Kabanata 1

43 26 0
                                    

Fall

"Celestine, mauuna na ako, anak." Papa said as he kissed my forehead.

Ilang araw akong hindi nakatulog ng maayos, hinihintay ang araw na ito.

I even woke up at five in the morning to help Papa prepare his breakfast. Finally, after almost eight years of Papa being away, nagkaroon siya ng project malapit sa amin, at aabutin ito ng isang taon. That means, I can have quality time with him, and I can't wait to cook for him whenever he asks for it.

"Mag-iingat po kayo, Papa. Idadaan ko ang lunch mo mamaya." masaya kong sinabi habang kumakaway sakaniya.

All my life, I'm with my lola, ang mama ni papa, although I love that she loves me, and she's taking care of me, iba parin ang saya ng puso ko kapag si Papa ang uuwi sa amin tuwing break niya sa trabaho.

I cannot ask for more. Hindi ko man nakilala ang ina ko, I still have my Lola who's filling that gap in my heart. And of course, I have my Papa who loves us. Lumaki akong hindi nangungulila sa alaga ng isang ina, dahil sa pagmamahal na inilalaan nila sa akin.

Whenever I miss my mom, despite never having met her, Papa and Lola's stories about her suffice to soothe the ache in my young heart.

Nadatnan ko ang Lola na nagsusuklay dala ang kaniyang bayong. Maaga pa lamang ay tumutulak na siya sa pamamalengke, para makakuha ng mga sariwang isda at karne. At dahil unang araw sa trabaho ni Papa, gusto ko siyang ipagluto ng kaniyang tanghalian para mamaya, at alam ni Lola iyon, kaya't sasama ako sakaniya ngayon.

Napagkasunduan namin kagabi pa lamang ay sasama ako sakaniya upang mamalengke ng ganito kaaga. I'm not really a morning person, but I think from now on, I will become one. 

"Ano bang iluluto mo para sa tanghalian ng Papa mo?" si Lola habang abala kami sa paglalakad papuntang bayan.

"Caldereta nalang muna po siguro, Lola." hawak ko ang kaniyang kamay, inaalalayan siya.

Bago kami makapunta ng bayan ay nadaanan namin ang site kung saan ang trabaho ni Papa. Malaki ito at maganda, kaya't aabutin ng isang taon. Ilang beses din itong naibalita sa amin, bukod sa ito ang pinaka malaking motor vehicle manufacturing company ng pamilyang Alejandros, ay itong din ang kauna unahang pagkakataon na ang pamilyang Vergara ang gagawa nito para sakanila.

The Vergaras were the most influential family here in Compostela because of the VVE, their engineering company that is known worldwide, followed by Alejandros, kaya't malaking usapin talaga ito sa probinsya. Naging balita din ito sa mga local na palabas sa kabuuan ng Cebu. 

They were famous not just in our town but also in the whole country. Madalas ko din silang nakikita sa mga palabas sa tv, upang mag endorso ng kani-kanilang businesses. 

Bukod pa doon ang mga henerasyon nila ngayon ay sikat. Kalixto's three sons and only daughter stands out among all of them.

They also mentioned that their children will be arranging their marriage to strengthen family influence. This is speculation for us; neither family has confirmed it, but everyone thinks it's true.

Which I don't really agree with. Why would you fix your child's marriage kung mayroon naman itong sariling nararamdaman. Ngunit hindi ko din sila masisisi dahil mayaman sila, at mas importante ang kayamanan para sakanila kumpara sa pag-ibig na nararamdaman nila.

Speaking of love, I always adore how my father loves my mom. I am already eighteen years old, the same year that my mom has gone. She died while giving birth to me. Matagal na panahon na, ngunit ang pagmamahal ng ama ko para sakanya, nararamdaman ko parin hanggang ngayon. He never loved any other woman aside from me and Lola.

Taste of your WarmthWhere stories live. Discover now