CARMEN'S STORY (LAST PART)

28 10 4
                                    

Simula noong makilala ni Carmen sina Mika, Crystal, Jade, at Gail, ay inaamin niyang malaki ang naitulong ng mga ito sa kanya, sa pag-aaral niya.

Dahil sa mga ito ay tumaas ang kanyang kompiyansa sa sarili.

Mahirap lang si Carmen at mahirap din ang buhay nito. Bata palamang siya nang mag hiwalay ang mga magulang niya at ang tanging pamilya niya nalang ay ang kanyang ina. Subalit kahit sinasaktan siya nito, ikinakahiya, at pinapabayaan ay mahal niya pa rin ito bilang ina.

Dumating ang panahon na na sobran na ang kanyang ina sa pang-mamalupit nito sakanya . Dito na nag umpisa ang kanyang pagpapabaya sa pag-aaral at sa kanyang sarili.

Lahat naman ginagawa niya upang mapasaya at mapagaan ang loob nito, ngunit lahat ng kanyang ginagawa ay wala lang sakanyang ina.

***

Isang araw hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman. Nakakaramdam siya ng ingit sa kanyang mga kaibigan, dahil may kaya sa buhay ang mga ito at laging masasaya.

Dahil sa ingit na kanyang nararamdaman sa mga ito ay nagawa niya nalang na iwasan ang mga ito.

***

Galit na galit na pinag sasampal si Carmen ng kanyang ina dahil sa gabi na ito umuwi galing paaralan. Pagka tapos siyang saktan ng ina ay tumakbo na siya sa kanyang silid at doon nag kulong.

Sa sobrang daming problemang pinapasan ni Carmen ay hindi na niya kaya. Gusto na niyang sumuko. Pagod na pagod na siya sa kanyang buhay. Gusto na niyang mag pahinga.

Hindi lang ang kanyang ina ang nananakit sakanya, mayroon pa. At ito ay ang mga studyanteng bullies na laging siya ang puntirya. Ganoon rin sakanya ang ibang subject teachers sa kanya, masusungit, at ang iba ay masama na talaga ang ugali pag dating sakanya.

Hindi niya alam kung bakit ito mga nangyayari sa kanyang buhay. Pakiramdam niya pa ay sinilang lang siya dito sa mundo upang pahirapan at saktan ng mga taong nasa paligid niya.

Halo-halo na ang nasa isip ni Carmen at hindi nag tagal ay napag desisyonan niyang kitilin nalang ang sariling buhay.

Binuksan niya ang kanyang kabinet at kinuha sa loob niyon ang isang boteng maliit na kulay kayumanggi. Matagal na itong naka tago sakanyang kabinet. At iyon ay isang lason.

Napahagulgol nalang ng iyak si Carmen at humihingi ng tawad sa mga taong maiiwan niya sa mundong ginagalawan dahil sa kanyang gagawing pag lason sa sarili.

Binuksan niya na ang bote at agad na ininom ang likidong nasa loob ng kayumanggi na boteng maliit.

Bago pa mawalan ng buhay si Carmen ay nakita niya pang may kulay itim na usok na biglang lumilitaw at lumapit sa kanya. May ibinulong pa ito sa hangin na mga salitang hindi niya maintindihan...

***

Ilang araw na ang nakalipas nang mailibing ang bangkay ni Carmen. May iilan ding nalungkot sa pagka wala nito sa mundo at kabilang na doon ang mga kaibigan nitong sila Mika, Crystal, Jade, at Gail.

***

Sa katunayan ay nakipag kasundo si Carmen sa Demonyo noong nabubuhay pa siya. At wala siyang kinikilalang Diyos.

Subalit ngayong kaluluwa nalamang si Carmen, ay nais nitong mabuhay muli sa ibang katawan at naisipan nitong isa sa mga naging kaibigan niya ang aagawin niyang katawan.

Bukod sa mayaman o may kaya ang mga kaibigan ni Carmen ay dahil rin sa magaganda ang mga ito at kahit ang pangangatawan ay napaka gaganda rin. Kaya naisip niyang isa sa mga ito ang kukunin niya ang katawan.

***

Nasa bahay na si Mika at nakikita ni Carmen kung ano ang ginagawa nito.

Pumasok sa banyo si Mika upang mag hilamos ng mukha.

Naka tiyempo si Carmen sa binabalak nitong pag-agaw niya sa katawan ni Mika.

Pagka tapos ni Mika sa pag hihilamos ay agad na niyang hinawakan ang door knob ng pintuan ng banyo upang makalabas, ngunit laking pag tataka niya ng hindi iyon mabukas-bukas.

Hindi nag tagal ay may narinig siyang kaluskos na nag mumula sa kanyang likuran. Dahan dahan niya iyong nilingon...

Subalit napa talon siya sa takot si Mika nang kanyang makitang naka lutang sa hangin si Carmen. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sakanya. Nakakadiri ang hitsura nito dahil ang kaliwang mata nito ay naka luwal na. Ang balat nito ay sugat sugat na para bang nasunog,ang suot naman nitong damit ay marumi't punit punit na nababahiran ng maraming dugo, at ang amoy naman nito ay nakakasulasok.

Nang makalapit sa kinatatayuan niya si Carmen ay bigla nalang bumagsak ang katawan ni Mika sa sahig at nag didilim na ang paningin niya...

Bago paman mawalan ng ulirat si Mika ay kitang kita niya pa ang huling ginawa at sinabi ni Carmen.

Nag lakad ito palapit kay Mika at umusal ng mahinang dasal, na sa hindi maintindihan kung ano ba ang ginagamit nitong linguwahe.

Simula no'n. Si Carmen na ang nasa loob ng katawan ni Mika...at si Mika naman ay isa nang kaluluwang ligaw...






END OF THE STORY OF CARMEN.

CARMEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon