MEETING HIS FIRST LOVE
Akyat Ng Ligaw
Chapter 4Tanghaling tapat at ginising ako ng kapatid ko mula sa kuwarto. May naghahanap daw kasi sa'kin kaya't dali-dali akong bumaba para alamin kung sino ito.
"Hindi ka ba muna uupo, hijo?" naririnig kong tanong ni Mama sa bisita. Hijo? At sino naman kayang lalaki ang bibisita rito ngayon?
"Mamaya nalang siguro pag bumaba na ang future ko. Ay nandito na pala!" Tila nalaglag ang aking panga. Ano kayang ginagawa ng lalaking 'to dito? Bakit may bulaklak siyang dala?
"Jerome?" sambit ko ng pangalan niya habang nagkukunot-noo.
"Oh, hayan na pala siya," wika naman ni Papa.
"Hi future ko! Kagigising mo lang? Bakit ka naman nagpuyat? Alam mo namang masama sa kalusugan ang magpuyat di ba?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong mayro'n sa kanya? Okay lang kaya siya?
"Bakit ka ba nandito? Wala naman akong natatandaan na inimbita kita sa bahay ko, ah?" pagtataas ko naman ng kilay.
Hindi ko maitatanggi na ang cute niyang tingnan sa checkered niyang polo, jeans na medyo maluwang sa kanya plus nakasuot pa siya ng sneakers na sapatos. Dagdag ang kapogian niya sa outfit niya ngayon.
"Ay oo nga po pala hindi pa'ko nakapagpakilala sa inyo nang maayos," aniya sabay umubo at nagpatuloy. "Tita and Tito, ako po si Jerome Carlos, ang future boyfriend at hubby ng anak niyo po. Sa kapogian at ka-maginoo kong ito, syempre Pampanga product po ito. Nandito po ako para umakyat ng ligaw sa anak ninyong si Nhylle. Iyon ay kung papayagan niyo po ako. Nangangako po ako na hindi ko sasaktan ang anak ninyo at mamahalin ko siya hanggang sa lagot ng aking hininga. At kung tatanungin niyo po ako kung paano ko siya bubuhayin sa hinaharap, huwag po kayong mag-alala, marami po kaming pinatatakbong negosyo rito sa Pilipinas at million po ang kinikita namin in a year. Sa pagkain at pagmamahal ay palagi ko po siyang bubusugin. Lalo na po siya." Napaubo ako nang tuluyan.
"Aba'y walang problema pagdating sa'kin. Kung saan masaya ang anak ko, doon din ako," nakangiting wika ni Papa habang inaasikaso ang nilulutong ulam. Kapag wala siyang pasok sa customs, nananatili lang siya sa bahay at nagluluto ng masarap na pagkain para sa'min. Magaling kasi siyang magluto.
"Naku, sa pogi mong 'yan? Hindi ka namin matatanggihan, hijo!" masiglang sabi pa ni Mama. Bakit hindi niya nalang sabihin na “sa yaman mong 'yan?” Eh, yon naman talaga ang type niya sa isang lalaki para sa'min, eh.
"Mama! Papa!" tawag ko sa kanila sa medyo mataas na boses. Pakiramdam kong ipinagbebenta na'ko ng dalawang 'to. Tsk.
"Yes!" masayang singit niya.
"Anong yes? Pumayag ba'ko na manligaw ka sa'kin? Bakit sila ang tinanong mo at hindi ako? Hmm?" pagtataray ko. Inaamin kong gusto ko siya pero may mga bagay pa rin na nakapagpapapigil sa'kin na sundin ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Sorry. I'll ask you then. Papayag ka ba na umakyat ako ng ligaw sa'yo, future ko?"
"Hindi!" diretsong sagot ko.
"Sabi na nga, eh. Kaya ayaw kitang tanungin kasi alam ko na'ng magiging sagot mo. But your parents said yes so it's already settled, okay?" Pangiti-ngiti pa siya. Parang tanga lang.
Nilapitan ko si Jerome at hinawakan ko ang kamay nito sabay hilahin patungo sa salas.
"Sigurado ka ba sa ginagawa mong 'yan, Jerome? Tingnan mo nga ako..."
"An innocent beautiful angel," pagpuputol niya sa sinasabi ko.
"Tingnan mo'ko nang maigi, Jerome. Sabihin mo nga. Sabihin mo kung sinong tanga ang magkakagusto sa'kin? Hindi ako kasing ganda ng mga babae sa school at mas lalong hindi ako kasing yaman niyo na kumikita ng million in a year!"
"Ayan ka na naman, Nhylle. Lagi mo nalang akong pinangungunahan. Alam ko naman ang ginagawa ko, eh. I'm serious!" pangongontra niya.
"Totoo naman kasi, eh. Hindi ako maganda at mayaman. Ganito lang ako."
Dali-dali niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko habang magkalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Pakiramdam kong nag-iinit ako at ang buong paligid. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa ginagawa niya ngayon.
