[Two Months Later]
Aming ipinagtatakang apat kung bakit nag bago si Carmen. Bihira nalang kase itong pumasok at kung papasok man ito ay hindi na ito namamansin tulad ng dati...
Bakit siya nag-iba? Hindi niya na ba kami kailangan? May nagawa o nasabi ba kaming ikinadurog ng kanyang puso? Ang saya niya pa no'ng huli namin siyang makasamang mag-recess. Ano kayang nangyayari sakanya? May problema ba siya?
Nahinto ang malalim kong pag-iisip nang biglang mag salita si Crystal.
"Bes, okay kalang? Ang lalim ata ng iniisip mo?" Sabi nito na naka kunot ang noo, para bang hinuhulaan kung ano ba ang iniisip ko.
"Baka siguro in love na'yan, ayyiee~" biro ni Gail habang nag pipigil ng tawa.
"Hindi, 'no!" depensa ko sa sarili ko.
"Ano ba kasing nasaisip mo? Share mo naman sa'min." Wika naman ni Jade.
Lahat sila ay napatingin na sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Binigyan ko sila ng malungkot na ngiti.
"Alam niyo ba, na mi-miss kona si Carmen. Hindi na siya sumasabay sa atin tuwing recess at bihira nalang ding pumasok..." sabi ko sa malungkot na boses.
Biglang nalungkot din ang mga ekspresiyon ng tatlo kong kaibigan, halatang napansin rin nila iyon kay Carmen.
"Oo nga, at ang mas nakakalungkot pa'y hindi niya na tayo kinakausap o kahit simpling "hi" man lang sa atin ay hindi na niya magawa." Ani ni Gail.
"Hindi lang iyan mga bes, hindi na rin siya active sa klase...pansin niyo ba?" Sabi naman ni Crystal.
Nagsitanguan kaming lahat bilang pag sang-ayon sa kanyang sinabi.
"Kausapin kaya natin siya...baka may problema lang siya sa kanila at ayaw niya lang sa'ting sabihin." Saad ni Jade.
***
[Friday]
Maaga akong pumasok sa paaralan upang kausapin si Carmen.
Natuwa ako nang makita siyang pumasok.
Lumapit ako sa mga kaibigan ko at napag usapan naming mamayang recess nalang kausapin si Carmen.[Recess Time]
Naunang lumabas si Carmen sa class room upang mag recess, ngunit hindi namin siya nakita sa canteen kaya't naisipan nalang namin bumalik nalang sa room.
Lahat ng aming kaklase ay nasa loob na ng class room maliban nalang kay Carmen. Nasaan ba siya? Tapos na ang recess pero wala pa siya dito? Tanong ko sa aking sarili.
Pumasok na sa aming class room ang aming subject teacher. Bago ito mag simulang mag-turo ay bigla naman akong naiihi.
Magalang akong nag paalam sa aming subject teacher na mag C-CR lang ako. Agad naman ako nitong pinayagan at agad ring nilingon ang sinusulat sa black board.
Nasa labas na ako ng aming class room ng mapansin kong tumayo si Jade upang mag paalam rin sa aming subject teacher pero hindi ito pinayagan.
"Isa isa lang ang pweding lumabas." Tipid na sabi ng subject teacher namin. Napa upo nalang si Jade sa kanyang upuan at malungkot akong tinignan sa labas ng class room. Tinawanan ko nalang ito at lumakad na patungo sa CR.
Nang malapit na ako sa CR ay napansin kong may isang babaeng basang basa. Nakilala ko ka agad kung sino ito...si Carmen. Bakit siya basang basa? Hindi naman umulan, ah!
Siguro'y na pag-tripan nanaman siya ng mga bullies...
Akala ko ba gumawa na ng aksiyon ang paaralan tungkol sa mga studyanteng bullies?
Nang mapansin ako nito ay agad itong nag lakad nang mabilis palayo sa akin.
"Carmen!" Tawag ko sakanya subalit hindi niya iyon pinansin at hindi rin ako nilingon.
Tumakbo na ako upang maabutan ko pa siya at makausap.
Naabutan ko siya at hinawakan ko ang kanyang kaliwang balikat. Tumigil naman ito sa pag lakad-takbong ginagawa.
Nag lakad ako paharap sakanya. Magulo ang suot nitong uniporme at gulo-gulo rin ang kanyang buhok, natatabunan ng kanyang buhok ang kanyang mukha. Nanatili itong naka yuko at hindi gumagalaw sa kanyang kinatatayuan.
"Carmen, anong nangyari sa'yo? Bakit ka basang basa?" Tanong ko sakanya na puno ng pag-aalala.
"Ang mga bullies nanaman ba ang may gawa nito sa'yo?" Tanong ko pa. Pero hindi siya kumibo. Nakarinig ako mula sakanya ng mahinang paghikbi.
Nalungkot ako at naawa kay Carmen, kaya naman nang akmang yayakapin ko siya ay bigla naman itong umiwas.
Ilang sandaling walang nag salita sa pagitan naming dalawa.
"Carmen. M-May problema ba? Kung may nagawa o nasabi man kaming mali sa'yo na hindi mo nagustuhan, pwede mo naman saming sabihin." Diretsahang sabi ko.
Umiling lang ito bilang sagot. "W-Wala..." Tipid niyang sabi.
"Kung may problema ka pwede mo namang sabihin sa akin o sa amin ng mga Kaibigan mo. Nandito lang kami para sa'yo. Huwag kang mahihiyang mag bigay ng saloobin mo sa'min." Matapos kong mag salita ay unti-unting umangngat ang kanyang ulo.
Hinawi ko ang kanyang buhok na nakaharang sa kanyang mukha at ganoon nalamang ang aking gulat nang makita ang kanyang hitsura.
Namumula ang kanyang mga mata at ang ibabang parte ng kanyang mata ay namamaga. Halatang halata sa kanyang mukha ang pagod at lungkot.
Pagka tapos niyon ay hinawakan niya ang aking kamay na nakahawak pa rin sa kanyang buhok at ibinaba iyon.
"Salamat,Mika," tipid niyang sabi at mabilis na tumakbo palayo sa akin.
Napanganga nalang ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko sakanyang mukha. Bakit ganoon ang hitsura niya? Bakit namumula ang kanyang mata at bakit rin namamaga ang kanyang ibabang parte ng kanyang mata?
Halatang hindi ayos si Carmen. Para bang may hindi magandang nangyayari sakanya. Gusto ko siyang tulungan pero nilalayuan niya ako, kami.
Pagka balik ko sa aming class room ay pinagalitan ako ng aming subject teacher dahil sa thirty minutes akong wala sa klase niya...
***
Uwian na at hindi na talaga si Carmen pumasok sa class room.
Agad akong nilapitan ng tatlo kong kaibigan upang usisain ako kung bakit ang tagal ko sa CR.
Ikinuwento ko sakanilang tatlo ang lahat ng nangyari at kahit sila ay hindi makapaniwala sa mga nalaman.
"Siguro nga'y may nang bully nanaman sakanya." Si Gail.
"Girls! May naisip akong paraan para malaman natin ang dahilan..." sabi naman ni Jade.
"Ano!" Halos sabay sabay naming tanong sakanya.
"Paano kaya kung puntahan natin ang bahay nila at kausapin ang nanay ni Carmen?" Ani ni Jade.
"Paano natin mapupuntahan,eh, hindi naman natin alam ang bahay nila." Sagot naman ni Crystal.
"Oo nga, 'no. Sa tagal natin siyang kaibigan ay hindi pa rin natin alam kung saan siya nakatira,at hindi rin niya sinasabi sa atin kung sino ang mga magulang at kapatid niya." Sabi ko naman.
"Napansin ko nga noon na sa tuwing tatanungin natin siya ng tungkol sa kanya o sa pamilya niya ay lagi niya nalang iyong iniiwasan. Bakit kaya?" Sabi naman ni Gail.
Pagka tapos naming mag usap-usap ay nag paalam na rin kami sa isa't isa upang umuwi.
Itutuloy...