Dalawang linggo na rin ang lumipas after no'ng nagsit-in si Cael sa klase namin. Ibig sabihin ay dalawang linggo ko na rin siyang hindi nakikita.
Wala naman 'yon sa akin kasi pake ko naman? Buti nga 'yon para hindi na ako kulit-kulitin ni Andrea.
"Mariaaaa, punta tayo sa STEM! May crush ako do'n." Hinihila-hila ako ni Andrea para maglakad papunta sa building ng mga STEM.
"Tara." Pumayag ako kaagad kasi cleaners ako at ayokong maglinis ngayon.
"Himala ah. Anong nakain mo?" Medyo taka niyang tanong sa akin.
"Cleaners ako." Natatawa kong sabi.
"Gago ka ba." Sobrang lakas talaga ng tawa niya. Napalingon pa 'yong ibang estudyante sa kaniya.
Pumunta kami sa building ng mga STEM. Hanggang third floor lang building nila. Sa first floor 'yong mga laboratory. Chem Lab at Sci Lab. Sa second floor naman 'yong STEM 1 at STEM 2 ng Grade 12 at nasa third floor ang STEM 1 at 2 ng Grade 12.
"Ang sakit na nang paa ko." Reklamo ko kay Andrea.
"At least 'di ka naglilinis ngayon 'di ba?" Sabagay. Tama naman siya.
Nasa third floor na kami. Nakakahiya na pumunta kami dito. Si Kaela at si Dani lang yata ang kilala ko dito eh.
"Hello, Jenna!" Bati pa ni Andrea sa kaibigan niya. Mapagpanggap talaga.
"Puntahan ko muna sila Kaela sa STEM 2." Paalam ko sa kaniya.
"Okay, girl. Puntahan kita do'n mamaya." Tumango ako bago naglakad.
Nakarating naman ako kaagad sa classroom nila Kaela kasi magkatabi lang naman.
"Kaela." Mahina kong tawag sa kaniya.
"Ria!! Dani, nandito si Ria!" OA na sambit ni Kaela.
"Gurl! Namiss ka namin sobra!" Maarteng sabi ni Dani.
"Namiss ko rin kayo." Niyakap ko silang tatlo. Simula pa lang junior high school ay magkaklase na kami dahil mga STE student kami.
"Ano na plano mo sa college, Ri?" Mahinang tanong ni Kaela sa akin. Alam niya kasing hindi ko talaga gusto mag-ABM. Pinilit lang ako ni mama para mag-o-office management ako sa Germany 'pag college na ako. Student Visa 'yon.
"Ewan. Hayaan mo na. Wala naman na akong magagawa." Mahina ko ring sagot sa kaniya.
"Nakakainis talaga mama mo, Ri. Ayos lang naman na nahihirapan siyang palakihin ka pero ba't ka pinipilit magtake-up ng course na gusto niya at hindi 'yong gusto mo?" Naiinis na sabi ni Dani.
"Pwede ka namang magtake nalang ng Arts, Ri. 'Wag ka nalang pumayag sa gusto ng mama mo kung napipilitan ka lang kasi nakakasakal 'yon." Nalulungkot na sabi ni Kaela sa akin.
"Ayos lang naman ako. Siguro maganda rin 'yong opportunity na 'yon." Ngumiti pa ako sa kanila.
Bigla akong niyakap ni Kaela nang mahigpit.
"Kailangan mo 'to palagi." Bulong niya.
"Ang daya! Sali ako!" Niyakap na rin ako ni Dani.
Kahit nahihirapan akong huminga ay niyakap ko pa rin sila. Bakit ba sila 'yong nalulungkot para sa akin? Hindi naman ako malungkot. Ayos lang naman ako. Hindi naman ako nasasakal. Hindi ako iiyak.
"Why are you crying?" May biglang nagsalita sa harap ko.
"Uy, Pres! Hello!" Bumitaw na sila Dani at Kaela sa yakap nila sa akin. Classroom president pala nila si Cael?
"Hello. Why is your friend crying?" Kunot-noo niyang tanong.
