"Totoo kaya 'yong opposite attract, ba't mo ba ako inaaway?" Maktol ni Andrea.
"Hindi kasi. For example, ikaw gusto mo 'yong romance tapos siya gusto niya action tapos ano, magd-date kayo! Edi mag-aaway lang kayo 'pag nag-d-date kayo." Pag-explain ko sa kaniya. Totoo naman. Hindi nagc-click ang dalawang tao kapag hindi kayo pareha ng gusto kaya bakit ba pinipilit 'to ni Andrea.
"Wala ka pa ngang naging boyfriend, gan'yan ka na magsalita." Inirapan niya ako at tinulak ako sa upuan ko ng pabiro.
"Ge." Kunwaring cold kong sabi.
"By the way, may STEM student na makikisit-in sa 'tin mamaya sa statistics and probability na time. Absent daw siya kahapon, sakto naman daw at wala tayong stat yesterday." Tumango lang ako kasi wala naman akong paki kahit buong STEM student pa ang pupunta dito sa amin.
"Nagugutom na ako. Hindi pa ba mag-r-recess." Ungot ko kay Andrea. Totoong nagugutom na ako kasi hindi ako nagbreakfast kanina sa pagmamadali. Imbento kasi 'yang 7am na klase.
"Last na, girl. Wait mo nalang. 20 minutes nalang." Nakakaiyak. Ayaw na ayaw ko pa naman 'tong PR 1 namin na subject kasi ang sungit ng teacher namin tapos sinusulit pa 'yong time.
Lumipas na ang ilang oras. Last subject na rin namin sa morning, statistics and probability. ABM student ako, paborito ko ang mga balancing at iba pang kaya kong gawin na nagc-compute ako. Pero parang naiiba ata 'tong Statistics at Probability dahil wala talaga akong naiintindihan kahit isa."Good morning po, Sir." May lalaki na mukhang walang pakealam sa lahat sa walang interes niyang pag-greet sa teacher namin.
"Oh, Cael, hanap ka na ng upuan. Magsisimula na tayo." Utos ni Sir sa kaniya.
Lumingon-lingon 'yong lalaki kung saan ba ang komportableng upuan na pwede niyang upuan.
Naglakad siya at pumunta sa upuang bakante sa left side ko.
"Hello." Bati pa niya sa akin. Tinanguan ko lang siya kasi hindi naman kami close.
Natapos na ang oras ni Sir at gusto kong maiyak dahil kahit isa ay wala akong naintindihan talaga.
"Haaa, babagsak na talaga ako sa subject na 'to. Sino bang nag-imbento nito nang masuntok ko?" Reklamo ko.
"You don't get it?" Biglang salita 'yong Cael.
"Hindi." Umiling ako.
"Do you want me to teach you?" Hindi ko alam kung anong nangyari. Ang alam ko lang ay tumango ako bigla at tinuruan niya ako kung paano.
Mas naiintindihan ko pa siya ngayon kesa no'ng si Sir 'yong nagturo sa akin.
Hindi namin namalayan ang oras at biglang nag-1 na. Hala. Lagot.
"Hala, wala na tayong oras maglunch." Alala kong sabi.
"It's okay. I ate a lot during recess. You should eat too." Sabi niya at inayos ang mga libro niya bago tumayo.
"Sorry..." Medyo nahihiya kong sabi.
"Cael. It's Cael." He smiled.
"Sorry, Cael." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"I said it's okay. It should be you who needs to eat. You're so fragile in my eyes because you're payat." Medyo natatawa niyang sabi. Ang....
Cute. Bwesit. Kailan pa siya naging cute? Kaninang pumasok siya? O baka cute talaga siya 'di ko lang napansin.
Umalis na rin si Cael bago pa dumating 'yong teacher namin sa Pagbasa. Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung kailan ko siya makikita ulit. Ay bakit mo iniisip 'yon?
"Hi, Maria!" Umupo si Van sa tabi ko kasi groupmates kami sa pagbasa.
Tumango lang ako at nakinig na sa teacher namin.
3:30pm na noong na-dismiss kami. Hindi ko alam anong sense nang maagang dismissal kung hindi naman kaagad i-o-open 'yong gate. Napabuntong-hininga nalang ako at inilabas 'yong sketch pad ko tsaka paborito kong mechanical pencil.
Nag-sketch lang ako ng mukha. Iniisip ko kung bakit hindi ako matalino at bakit hindi ako nakapaglunch kanina. Nadamay ko pa ata ang ibang tao sa kabobohan ko.
"Hala ka gago, si Cael ba 'yan?" Pasigaw na bulong ni Andrea sa tabi ko.
Taka ko naman siyang tinignan. "Ano na namang pinagsasabi mo?"
"Sus! Si Cael naman talaga 'yan diba?" Tinuro pa ni Andrea ang sketch pad ko kaya naman napalingon nalang din ako sa nasketch ko.
Bwesit. Ba't si Cael nadrawing ko?
"Boang ka ba. Si Papa 'yan." Palusot ko.
"Eme ka, te. Wala ka naman no'n." Ay gago.
"Boang. 'Wag ka ngang maingay." Saway ko sa kaniya.
"Ayan na pala si Cael mo oh."
"Hindi ko nga gusto!" Naiirita kong sabi.
"Wala naman akong sinabi na gusto mo siya!" Sobrang lakas ng tawa ni Andrea kaya nakita ko sa peripheral vision kong napalingon si Cael at ang mga kaibigan niyang nag-lalagay ng tubig sa balde.
Gago. Ba't naglalakad siya papunta dito? Baliw. Hala.
"Gago. Iwan ko muna kayo." Parang kinikilig na sabi ni Andrea at kinikilig.
"Maria." Tawag niya sa akin.
Nag-aalinlangan pa ako kung lilingonin ko ba siya.
"Uy. Hello. Thank you pala kanina ha?" Medyo ngumiti ako habang sinasabi 'yon.
"Welcome." Umupo naman siya sa tabi ko. "If you have any questions next time, I will gladly teach you. So talk to me."
Tumango lang ako kahit hindi ko naman talaga siya tatanungin.
"Is Statistics and Probability the only subject you had a hard time with?" Tinanong niya pa ako. Hindi ko talaga siya malingon-lingon kasi kinakabahan ako.
"Oo naman." Sagot ko. Kahit ang totoo naman ay lahat ng subject ay nahihirapan ako except nalang sa FABM 1 kasi favorite ko 'yon.
"Okay. I'm just making sure. Talk to you next time, Maria." Tumango ako.
"Bye, Cael. Ingat ka pauwi." Nasabi ko lang 'yon bigla.
Tumango lang siya sa akin. "Ingat ka rin."
GAGO.
Nagta-tagalog siya. Nakakapanibago. Simula kaninang lunch ay english na siya nang english. Tapos ngayon naman ay nagtatagalog na siya.
Kumalabog dibdib ko. May sakit yata ako.
💋
actually, mini-mirror ko si cael sa crush ko although— hindi naman sila same ng personality medyo lang. — Aze
YOU ARE READING
Dancing in Shadows
Teen FictionTEENAGE CHRONICLES SERIES #1 Maria was a senior high school student known for her quiet demeanor and unassuming presence. However, behind her reserved facade, she harbored a deep passion for painting. Every day after school, Maria would retreat to h...