ko ang tingin kay JK at kumaway. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nito na parang nagulat, umiwas siya ng tingin at inayos ang pagkakatali ng buhok..

Ako lang ba o??

Shit!

"May crush pala si JK nasa CAFA!" Kasabay ng pag awang ng bibig ko ang pag takbo ni Eros palabas ng stage.

Namayani naman ang bulong-bulongan sa paligid.

Tinatanong kung sino ba 'yon, kung totoo raw bang si Rhianna ang girlfriend nito.

Hindi ko alam pero nag simula ng manginig ang kamay ko. Hindi naman sinabing ako, pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit kinakabahan ako??

Inayos na nila ang stage habang ang kabanda ni JK ay pinapalibutan siya. Iling at bahagyang ngiti lang ang ginagawa niya, kahit na hindi gaanong kaliwanag ay makikita mo ang namumula niyang mukha.

At sa huling pagkakataon, nakita ko ang pasulyap nito sa gawi ko.

Or am I just assuming because I like him??

Hit Me Softly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon