PART 3

26 14 2
                                    


Pagka mulat ko ng aking mata ay biglang may pumasok sa aking isip...

"Last day of school na pala ngayon," walang gana kong bulong sa aking sarili.

Kinuha ko ang aking cell phone sa aking tabi at binuksan ang messenger app. Agad kong pinintot ang GC naming apat upang mag padala ng text message.

"Girls, last day na pala natin ngayon. Pasok kayong tatlo, ha." Pagka-type ko ay agad ko rin iyon sinend sa Group Chat naming apat.

Wala si Carmen sa aming GC dahil wala siyang cell phone, wala rin siyang kahit anong social media account.

Mahirap lang kase si Carmen. Pero kahit ganoon paman siya, ay masaya pa rin kami na naging parte siya ng buhay namin. Masaya kami na kahit papa'no ay may naitulong kami sakanya kahit kaonti. Basta't kung kailangan niya kami, nandito lang kaming mga kaibigan niya para sakanya.

Natuwa naman ako nang makitang kompleto kaming mag kakaibigan, ngunit si Carmen wala pa. Papasok kaya siya? Sana naman pumasok siya dahil last day of school na namin.

Malakas ang buhos ng ulan at wala pa rin ang una naming subject teacher.

Kung gaano kalakas ang pag buhos ng ulan, ay ganoon din ang ingay ng iba naming kaklase.

May nag kukuwentuhan, may nag hahabulan, may nag babatuhan ng eraser ng black board, at may ginawa ding bolang papel ang mga lalaki at nag laro ng basketball sa loob ng class room. Hindi rin sila nakikinig sa pag suway ng aming class president at ang iba pa naming class officers. Napa buntong hininga nalang ako.

"Nakakainis! para silang mga elementary." Inis kong sabi sa aking isip.

Mga ilang oras ang lumipas ay biglang may bumunggad sa harapan ng pinto ng aming class room...si Carmen.

Natuwa ako dahil pumasok siya subalit agad rin iyong napawi nang mapansing maga nanaman ang kanyang mga mata na para bang katatapos lang nitong umiyak, at ang gulo nanaman ng kanyang buhok. Medyo basa rin siya dahil sa ulan. Hindi ba siya nag payong?

Hindi iyon pinansin ng iba kong kaklase dahil wala naman silang pake alam kay Carmen. Nilapitan ko si Carmen at sumunod naman sa aking likuran ang tatlo kong kaibigang sina Crystal,Jade,at Gail.

"Carmen,kamusta ka-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang biglang lagpasan lang kami nito.

Medyo sumama ang aking loob sa ikinilos ni Carmen. Para kasing nag mukha akong hangin. Agad naman iyong napansin ng tatlo kong kaibigang nasa likuran ko lang.

"Hayaan na muna natin siya,Mika. Baka gusto lang niyang mapag isa," sabi ni Crystal habang mahinang tinatapik tapik ang aking likod.

"Oo nga. Tama si Crystal,Mika. Huwag na muna natin siyang pake alaman at baka gusto lang niyang mapag isa." Sang ayong sabi naman ni Jade.

"Sige." Tipid kong sabi. Maya maya rin ay dumating na rin ang aming pang unang subject teacher. Nag discuss lang ito at pinasulat lang kami sa aming notebook tungkol sa kanyang dini-discuss.

***

Uwian na at hindi ko na alam kung saan na nag punta si Carmen. Siguro'y umuwi na agad ito.

Kasalukuyang nasa isang kubo kaming apat, malapit sa Park.

"Sayang, hindi man lang natin nakasama ngayon si Carmen." Umpisa ko.

Patuloy pa rin ang pag buhos ng ulan at sinasabayan pa iyon ng mahinang kulog.

Nalungkot ang tatlo sa sinabi ko at parang nag pipigil ng luha.

CARMEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon