Chapter 01

37 21 2
                                    

Chapter 01

Naglalakad pa rin kami hanggang ngayon. Nakalampas na kami sa court pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nararating ang highway na siyang ipinagtataka ko na. Ayokong kabahan ngunit ayaw ko rin naman magpakakampante.

Nang maramdaman kong tumigil ang mga kasama namin, napatigil din ako at nilingon sila. Hindi kasi ako sanay na may nga naiiwan sa likod, ayaw ko na may nale-left out. Close friends or not. Naramdaman din siguro ni Primo ang pagtigil namin dahil tumigil din siya sa paglalakad.

"Hihiwalay na kami, Primo," Saad ng isa sa kanila. 'Yung nasa unahan na katapat ko lang din. Tulad ni Primo ay may itsura din ito at kung kutis ang pagbabasehan, sa tingin ko ay katamtaman lang ang puti at itim niya.

"Sige. Ingat kayo, Pre." Saad ni Primo na tinugunan lang nila ng pagtango.

Lumiko na nga ang mga ito hanggang sa mawala na sila sa paningin namin. Hindi pa rin kami nakakaalis ni Primo sa pwesto naming ito kaya napagpasyahan kong dito na siya komprontahin.

"Malayo pa ba tayo sa highway?" Tanong ko sa kanya.

"Katapat lang natin 'yung highway," sagot niya na siyang nagpakunot sa noo ko dahil sa pagtataka gayong wala naman akong matanaw na highway.

"Huh?" Boses ko.

"Dito ka lang, ah. Intayin mo 'ko, kukunin ko lang 'yung motor ko. Malapit lang 'yon dito. Kapag may nangyaring masama, sumigaw ka lang." Mabilisang paliwanag niya na tinanguan ko lang. Pagkatapos no'n ay umalis na nga siya.

Wala naman nangyaring hindi maganda hanggang sa makabalik siya. Pagbalik niya, nakasakay na siya sa motor na kulay itim. Tumigil siya sa tapat ko at iniabot sa akin ang helmet na nakasabit sa kanyang braso. Kinuha ko 'yon at isinuot bago ako sumakay.

May kalahating minuto na 'ata akong nakasakay sa likod niya ngunit hindi pa rin kami umaalis na muli kong ipinagtaka. "Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko.

Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya kasabay ng kanyang pagtingala. Nang ibaba niya ang kanyang ulo, tsaka lang siya nagsalita. "Kumapit ka kasi." Mahinhin na boses niyang utos.

"A-ahh!" Agad kong ipinatong ang dalawa kong palad sa balikat niya. Muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga at walang kung ano-ano'y kinuha ang mga kamay ko at ipinulupot sa bewang niya! Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa ginawa niyang 'yon!

"'Wag ka masyadong kiligin, ah." Saad niya. Narinig ko pa ang palihim niyang pagtawa. I just rolled my eyes as if he would see it.

Pinaandar na nga niya ang kanyang motor. Sinabi ko na rin ang address ko sa kanya at mabuti na lang ay alam niya ang lugar na 'yon. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng motor na dinaig mo p'ang may siyam na buhay. Hindi naman na 'yon bago sa akin dahil isa din naman akong kaskasera.

Kung tutuusin ay pwede naman akong magpasundo kay Kuya Warren kung gugustuhin ko. Pero ayaw ko naman na istorbohin siya gayong anong oras na rin. Hindi na rin naman ako nangangamba na mapagalitan dahil sigurado akong wala dito sina Mommy and Daddy.

They are always busy. Halos hindi na kami nagkikita-kita dahil araw-araw silang umaalis para asikasuhin ang mga businesses namin. At kung uuwi man sila ay gabi na o 'di kaya ay wala ako sa bahay.

Sanay naman na ako sa ganoong set-up dahil kinalakihan ko na 'yon. Mas malapit pa nga ang loob ko sa isa sa nga katulong namin na si Yaya Erning. Umuuwi naman sila dito tuwing may magbi-birthday sa isa sa 'min, pasko, o bagong taon.

Anyway, nakarating din kami ni Primo sa tapat ng bahay namin dahil sa bilis nga ng pagpapatakbo niya. Gustuhin ko man na papasukin siya pero masyado ng malalim ang gabi.

A Match Made in HellWhere stories live. Discover now