05. Trio

4 1 0
                                    


"Magaaral lang naman tayo, bakit ganiyan ka?"

"Wala kang pake Ian" nilingon ko siya na ngayon ay nakaupo sa upuan habang ang mga binabasang libro at mga papel ay nakakalat sa kawayang lamesa at sa paligid nito

"Pinopormahan mo ba ako?" Tanong niya ulit, agad akong nandiri sa sinabi niya, napansin niya ang naging reaksiyon ko sa biro niya dahilan para tapunan niya ako ng isang papel na hindi man lang tumama saakin "Grabe ka naman"

Napabuntong hininga na lang ako, may usapan kami ni Geo na sasabay siya saamin sa pagaaral ngayong weekend, kumuha ako ng ballpen at nagsimulang tignan ang problems na isosolve namin. kasalukuyan kaming nasa City Park, malawak ang park ng siyudad namin, marami ring gumagala, magkasintahan, at iba pang mga tao na may iba't ibang ginagawa, nasa maliit na kubo kami ng Park. Nakakalat ang kubo sa boung Park

Habang hinihintay si Geo ay kami muna ni Ian ang nagaaral, maya maya pa ay sunod sunod na ang pagdadabog ni Ian "Tignan mo Maha, hindi ako maka focus" napatingin ako kay Ian nang magdabog ito, halos paiyak na ang itsura niya, maging ang buhok niya ay magulo dahil sa kakahila niya dahil hindi niya makuha ang sagot

"Inaano kita?" Walang kwenta kong saad

"Uwi na tayo Maha, hindi ako maka focus dito" pagmamakaawa niya

"Umuwi ka mag isa mo. Hinihintay ko pa sa Geo" nanlaki ang mata ni Ian at tumayo ito na parang mag proprotesta sa harapan ng Malacañang. Kahit kailan Oa talaga.

"Ano?! Andito tayo dahil sa Geo na 'yon?" Nainis naman ako sakaniya dahil ang ingay niya "Oo. Ang OA mo" umupo siya ulit at tumingin saakin ng seryoso "Bakit?" Tanong ko. "Wala. Saan na ba 'yon?" Lumingon pa siya sa paligid pero bakas naman sakaniya na napipikon siya

"Galit kaba?" Tanong ko ulit, lumingon ito saakin ngunit hindi nagtagal ang mga tingin niya, tumingin siya ulit sa piligid. "Ayon na 'yong Geo mo oh" sinundan ko ng tingin ang turo niya, nakita kong naka polong puti si Geo at naka black slacks, maayos din ang sapatos, ang buhok niya ay hindi tulad ng buhok niya na nasa school, makalat ang buhok niya ngayon ngunit bumagay pa rin sakaniya, hinahanginan iyon ng hangin dahilan para mas lalong bumagay sakaniya. Agad akong tumayo at sinalubong siya

"Geo" sambit ko nang makalapit na, ngumiti si Geo saakin at pinasadahan ako ng tingin."Bagay sayo ang Dress" nakaramdam ako ng gulat, ngunit hindi ko 'yon pinahalata sakaniya, napatingin ako sa dress na gamit ko, kulay dilaw na may nga disenyo ng mga bulaklak ang dress na sout ko.

"Puno lahat ng Jeep Maha" sabay kaming lumingon kay Ian nang magsalita na naman ito, tama siya, puno halos ang mga Jeep at hindi kasiya ang tatlo

"Ayos lang ba sainyo na maglakad nalang?" Tanong ko kay Geo at Ian, pareho silang tumango sa sinabi ko, senyales na ayos lang sakanila ang maglakad.

Nagsimula na kaming maglakad, walang umimik saamin pero hindi naman iyon problema, hindi ako naiilang sa sitwasyon namin dahil magaan lang ang aura nilang dalawa. Maya maya ay bumulong saakin si Geo "Ako na magdadala ng bag mo Maha" tinignan ko siya, umiling ako ng paulit ulit "Wag na Geo, okay lang naman" ngumiti si Geo at hinawakan nalang ang pwetan ng bag ko, nag lagay siya ng pwersa roon dahilan para wala na akong maramdaman na bigat galing sa bag ko. Kinakarga niya ang bag ko gamit ang kaliwa niyang kamay, mag proprotesta na sana ako kaso nakuha ni Ian ang atensyon namin

"Teka lang" sambi nito, lumingon kami ni Geo sakaniya "Ukay ukay oh, 25 pesos lang. Pwede daan muna tayo?" Tumingin ako sa ukay ukay na sinasabi niya, barato nga at may mga magagandang damit. Muli kong binalik sng tingin kay Geo, tatanungin ko sana siya kung ayos lang sa kaniya. Hindi pa naman ako nakakapagsalita ay pumayag na ito.

True love in the rainbow lakeWhere stories live. Discover now