02. Who?

8 1 0
                                    

"Sakto. Dalawa ang kailangan" Saad ni Sir, nagka tinginan kami ni Ian at ngumiti ito saakin.

"Napaka gahaman niyo naman sa grades" bulong ni Jessa

"Manahimik ka diyan, wala pa akong nasasampal, baka ikaw ang una." Pagbabanta ko sakanya. "Grabe naman 'to, chill ka lang, sayang ang beauty" pangbobola niya saakin pero wala na akong pakealam. Lumingon ako kay Ian na ngayon ay tahimik na kinukuha ang ang notebook sa loob ng bag, tabi kami ni Ian. Siya ang nasa right side ko, siya ang nasa center aisle, habang si Jessa ang nasa left side ko.

Nagsimula na ang klase at may sinusulat si Sir sa pisara kaya naman ay sinusulat ko ang lahat ng sinusulat ni Sir "Buti nalang dalawa ang kailangan 'no?" bulong ni Ian saakin, habang nagsusulat si Sir sa blackboard, hindi ako lumingon kay Ian at nagsulat nalang sa notebook, para saakin ay dapat sineseryoso ang ang pagtetake ng notes kaya kung ano ang sinusulat ng guro sa blackboard ay sinusulat ko rin. "Kase kung isa lang ang kailangan, kakalimutan kong kaibigan kita" tumawa pa ito. Alam ni Ian na kahit hindi ko siya tignan ay nakikinig at nasa kanya parin naman ang atensyon ko. Kailangan kong mag multitask para hindi mabaliw sa hirap ng mga subjects, dapat aral at thesame time chismis! ganon 'yon.

"Wow, as if ikaw ang makukuha" saad ko. "Magaling pa ako sayo no" bulong ko sakanya, tinignan ko ito at hindi nakatakas sa paningin ko ang kulay tsokolate na mata ni Ian, maganda ang kulay ng mata niya, dahil kung titignan mo ito ng maayos ay mapapansin mong kahit hindi tamaan ng kahit anong liwanag ang mata nito ay nanaig pa rin ang kulay tsokolate nitong mga mata. "Kung isa lang ang kailangan, kakalimutan ko ring kaibigan kita" mataray kong saad, ngumisi naman itong parang loko "Talaga? ayos lang saakin, gawa tayo bagong memories... as boyfriend and girlfriend" pang aasar niya, andito na naman siyang sa humor niyang siya lang ang masaya.

"Hoy isipin niyo" sumali sa usapan namin si Jessa "Paano tayo mabubuhay kung babalik ang mga dinosaur?" napakunot ang noo namin sa sinabi ni Jessa, seryoso?! may mga tao talagang sobrang random, hindi mo maiintindihan ang tumatakbo sa isip nila.

Si Jessa, Joseph Alvarez ang tunay na pangalan, Jessa sa gabi at umaga, halos parehas lang kami ng height, matalino, marunong magpatawa at hindi nagagalit si Jessa, kaya naman siya ang madalas na asarin sa room.

"Anong tinira mo?" Si Ian na parang g na g asarin si Jessa ngayon

"Simpleng droga lang" pinatulan naman ni Jessa ang biro ni Ian, at para akong tangang umaatras ng konti para makapag usap ng maayos ang dalawa dahil ako ang nasa gitna nila.

"Pahingi naman, wag kang mang gatekeep" Si Ian. Nairita ako dahil lumapit pa siya kay Jessa dahilan para hindi ako makasulat

"Ilayo mo 'yang pagmumukha mo"

"Grabe sungit ng girlfriend mo" Saakin na ngayon nabaling ang pang aasar ni Jessa at ngumisi na parang loko si Ian. Mga 'to, hindi pa nakakahithit, adik na. "Tigilan niyo ako! hindi ko kayo tutulungan pag may tokhang na magaganap sa lugar natin sige kayo" Tinaas ko ang isang kilay ko at umasta na parang donya. "Baka nakakalimutan niyo, mag aabogado ako. Sinong abogadong mag totolerate sa pang drodroga niyo ha? ako! ako lang! ako lang din ang magtatanggol sainyo sa korte" mahaba kong lantaya. Aasarin pa sana nila ako kaso may biglang kumatok sa pintuan

Agad naman na pinapasok ni Sir ang kumatok. "Goodmorning Sir, ito na po yung list ng mga students from each strand na sasali sa competition" magalang niyang sambit. Nanlaki ang mata ko nang makita ulit si Kuyang pogi sa jeep kanina! minus points to saakin, tinakbuhan ba naman ako!?

"Salamat Geo" Si Sir, nilagay niya sa mesa ang papel at bumalik uli sa pagsusulat habang si Geo naman ay yumuko at dali daling umalis.

"Hala pogi! titig na titig ka teh, type mo?" Narinig kong sambit ni Jessa, inirapan ko nalang siya at bumalik sa pagsusulat

True love in the rainbow lakeWhere stories live. Discover now