Chapter 1

19 0 0
                                    

MEETING HIS FIRST LOVE
Ang Matagal Nang Hinihintay
Chapter 1

"Ano, Ma'am? Nahanap niyo na ba?" nakangiting bungad nito mula sa pintuan ng room.

"Hay naku, Diyos kong bata ka. Wala naman akong nahanap na gano'n pero may nakita akong kapangalan niya na nag-enroll dito. Tingnan mo, kakaiba sila ng spelling ng pangalan pero kung susuriin ay mukhang iisa lang naman. Oh siya heto. Tingnan mo nalang 'yong records niya at umalis ka na dahil marami pa akong ginagawa ngayon!"

Ngumiti nang malapad ang binatilyong lalaki habang tinatanggap ang isang papel na naglalaman ng records at saka tiningnan ito.

"Hulog ka talaga ng langit, Ma'am. I love you!" Sabay ito tumakbo paalis.

*Nhylle's POV*

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko naman kabisado ang paaralan na ito at mas lalong hindi ko alam kung saan ang aking section. Ang ingay ng paligid. Ang daming estudyante na hindi pamilyar sa'kin ang mga mukha.

"Sandali lang!" Ipagpapatuloy ko na ang paglalakad nang pigilan ako ng aking mga paa. Hindi ako sigurado kung para sa akin ba ang mga salitang iyon pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Kinutuban ako bigla.

Lalo na no'ng lingunin ko ito, tumigil ang mundo ko at iyon ang dahilan ng biglang pagsakit ng aking dibdib.

"Ikaw nga. We've finally met, N-Nhylle. Naaalala mo pa ba ako? I know we ended up not being okay back then, but seeing you here now gives me hope and courage. T-Thanks for appearing." May kaunting kirot ang naramdaman sa ibang parte ng katawan ko. Pagkatapos ng lahat na nangyari sa'kin at pinagdaanan ko, masakit pa rin pala talaga.

Unti-unti na namang bumabalik sa'kin ang nakaraan. Akala ko ba'y nakalimutan ko na siya?

Sinubukan ko siyang ngitian ngunit pilit lang. "Oo nga, eh. Sa linaki-laki ba naman ng campus na 'to at nakita pa talaga kita rito. Ang malas ko talaga," inis na wika ko at nakita ko itong ngumisi.

"I know you're still mad at me. I hurt you at habang buhay kong pagsisisihan iyon. I'm already having this karma but seems it's a small thing for me now kasi nandiyan ka na," paliwanag niya.

Iyan. Iyan na naman siya. Kaya ako nahulog sa kanya noon dahil sa mala-gentleman at sweet niyang mga salita. Ako naman itong tanga at mabilis na na-attached. Pero it's a good thing na kinakarma siya ngayon. Buti nga sa kanya.

Nginisihan ko ulit siya at nagpatuloy sa paglalakad. Sandali pa ay huminto na naman ako at paatras na naglakad papalapit sa kanya.

Umubo ako at saka nagsalita. "Fyi lang, ah. Baka kasi ibang isipin mo. Hindi ako lumipat dito para makita ka, kun'di dahil desisyon iyon ng pamilya ko," pagtataray ko.

"I didn't said it." Napalunok ako ng laway at tinaasan na lamang siya ng kilay. "Sabi ko nga," wika ko pa at saka na umalis.

Nahanap ko na rin ang section namin at nasa second floor iyon. Pagpasok na pagpasok ko palang ng pintuan ng aming room ay agad na bumungad sa'kin ang isang bouquet ng bulaklak. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, hindi dahil sa bulaklak kun'di sa taong humahawak no'n.

"Ta-da!" bungad niya sa harapan ko habang nakangiti nang malapad. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata at lumakas ang tibok ng puso dahil sa nakita.

"Palagi kitang hinihintay kahit minsan ang tagal mong dumating, Jerome. Gusto kita, gustong-gusto," aniya sa patulang tono at saka naman tumawa. Grabe. Laglag ang panga ko. Paano niya na-recall ang mga salitang iyon word for word? May long-term memory ba siya?

"H-How?" Hindi ko ini-expect na dito rin pala siya nag-aaral. Parang kailan lang ay ikinuwento niya sa'kin ang mga school na pinag-applyan niya for college at ngayon nandito na kaming dalawa nakatayo sa same building at school na ito.

"Here, take it. Pang-welcome gift ko yan sa'yo kasi nagkita na rin tayo sa wakas. Are you happy to see me?" sunod-sunod niyang pagwiwika habang inaabot sa'kin ang bouquet of flowers.

Ngumiti ako at tinanggap ito. Ang suwerte ko naman. Unang araw ko palang dito sa school at nakatanggap na agad ako ng bulaklak. Ma-effort din pala siya. Grabe rin ang approach niya. Kung maingay siya dati sa chat ay mas maingay pala siya sa personal plus pogi pa.

Pero nakakahiya sa part na umamin ako sa kanya noon. Bakit ko ba ginawa 'yon? Sana'y di ko nalang ginawa 'yon! Nakakainis.

"Teka. Gusto mo bang basahin ko ulit sa'yo 'yong ginawa mong confession sa'kin sa ngl? Wait ipapakita ko sa'yo." Nagkunot-noo agad ako at kinabahan bigla sa sinabi niya. Gag* ba siya? Nagsisisi nga akong ginawa ko 'yon, eh.

No'ng akmang kukunin niya na sana ang phone sa bulsa niya ay lumapit itong isang Ma'am at hinawakan siya sa tenga.

"A-aray aray! Ma'am naman!" sigaw nito habang naglalakad palabas para makaiwas kay Ma'am at sa pagkakahawak sa tenga niya. Pinagtatawanan sila ng mga estudyante sa room at tila kilala na nilang lahat itong lalaking 'to. Ganyan ba pag pogi?

"Ikaw talagang bata ka. Umalis ka na nga at bumalik ka na sa room niyo! Pinagsabihan na kita kanina pa, ah. Hindi ka talaga nakikinig!"

"Oo na, heto na, aalis na nga diba? Kailangan pa talagang mangurot sa tenga?" inis na tanong niya kay Ma'am. Paano niya nagagawang pagsalitaan ng gano'n ang isang teacher na kagaya niya? Unless na close sila.

"Nhylle, sabay tayong umuwi mamaya, okay? Huwag ka munang umalis diyan. Susunduin kita!" sigaw niya sa masiglang boses at saka na tumakbo. Ang hyper niya talaga.

Bumuntong-hininga na lamang ako. Ano ba itong nangyayari sa'kin? Mukhang hindi naman paaralan ang napasukan ko, kun'di impyerno. Lahat ng mga taong ayaw kong makita ay talagang nandidito. At ang dalawang epal pa talagang iyon?

@ladyinks

Meeting His First Love (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon