Kabanata 30

24 3 0
                                    

Sleep

It was a strange kind of emptiness, the kind that wasn't born from a lack of feeling but from my own choice not to feel at all.

Mas madali ito, o iyon ang sinabi ko sa sarili ko. Mas madali ang kalimutan ang lahat, itulak palayo ang lahat hanggang sa wala nang natira kundi ang galit sa puso ko.

The pain was still there, lurking in the shadows, but I refused to let it surface. I buried it deep, so deep that it felt like it had never existed.

Pero kasabay ng sakit, nawala rin ang lahat-ang ligaya, ang init, ang pagmamahal. Ngayon, ang tanging natitira ay ang malamig, mahinang sakit na bumabara sa aking dibdib, patuloy na paalala ng nawala sa akin, o ang mas malala pa dito ay... sinadya kong mawala.

The world moved around me, vibrant and full of life, but it all seemed distant, like watching a movie on mute.

Was I truly blind for not seeing him coming? Or was I blinded by the rage in my heart, choosing to ignore it, to look away from the truth I didn't want to face, just so I wouldn't have to see him?

Mas ligtas sa ganitong paraan, ang walang nararamdaman. Pero sa kaligtasan na iyon, may malalim, tahimik na pananabik... na para bang may sumisigaw sa akin para sa higit pa...

Tahimik lang ako buong paglalakad kasama si Alessandra. Tahimik lang din siya, tinitimbang ang sitwasyon.

"Don't worry, Tine.. He is not there. Huling nakita ko siya, dalawang linggo na ang nakaraan."

That explains a lot. Because I saw him the whole two weeks and we didn't do anything but fight with each other.. or rather, I was just the one who wanted a fight..

Mula dito sa nilalakad namin, mauuna kaming makakarating sa bahay namin kaysa sakanila.

"Tine, Adirian and I, back then, we're so worried where have you been. When I thought Kalixon found you, tumigil na din si Adirian sa pag hahanap..." kwento ni Alessandra.

Parang may sariling isip ang mga paa ko na naglalakad hahang ako ay lumilipad ang isip sa mga sinasabi ng kaibigan.

"We didn't talk to Kalixon after that, kaya't ang akala ko talaga nagkita na kayo... Lumuwas na din ako sa Manila noon para mag-aral, si Adirian naman sa Manila din para mag trabaho." pag papatuloy niya pa.

"Hindi na din naman kasi siya nagtanong pa.. at pag kauwi ko dito, usap usapan nalang bigla na ang may kasalanan sa pag guho ng gusali ay si.." napahinto siya sa pagsasalita kaya't napatingin ako sakaniya.

"Papa.." pagpapatuloy ko.

Halata na nagulat siya doon.

"A-Alam mo, Tine?" halos hindi siya makapaniwala.

"Two weeks ago, when I saw Kalixon again, he told me Papa was responsible for it. He didn't know Papa had died in that collapse."

"Walang nag sabi sakaniya?"

Kumunot ang noo ko.

"It's obvious he is lying, Alessandra. Imposible na hindi niya alam."

Ngayon ay napabitaw siya sa pagkaka kapit ng kamay ko.

"Tine, kung nagsisinungaling siya, hindi ka niya hahanapin sa lugar kung saan walang kasiguraduhan na nandoon ka."

But I was there.

"And he won't wait for you in that house, not after all those years that have passed."

Totoo iyon. May punto siya. Iyon ang laman ng isip ko simula kanina.Those thoughts that kept me going through all these conversations.

Taste of your WarmthWhere stories live. Discover now