"Wala ka na do'n, Pres!" Malakas na tumawa si Dani bago pumunta sa mga kaklase niyang may ginagawang project.
"Wait lang, Ria. Tulungan ko rin groupmates ko." Paalam ni Kaela sa akin. Tumango ako at sinabing ayos lang.
No'ng nakaalis na ang mga kaibigan ko ay bigla namang nagsalita si Cael.
"You okay?" Tanong niya sa akin.
"Hala, ayos lang ako." Pilit akong ngumiti sa kaniya.
Pumunta kaming dalawa sa railings sa harap ng classroom nila.
"Ang hangin pala dito, no?" Pag-o-open up ko ng topic sa kaniya. Ngumiti ako at fineel 'yong hangin na tumatama sa mukha ko.
"Maria." Mahinang tawag niya sa akin.
"Hmm?" I hummed.
"I won't force you to tell me what happened. But please don't hide what you truly felt because there are a lot of people who are willing to listen to you." Cute siyang ngumiti sa akin.
Natahimik lang ako at di alam ang sasabihin. Naiiyak ako pero ayokong umiyak. Hinding-hindi ako iiyak.
"Pwede ka umiyak. Cry when you get home. It would make you feel better."
"Desisyon ka, Cael." Medyo natatawa kong sabi sa kaniya.
Natawa rin siya. "You should smile more."
Ngumiti ako. "Hindi ka pa ba uuwi?"
"Nope. I'll go home later today. We have to finish our project." Sagot niya na ikinatango ko.
"Okay. Ingat ka pau—"
"Hoy, Cael! Ba't mo inaagaw kaibigan ko ha?" Boses 'yon ni Andrea sa likod ko.
"Your friend is here. Let's talk again when we have time." Tumango ako.
"Okay. Ingat ka mamaya pag-uwi." Mahina kong sabi para hindi marinig ni Andrea.
"Ingat ka rin." He answered smiling widely at me. Pumasok na rin si Cael sa classroom niya.
"Ikaw Maria ha! Pumayag ka kaagad kasi alam mong taga-dito siya, no?" Panunukso niya sa akin.
"Ewan ko sa 'yo uy. Baliw." Inirapan ko siya at bumaba na kami ng building at naghanda na para umuwi.
Exactly 5pm ay nakauwi na ako sa amin.
"Ria, ba't late kang nakauwi ngayon?" Tanong ni lola sa akin habang nakatingin sa TV.
"Medyo nag-usap lang po kami ng mga kaibigan ko sa school, La. Sorry po natagalan." Sagot ko sa kaniya at nagmano.
"Sus. Ayos lang, magsaya ka lang habang high school pa." Tumango naman ako sa sinabi ni Lola. "Magbihis ka muna. Kakain na rin tayo mamayang alas-sais."
"Okay po, La."
Nagbihis na ako at kinuha ang cellphone ko sa drawer. Isang linggo ko ring 'tong hindi nagagamit. Iniiwasan ko kasing makausap si mama dahil nag-away kami no'ng nakaraan.
In-open ko ang facebook at nakita ang friend request ni Cael na 6 days ago na. Kaagad ko naman iyong in-accept.
Humiga ako sa kama ko nang biglang may nagchat sa akin.
Cael Gutierrez: Thank you for accepting my friend request, Maria.
Ayan na naman siya. Pinapakaba na naman ako.
💋
there a lot of people out there na nap-pressure sa buhay nila. in maria's case, napressure siya kasi pinilit siyang kumuha ng strand na ayaw niya kasi alam niya kung ano 'yong gusto niya. but in my case, napressure ako kasi pinapili ako ni papa kung anong course kukunin ko sa college eh hindi ko nga alam kung anong gusto kong gawin sa buhay??? 😭 — Aze
YOU ARE READING
Dancing in Shadows
Teen FictionTEENAGE CHRONICLES SERIES #1 Maria was a senior high school student known for her quiet demeanor and unassuming presence. However, behind her reserved facade, she harbored a deep passion for painting. Every day after school, Maria would retreat to h...