08. Family Quarrel

1 1 0
                                    

Pagbukas ko ng kabinet, bumungad saakin ang magulo kong mga damit para bang may nanggaling na rito kanina, agad akong nakaramdam ng kaba at kung may ano saakin ang nagtulak na hanapin ang alkansiya kong baboy "Shit" agad kong hinawi ang mga damit ko at hinanap ang alkansiya kong baboy, pero hindi ko na iyon makita. Hindi pa rin ako sumuko at hinanap ko iyon ng hinanap at nang makita na wala ito sa kabinet ay agad akong sumilip sa ilalim ng kama, pero hindi ko talaga makita ang alkansya kong baboy! Tangina, nasaan na ba 'yon?

Hinanap ko sa boung sulok ng kwarto ang alkansiya ko pero hindi ko talaga mahanap! Napaupo ako sa kama at napahilamus sa mukha. Nasan na ba 'yon? Kailangan ko 'yon, ipon ko 'yon para sa college e! Ilang buwan nalang ay magcocollege na ako.

Importante saakin ang alkansiya dahil future ko 'yon. Hindi na ako mapakali at naisipang Lumabas ng kwarto para magtanong kay Mama kung nakita niya ang alkansiya ko

"Ma" tawag ko ng pansin sakaniya "Bakit?" Napabuntong hininga ako at problemadong napatingin sakaniya "May pumasok po ba sa kwarto ko?"

Napansin ko na natigilan si Mama. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti "Anak... Maiintindihan mo naman siguro ako diba?" Napakunot ang noo ko sa tinuran niya "Bakit, Ma?"

"Anak, kase nanghihingi ng pera ang tito mo... Kailangan daw nila" nakaramdam ako ng pagkabigla at pag init ng ulo. Shit, ano na naman ba 'to? Kilalang kilala ko si Mama, pag andito ang pamilya niya, ginagawa niya ang lahat maipamukha lang na may napatunayan siya. Pero bakit pati ang ipon ko ay nadamay!?

"Ma?" Binitawan ko ang kamay ni Mama "Ma, alam niyo namang para sa college ko 'yon!" Hindi ko na nakontrol ang galit na dumadaloy saakin. Wala na akong pekealam kung pinapangunahan ako ng negatibong emosyon, ang gusto ko lang ay marinig at malaman niyang sobrang dismayado ko. "Ma, para sa college ko 'yon e! Alam niyo naman na hindi ako susuportahan ni Papa sa kursong pipiliin ko, kaya nga ako nag iipon para sa sarili ko!"

"Anak, kumalma ka muna" saad ni Mama, tumayo ito at sinubukang lumapit saakin pero lumayo ako. Paulit ulit akong umiiling "Bakit niyo kase ginalaw ang pera ko Ma?!" Hindi ko kayang kumalma. Narinig ko ang pagtakbo ng pamilya ni Mama mula sa sala. Ngayon ay nakatipon silang lahat para makita ang bangayan namin ni mama. Bagay na mas lalong nagpainit sa ulo ko.

"Hoy! Maha? Ano 'to?" Nangibabaw ang bosses ni Tito Pasi

"Tito. Nasa inyo ho ba ang pera ko?" Sambit ko, pilit na kinakalman ang sarili.

"Oh? Ano naman ngayon!? Nagdadamot kana Maha!?" Napatingin ako kay Tita Cheska, nang siya ang sumagot sa tanong ko

Umiling ako. "Hindi naman po sa ganon tita, ang akin lang... Sana naman ay nag tira kayo! Hindi na nga kayo nagpaalam, kinuha niyo pa lahat" nararamdaman kong tutulo na ang luha ko, pero sinusubukan ko pa ring hindi umiyak sa harapan nila. Hindi ako sanay na sumagot sa nakakatanda, ito rin ang unang na beses na kinompronta ko sila. Sa totoo lang ay nanginginig na ang mga tuhod ko, pero hindi naman nila dapat gawin 'to saakin, ayos lang naman kung uutang sila, pero ang kunin ang pera ko ng walang permiso saakin? That's fucking robery!

"Maha, wala kang galang sa nanay mo ha! Ang kapal ng mukha mo. Akala ko ba matalino ka? Ang nanay mo ang nagluwal sayo, ang nanay mo ang nagpalaki at nagpakain sayo! Tapos ganiyan ka!? Bakit? Kaya mo bang buhayin ang sarili mo!?" Mahabang lantaya ni Tita Yamel. Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Pinapamukha niya ba saakin na kailangan kong bayaran ang katotohanang binuhay ako rito sa mundo!?

"Isa pa Maha, saan mo ba gagamitin ang pera!? Hihiramin lang e! Ano wala kang utang na loob saamin? Magdadamot ka talaga saamin na pamilya mo!?" Si Tita Cheska, inis niyang nilapag ang bag sa mesa at tinuro turo ako "Grabe ka Maha! Mayaman ka naman ah? May tatay kang mayaman! Para ito lang, pagdadamot pa."

True love in the rainbow lakeWhere stories live. Discover now