-Sheen's Pov-
" Sheen? " tawag ng isang pamilyar na boses.
" Kuya? kuya! " hinanap ko siya sa paligid ngunit tanging kadiliman ang nasa paligid at boses nya lamang ang naririnig ko." Sheen gumising kana, kailangan ka ni Macie. " walang emosyong wika nya.
" Kuya magpakita ka! umuwi na tayo kuya ! " sigaw ko.
naramdaman ko nalang na may pumapatak sa mukha ko.
tubig?
agad kong naimulat ang mata ko at pinagmasdan ang paligid.
nasa loob ako ng kumot na ginawang tent.hinanap agad ng mata ko si Macie at nang makitang wala siya ay agad akong tumayo.
umuulan, ang lakas ng ulan. nasan naman kaya ang babaeng yon? nasan ako?.
Lumabas ako sa loob ng kanina'y tinutulugan kong kumot at tumanaw tanaw sa paligid. wala akong nakita kahit isang bakas ni Macie.
napansin ko ang mga lumubog na bakas ng paa sa putik at ang mga nakahilerang bato. malakas ang kutob ko na kay Macie galing ito kaya naman sinundan ko ito.
Macie, nasaan kaba?
nahinto ang paglalakad ko ng maputol ang mga bato na sinusundan ko. nakita ko ang mga bakas ng paa papunta sa isang malaking puno.
agad ko itong tinakbo at sinundan ang mga bakas." Macie! " sigaw ko nang maabutan siyang walang malay.
agad ko siyang ihiniga sa mga hita ko at pinulsuan.
nawala ang takot na nararamdaman ko nang maramdaman ang pulso niya.
" Mainit ka, Ano ba kasing ginagawa mo dito? sana nagstay ka nalang sa kung nasaan mo ako dinala. "
agad ko sya ipinasan pabalik sa ilalim ng malaking puno na iniwanan nya sakin.
pagkabalik ay agad kong binuksan ang bag na dala namin para hanapin ang cellphone at tinawagan ko si papa.
may dalawang oras narin kaming kaming naghihintay nang marinig ang boses ni papa.
" Mikah! Macie! "
nabuhayan ako ng loob at agad na hinanap ang boses niya.
" Papa! Papa! Nandito kami Papa! "
unti unti kong natatanaw ang imahe nya mula sa makakapag na hamog. nagmamadali siyang maglakad hanggang sa makapunta sa harapan ko.
" Ano ba kasing nangyare? hali na ako na magpapasan kay Macie dali. " tumango na lamang ako at kinuha ang mga bag namin at iba pang mga gamit.
nakarating kami ng ligtas sa sasakyan ni Papa.
napuni ng katahimikan ang dalawang oras na biyahe namin pauwi kaya naman nakaidlip ako.
" Mikah, we're here. " gising sakin ni papa.
dinala ko ang mga bag na dala namin at inilagay ito sa tapat ng bahay.
YOU ARE READING
Apocalyptic Sunrise: Dawn of The Undead
Horrordelves into a world ravaged by a zombie apocalypse. In this gripping narrative, a stark divide emerges between the affluent residents of the elevated sanctuary known as "Sky High Metro City" and the less privileged individuals who must battle for su...