"Hey, hey. Look me in the eye, Nhylle. I love you, okay? You're kind and beautiful. Kung nakikita mo lang ang mga nakikita ng mga mata ko, you'll definitely know why I'm so in love with you. And about your status? Who cares? Nobody. That's why I need you to trust me. Just trust me then I'll do my part, okay?" Nakakagaan sa pakiramdam ko ang mga salita niya. Sa mundong walang kapanatagan, sa mundong puno ng pagdududa sa aking sarili ay naroon siya patuloy na nagbibigay ng lakas ng loob at katiyakan. Napaka-green flag ng lalaking 'to. Napaka-suwerte ko sa kanya.
Ngumiti ako at marahang tumango. Bumalik kami sa kusina dahil tinatawag na rin kami nina Mama at Papa para raw kumain. He keeps on complimenting about the dish that Papa cooked for us. Masarap daw ito at suwerte ko dahil palagi kaming may masarap na ulam na luto ng magulang.
Minsan napapaisip din ako sa sinabi niya, na may magulang kaming nagluluto para sa amin. Siguro'y bihira niya lang maranasan na kumain ng ulam na gawa ng kanyang magulang. Sabagay, mga negosyante ang mga ito. Sobrang abala sa trabaho.
Sa sumunod na mga araw ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na manmanan ang lahat ng kilos ni Jerome. Gusto ko lang kasing makasigurado na kung totoo ba talaga ang nararamdaman niya para sa'kin o baka inuuto lang ako nito.
Hindi kami masyadong nagkakasama sa ngayon dahil hell week nila. Marami silang kailangang trabahuin at tapusin.
Halos lalaki lang din ang mga kasabay at kasama nito. Bihira ko lang din siyang makita na makipag-usap sa mga babae. Iyon ay kung kinakailangan lang siguro.
Sa tuwing nakikita ko naman siyang naglalakad sa hallway at sa labas, diretso lang ang tingin niya like hindi niya magawang lumingon o ibaling man lang ang atensiyon sa paligid. Grabe namang loyal 'yan. Type ko.
Napangisi ako nang tuluyan habang iniisip ko ang mga bagay na 'yon, subalit nang bumalik ang aking katinuan ay napagtanto kong narito pala ako nakatayo sa labas ng kanilang section. Sinusundan ko talaga siya? Hanggang dito ba naman?
Minabuti kong tumago mula sa labas at sandaling sinilip ang loob ng room nila.
"Naku naman, Mary Jane, lumalaki na 'yang ulo mo. Bawas-bawasan mo na nga 'yan nakakainis naman," rinig kong sabi niya sa babae. Natawa rin ako kaya't mabilis kong tinakpan ang aking bibig.
"Ang sama mo naman sa'kin, Jerome! Picturan mo nalang kaya ang nasa PowerPoint?!" may pagtatampong sabi nung Mary Jane. Kaya naman pala. Natatabunan naman kasi ng ulo niya ang PowerPoint sa unahan.
"Ikaw, ah. Tinuturuan mo talaga akong maging tamad. Bad influence ka talaga sa'kin, Mary Jane."
Palihim akong tumawa mula sa kinatatayuan ko habang di ko namamalayang nakaharap na pala sa'kin ang babaeng 'yon. Napaatras naman ako dahil sa gulat.
"Si Jerome ba ang tinititigan mo diyan? Sino ka ba?" nagtatakang tanong niya sabay tingin sa loob ng room.
"H-Hindi, ah. Napadaan lang ako," pagkukunwari ko kahit na buking naman na'ko.
"Talaga ba? Eh, bakit parang nakangiti ka pa habang nakatitig kay Jerome? Stalker ka ba niya?" muli pa nitong tanong.
"Naku hindi 'no. Hindi ako stalker," sagot ko naman at saka ngumisi ito nang nakapang-aasar.
"Sasabihin ko lang 'to sa'yo, ah? Gusto ko si Jerome. Kahit hindi kami ay akin lang siya! Sa'kin lang dapat!" aniya sa medyo mataas na boses.
"Okay?" Iyon na lamang ang nasabi ko. Grabe namang babaeng 'yon, masyadong magagalitin.
So far sa mga nagdaang araw ay wala naman akong napansin na hindi maganda kay Jerome. Puro green flag lang ang mga ito. May pagkakataon ding naaaktuhan ko siyang basta-basta nalang ngingiti. Baka sa tuwing naiisip niya'ko ay kinikilig siya?
Hayst, ano ba 'to. Ngumingiti na naman ako. Tumigil ka, Nhylle. Itigil mo 'yang kalandian mo.
@ladyinks
BINABASA MO ANG
Meeting His First Love (ONGOING)
RomanceMeeting His First Love Two years ago, Nhylle promised herself that she would no longer be committed to someone again who doesn't have the plan on taking risks for her like what happened in her past, dumating sa punto na sinukuan siya ng kanyang ex-b...