PROLOGUE

17 4 10
                                    

" Macie, Takbo na! " sigaw ni Eric ng makitang halos hindi ako gumagalaw habang patuloy na umiiyak.

dali-dali siyang lumapit saakin at inilagay ang dalawang palad nya sa mukha ko. inilapit nya ang muka nya saakin at sinubukang kumunekta sa mga mata ko para pakalmahin ako.

" Macie?  Macie, Goddamn Macie! " paulit ulit nyang pagtawag sa pangalan ko dahilan para matauhan ako.

" Ano bang ginagawa mo? may ilang minuto nalang tayo bago tuluyang mapulbos ang buong syudad! "
nanginginig sa galit na wika nya.

" I can't leave her, She's the only one i have! " 

" I know, importante din sya sakin pero siya na mismo ang nagsabi sa atin na agad tayong umalis sa lugar nato. gagawa siya ng paraan macie at nakakasiguro ako na kapag nakaalis siya sa lugar nato ikaw ang unang una niyang hahanapin kaya please lang Mace, please lang! "

tila natauhan ako sa mga sinabi niya at nabuhayan ng loob kaya umiiyak man ay tumango tango akong sumang-ayon sakanya.

agad siyang bumitaw sa pagkakahawak saakin at tumalikod.

" Halika na, nauubusan na tayo ng oras" wika nya kaya naman sumunod na ako sakanya.

nagpatuloy ang pagtakbo namin sa hagdan ngunit hindi pa man nakakarating sa ika-limang palapag ay nakita namin ang hindi karamihan ngunit may iilang bilang ng mga zombie.

" Shit! we don't have guns" inis na wika niya ngunit agad kong naalala na mayroon pala akong pistol sa dala kong bag.

" I have Pistol, pero isa lang to. "  agad siyang lumingon saakin at nagbigay ng nagtatanong na tingin.

" What a pistol gonna do?

inilibot nya pa ang paningin niya nang biglang hinila nya ang ulo ko at itinuro ang kaliwang bahagi na hindi din gaanong malayo sa kung saan naroroon ang mga zombie.

" Aray! what is wrong with you? " inis na sabi ko habang pasinghot singhot.

" Did you see those guns over there? " tanong nya at hinahawakan pa nito ang ulo ko para siguruhing nakikita ko talaga ang mga ito.

" That's a T91 Riffle Gun ha..ha.! Jakpot macie, " tuwang tuwang aniya.

" pano natin makukuha yan nang hindi manlang nahuhuli ng mga halimaw nayan? " tanong ko rito ngunit isang nakakalokong ngisi lamang ang ibinigay nito

" Yoo-hoo.... Hey Starving monkeys Come and get me! "  nang-aasar na sigaw niya sa mga ito dahilan para makuha niya ang atensyon ng mga ito.

nagsimulang Maglaway at ibuka ng mga zombie ang mga bibig nila habang gumagaralgal sa pag-ungol.

nag-umpisa na ang paghabol ng mga ito kay Eric
kaya naman sinamantala ko na habang hinahabol siya ng mga ito ay tumakbo naman ako papunta sa baril.

" Hanggang dyan nalang ba ang kaya niyo? wala nabang mas bibilis pa riyan? hahahahaha" rinig kong wika nya kaya naman hindi ko mapigilang matawa.

agad kong ikinasa ang baril at itinutok sa direksyon kung saan tumatakbo si Eric.

" Eric, Dapa! " Sigawko kaya naman agad syang dumapa at dumausdos papunta sa pader.

Agad kong pinaputokang baril na hawak ko, sunod sunod na bala ang lumabas dito at tinadtad ang mga zombie na papalapit.

nang maubos sila ay nakita ko si Eric na walang malay dahil sa pagbagok nito sa pader.
agad ko siyang nilapitan, walang dugo. pinakiramdaman ko ang pulso nya at laking pasalamat ko at may pulso pa ito.

