MEETING HIS FIRST LOVE
Here Comes My Future
Chapter 5Uwian na. Mag-isa kong tinungo 'yong gate habang hindi pa makakasama itong si Jerome sa'kin this week. Kahit gano'n pa man ay hindi niya nakakalimutang i-text ako para mag-good morning, good night at kumustahin ang araw ko. Palagi niya iyon ginagawa simula nung hell week nila.
Mula rito sa aking pagkakatayo ay tanaw ko sa labas ng gate si Mang Richard na nakatayo rin sa tabi ng sasakyan. Nginitian ko siya subalit nawala rin iyon no'ng makita ko si Chard at saka ako huminto sa paglalakad. Bakit ba nandidito 'to?
"Hi, Nhylle. Sorry, wala na kasi akong mahanap na sasakyan pauwi. Okay lang ba na sumabay ako?" bungad niya sa'kin.
Hindi. Hindi talaga okay sa'kin na sumabay siya sa'min pag-uwi. Ano bang magagawa ko? Nakakahiya rin naman kay Mang Richard na tanggihan ko ang anak niya. Baka tuloy ako ang iwan nila rito. Tsk.
"O-Oo naman. Sige," pilit kong sagot. Nginitian ko siya nang pilit habang pinagbubuksan ako nito sa backseat kaya't pumasok na rin ako, tapos siya naman ay tumabi sa Papa niya sa unahan.
May pagkakataong tinititigan ko siya nang palihim at paminsan-minsan din nama'y nahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin sabay iwas, subalit patuloy pa rin ang napakatahimik na biyahe.
Walang nangyaring maganda nitong nagdaang-araw sa pagitan namin ni Chard pero hindi ko maipagkakaila na natutuwa ako sa kanya dahil sa kabila no'n ay hindi pa rin nagbabago ang energy niya pagdating sa'kin at lagi pa siyang positibo. Nagmana siguro siya sa Papa niya, laging kalma.
Matapos naming ihatid si Chard ay dumiretso na kami sa bahay. Agad akong umakyat sa kuwarto at tuluyang napabagsak sa aking higaan. Maya-maya pa ay may nag-text kaya't mabilis kong hinablot ang aking cellphone mula sa bulsa ko, nagbabaka-sakaling si Jerome iyon.
"Nakauwi na ba ang future ko? Kumusta ang araw mo? Uminom ka ng maraming tubig at pagkatapos ay magpahinga, okay? Marami akong ikukuwento sa'yo mamaya pag-uwi ko. Walang araw at oras na hindi kita iniisip, Nhylle. I missed you so much. Matatapos na rin ang hell week. Ikaw naman ang aasikasuhin ko. Bye!" Hindi ko mapigilang ngumiti habang binabasa ko ang text niya. Kinikilig ako. Sa kabila ng ka-busyhan niya'y hindi niya talaga nakakalimutang kumustahin ako at pakiligin. Hayst, kuhang-kuha mo talaga ako, Jerome.
Ilang oras akong nagpahinga at paggising ko'y pasado alas otso na ng gabi. Saktong nagugutom na'ko kaya't bumaba na rin ako ng hagdan para tunguin ang kusina.
May naririnig akong mga tao sa labas at tunog ng sasakyan. Bakit kaya ang ingay pa nila sa ganitong oras?
Out of curiosity, dumiretso ako sa labas at nakita ko sina Mama at Papa na may kausap. May isang sasakyan doon tapos isang driver na nagbabantay hanggang sa masilayan ng mga mata ko si...
"Jerome?" gulat na tanong ko sa pangalan niya.
Ngumiti siya at lumapit sa'kin habang dala ang isang palumpon ng mga bulaklak. "Here comes my future," aniya sa harapan ko sabay abot sa'kin ng bulaklak.
"Bakit ka ba nandidito? Hindi ba't abala ka sa mga projects ninyo sa school? Pumunta ka pa talaga rito para dalhan ako ng ganito?" sunod-sunod kong usisa sa kanya.
"Katatapos ko lang sa school, Nhylle. I'm just trying to check you if you're really at home na since you didn't respond to my message," paliwanag niya. Bigla namang kumunot ang noo ko sa narinig.
"Hindi? Of course I did!" pangongontra ko.
"You didn't." Chineck ko ang messages ko sa phone. Hindi nga siya nagkakamali. Couldn't send the message ang nakalagay. Oh no! Wala na yata akong load? Dahil sa kapaguran ko'y nakatulog ako at hindi ko na ito napansin.
Grabe, nakakahiya. I should have checked it first. Dumaan pa tuloy siya rito para lang makasigurado na talagang nakauwi na ako. Nagi-guilty ako sa ginawa ko.
"Hey, it's okay. Gusto ko rin namang puntahan ka since bihira nalang tayo nagkakasama this past few days. I missed you. Hindi mo ba'ko na-miss? Hmm?"
Tumango ako nang paulit-ulit habang nakanguso sa harapan niya. "Syempre, na-miss din kita!"
"Yey! That's my girl." Sabay gulo pa ng buhok ko.
Since nagpunta sila rito ay hindi na muna sila pinauwi nina Papa hangga't hindi sila nakakakain sa bahay. Dali-daling nagluto ng masarap na ulam itong si Papa para kina Jerome at ng driver niyang kasama.
"Sabi sa'yo, Mang Roland, masarap magluto ang Papa ni Nhylle. Ang suwerte ko diba?" Out of the blue niyang sinabi iyon habang kumakain silang dalawa. Natuwa tuloy si Papa. Gusto nga rin ni Jerome na kumain ulit sina Mama at Papa kaya't sinamahan nalang nila kami sa mesa para makapag-usap-usap.
Di kalaunan ay nag-ring 'yong phone ni Jerome. Kahit puno ang bibig niya ng pagkain ay nagsalita pa rin siya.
"I'm actually having my dinner with them now, Mom," sagot niya sa tanong ng isang babaeng nasa kabilang linya. Medyo nagulat ako ro'n. Tumahimik muna kaming lahat at palihim kong pinakinggan ang pinag-uusapan nila since katabi ko lang naman si Jerome.
"Kailan mo ba kasi ipakikilala iyan sa amin ng Dad mo, hmm? Naiinip na kami rito sa kahihintay. Alam mo namang ika-cancel namin ang lahat ng mga meetings namin para lang sa inyo. Para makasalo namin kayong dalawa sa pagkain," may pagtatampong wika ng Mom niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Napaka-supportive naman pala talaga ng family niya. Talagang ika-cancel ang lahat ng meetings para lang makita ako? Grabeee.
Pero teka. Sinabi na ba ni Jerome sa kanila ang tungkol sa'kin? Paano kung malaman nila na hindi naman talaga kami mayaman? Tatanggapin pa rin kaya nila ako?
"I told you, Mom. I won't bring her there unless she answers me. We don't need to rush things, right?" nakangiting sabi pa ni Jerome.
Tumango-tango ako habang nakangiti. Matapos nilang mag-usap ay ipinagpatuloy muli ang pagkaing kinakain niya.
Ang cute niyang tingnan habang puno ng pagkain ang bibig niya. Ang takaw niya pero bumabagay lang din naman iyon sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang titigan siya.
@ladyinks
BINABASA MO ANG
Meeting His First Love (ONGOING)
RomanceMeeting His First Love Two years ago, Nhylle promised herself that she would no longer be committed to someone again who doesn't have the plan on taking risks for her like what happened in her past, dumating sa punto na sinukuan siya ng kanyang ex-b...