Chapter 02
Lumipas ang dalawang linggo. Katulad pa rin ng dati. Kagagaling ko lang ngayon sa school. Not to mention, graduating na 'ko. Bachelor of Science in Architecture. It was my dream, actually. Pero sigurado naman akong hindi ko rin magagamit 'yon. Ilan sa mga company namin, si Kuya Aiden na ang nagha-handle and the rest... sigurado ako na sa 'kin mapupunta.
Hindi ako malungkot, hindi rin masaya. Gusto kong mamuhay ng normal. 'Yung pangarapin ang lahat ng mga bagay at abutin ito. Maging successful... in my own way. Magkaroon ng maraming kaibigan. Honestly, I don't have a lot of friends. Si Aeris lang ang talagang matatawag ko na kaibigan ko. She's a daughter of my mom's best friend, dahilan para magkakilala kaming dalawa.
Anyways, back to the drama. I can still achieve all of these things pero hindi sa pamamaraan na gusto ko. Kaya kong mag-aral ng kahit anong kursong gusto ko. Kaya kong maging architecture kung gugustuhin ko. Kaya kong maging successful kahit hindi ko paghirapan.
Hindi totoo na masarap ang maging mayaman. Oo nga't nakukuha mo ang lahat ng naisin mo. Nabibili mo ang lahat ng gusto mong bilhin ng hindi pinaghihirapan, kahit branded pa 'yan. Magshopping araw-araw. Pumunta sa kahit saang lugar o bansa kahit kailan mo gustuhin. Ipagpalagay na nga natin na masarap ang maging mayaman pero hindi naman masaya.
Lagi akong mag-isa sa bahay. Lumaki ako na si Yaya Erning lang halos ang laging kasama. No'ng mga bata pa kami ni Kuya Aiden, kami lang lagi ang naiiwan sa bahay. Pero... iniwan niya rin ako gaya nina Mommy nang tumungtong na siya ng college. Sa ibang bansa siya nag-aral dahil mas maganda daw ang mga eskwelahan do'n kumpara dito sa pilipinas. Kaya ako na lang ang naiwan sa bahay. Lagi pa din naman kaming nag-uusap sa video call kaso mas iba pa rin kung sa personal.
Maagang namulat ang isipan ko dahil d'yan kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko ipararamas ang ganito sa magiging anak ko. Hindi ko hahayaan na maramdaman nila ang lungkot at pag-iisa na naranasan ko no'ng kabataan ko.
Payapa akong nagbabasa habang nakaupo sa couch na nasa loob ng kwarto ko nang may kumatok.
"Pasok." Saad ko, nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasa.
"May bisita po kayo sa baba," saad ni Ate Siella, isa sa mga kasambahay namin. Tinapunan ko siya ng tingin at nakita ang napakalawak na ngiti sa mga labi niya. Napaisip akong bigla. Bisita? Sino naman kaya 'yon. Kapag naman pumupunta si Aeris dito ay tinetext niya muna ako.
Muli akong tumingin sa kanya. "Sino daw po?" Magalang na tanong ko kahit hindi nagkakalayo ang edad namin. Mas matanda lang kasi siya sa 'kin ng apat o limang taon. 'Di 'ko sure, basta hindi nagkakalayo ang edad namin. Tapos.
"Basta bumaba na lang po kayo." Nagngingiting sagot niya na nagpakunot sa aking noo. Sino naman kaya ang 'bisitang' 'to at napakaspecial. Talagang ayaw i-reveal!
"Sige, Ate. Sunod ako," I said.
Nang makalabas si Ate Siella sa kwarto ay ibinalik ko ang librong binabasa sa maliit na book shelf na katabi lang ng study table ko. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa whole body mirror kung maayos ba 'kong tingnan. Dapat ay prisentable pa din akong tingnan 'no!
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Hindi pa ako tuluyang nakakababa nang matanaw ang pamilyar na lakaking nakatalikod. Magkausap silang dalawa ni Yaya Erning at malawak ang ngiti ng matanda. Natanaw ako ni Yaya Erning kaya tinapik niya ang braso ng lalaking 'yon. Agad siyang humarap sa 'kin at do'n na sumilay ang malaking ngiti sa aking labi.
"Kuya!" Agad ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap. Niyakap naman niya ako ng pabalik at marahan na hinaplos ang buhok ko. Ginulo niya 'yon bago niya ako binitawan. "Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko sa kanya.
YOU ARE READING
A Match Made in Hell
FanficSanay sa away si Kaden o mas kilala bilang si 'Primo'. Wala siyang inuurungang away, marami man sila o kahit mag-isa siya. Ito din ang dahilan kung bakit marami siyang kaaway o 'di kaya ay may galit sa kanya ng palihim man o bunyagan. Hindi pumapaya...