"Kuya!!!" sigaw ko.
"Ano???" sigaw din niya.
Wala ang parents namin kaya ito kami ngayon nagsisigawan.
Nag aayos ako ngayon dahil naisipan kong lumabas labas muna sa bahay.
"Bawal lumabas" Naring kong bumukas yung pinto at bigla nalang din nagsara.
"Pahatid sa Robinson" Tumayo ako at lumabas ng kwarto para marinig niya. " At bakit bawal?, wala naman sila mommy"
"Ako ang incharge, wala kang magagawa."
"Hindi pwede kuya, may usapan kami nila Reiji ngayon" lumapit ako kay kuya para mapilit siya at guguluhin ko siya ngayon.
"Stay here."
"No." Sagot ko. " wala naman na sinabi si mommy na ikaw incharge ha"
"Andoon ka ba nung sinabi ni mommy na ako ang incharge ngayon?" umiling ako.
"Please" pamimilit ko.
"You said kasama mo si Reiji?" tanong niya.
" Kilala mo naman sila e, lima kami, Usually."
Nagkunwari pa talaga siyang nagiisip pero sorry siya naiisip ko ang naiisip niya.
" And please kuya, huwag mo na akong pabantayan kay Reiji para siyang body guard sa akin laging nakadikit. Kaibigan ko siya hindi siya body guard. okay?"
"Hindi mo sila kasama, may mga family bonding iyong apat mong kaibigan mo, baka nalilimutan mong sunday ngayon."
huli, HAHAHAHAH.
"Mags-shopping lang naman ako mag isa, bawal ba iyon"
"Hindi ka nag sasabi ng totoo, pano yan lalo kitang hindi papayagan niyan, tapos lalo iyang suot mo" turo niya sa suot ko. "Croptop with Maong short. Tsk"
"Style" I said.
"Kaya hindi kita pinayagan dahil may sarili tayong lakad." he said.
Tumalikod na ako sa kanya pero bago ako umakyat sa kwarto, binalik ko ang tingin ko sa kanya at umirap kay kuya at tuluyan ng umakyat sa kwarto.
Wala akong nagawa kaya sumama nalang ako kay kuya. Mall din pala ang punta.
"Bakit hindi mo sinabi na mall din pala ang punta natin" Tanong ko.
"Hindi ka nagtanong."
ang tino kausap.
"Mag-cr lang ako" paalam ko.
"Hintayin kita dito" turo niya sa pwesto kung saan siya nakatayo. " Bibili rin tayo ng kailangan mo sa school.
"Binigay na sayo ni mommy yung allowance mo?"
"No. bukod ito sa allowance natin" tumango ako.
Dumiretso na ako papuntang cr para sana mag ayos ng muka at umihi. Linabas ko ang powder at liptint. Hindi talaga ako sanay na maraming nilalagay sa muka ko.
"Done?" tanong ni kuya.
"Malamang, andito na ako sa labas oh" pagpipilosopo ko.