" Eric, Eric wake up. we only have 27 minutes left. "  tinapik tapik ko ang mukha niya at agad naman itong nagkaroon ng malay.

Ngumiti pa ito saakin kaya naman napangiti narin ako.

" halika na, gumamit nalang tayo ng elevator sa mga susunod pang palapag wala na tayong oras. "

tumango na lamang siya at tinulungan kong tumayo.

nang makapasok sa elevator ay tinignan ko ang ulo niya na tumama sa pader.

" Hala may bukol ka! "  gulat na sabi ko.
" akina hipan natin. " agad siyang yumuko at agad ko naman na hinipan ko ang bukol niya.

" Thank you. "  nagulat ako nang bigla siyang tumitig sa mata ko at nagbigay ng matamis na ngiti.

" Thank you saan? " tanong ko.

" Sa care, and thank you kasi nakinig ka sakin. "

" Wala yon, para san pa yung magkasama tayo kung hindi din tayo magtutulungan. "

nagkatinginan pa kami ng sandali ngunit bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko ng mapagmasdan ang mga labi niyang may matamis na ngiti.

" Aray! para san yon? "  daing niya ng bigla ko nalang hampasin ang bukol niya para ilayo niya sakin ang mukha niya na sobra na sa lapit.

" Wala trip kolang, ang pangit mo kasi hahahaha " pang-aasar ko.

" Ang sabihin mo napopogian kalang sakin. " nakangising wika niya habang nakahawak sa bukol niya.

hindi ko napigilang tumawa dahil sa itsura niya kaya naman napuno ng tawanan ang katahimikan habang patuloy na umaakyat sa pinakaitaas.

nakarating na kami sa 78th floor ng building at agad naming tinungo ang rooftop at nakita namin ang isang ship na may kalakihan. sa itsura ng ship na ito ay mukang kaya naming makaalis ng mabilis sa lugar na ito.

" My precious! haha, tara na macie. "  napahinto ako nang makita ang mga pagsabog na nangyayare sa Iba't Ibang bahagi ng syudad.

" apat, Lima! sumabog na ang ikalimang Bomba, kasunod na niyan ang pinakamalaki na pupulbos sa buong syudad. "

nagmadali kaming pumasok sa ship at agad niya naman itong minaneho. hindi paman gaanong nakakaangat at unti-unting lumiwanag ang paligid at paligid pati na ang kalangitan.

" Shit! shit! shit! kailangan na natin makaangat ng mabilis! "  tarantang wika niya.

sa kabutihang palad ay nakaangat agad kami at hanggat maaari ay pinilit niyang Mas pataasin pa ang lipad ng ship upang hindi kami matamaan ng pagsabog.

ang syudad na kanina'y tinatakbuhan pa lamang namin ay nagmistulang dagat ng apoy ay ang mga gusali ay mabilis na nagsipagbagsakan at napupulbos. napaka liwanag ng paligid. nakakatakot, parang nakikita ko ang impiyerno.

nakaupo lamang ako sa tabi ni Eric na hanggang ngayon ay nagmamaneho parin.

" What do you think the world would be in the future? " tanong niya nang hindi manlang tumitingin sa akim.

" There is no tomorrow nor future for me. The world will soon be nothing but a desolate wasteland, everything I know and love turning to dust before my very eyes. " wika ko at agad na may namuong luha mula sa mga mata ko.

hindi ko man nakikita ay ramdam kong nakatingin siya sa akin.

hinawakan niya ang likod ko at tinapik tapik ito dahilan para gumaan ang mabigat na nararamdaman ko.

" Maybe in the other part of world, maayos at normal ang buhay nila. what if may lugar sa mundo na hindi tinamaan ng apocalypse? "  ngumiti na lamang ako sakanya at ihiniga ang ulo ko sa balikat niya.

Apocalyptic Sunrise: Dawn of The UndeadWhere stories live. Discover now