1

15 1 0
                                    

"Uh, can you tie my shoes for me, please?"

I stopped sipping on my bottled shake when Eya speaks beside me. She was holding a racket and her duffle bag, katatapos lang ng training nʼya sa badminton para sa paparating na Sports District Meet.

Umirap ako sakanya bago iniaro ang shake sakanya. Sinabit nʼya ang handle ng racket bag sa kaniyang balikat bago tinanggap ang shake mula sa kamay ko. I bended in front of her and tied her loose tie.

"Paano nalang pala kapag nagkahiwalay tayo? Edi mamimiss mo ako niyan," I joked.

Tumayo ako bago inagaw muli sakaniya ang shake na ini-inuman na niya ngayon. She giggled and shrug her shoulder.

"Bakit naman? Pwede naman akong humanap ng iba."

"Hindi kana makakahanap ng tulad ko," I replied. Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa classroom. Breaktime namin ngayon at napagkasunduan naming bumalik sa classroom. Pareho kaming uma-attend ng training ni Eya, she's an athlete on our school and I am a campus journalist.

Nang makarating sa classroom agad akong lumapit kay Deanne na maamong nakahiga sa kaniyang braso habang nakayuko sa lamesa. She's sleeping, safe and sound despite of the noise that our classmates make. I sat beside her, Eya on the other side sat on the seat in front of us.

"Wake her up."

Bahagya niyang inuga ang balikat ni Deanne, hindi naman siya nahirapan dahil mabilis nitong imunulat ang kaniyang mga mata.

Nag-inat siya bago tiningnan ang sarili sa kaniyang salamin. Inilabas naman namin ni Eya ang aming lunchbox.

"Training's done?" she asked. Sabay kaming umiling sakaniya. She just laugh and brought her lunchbox out too.

They are my bestfriends, we are in a group of five but only the three of us were classmates.

"Uh, wait lang ha. I'll just go to the restroom," paalam ko. Mula sa building namin ay hindi nakawala sa aking paningin ang pamilyar na postura ng lalaki. Hindi ko ito nilubayan ng tingin mula pagtayo hanggang makarating ako sa dulo ng palapag namin.

He was talking to someone while leaning on the railings. I stopped walking and just stare, I wasn't sure about what I am feeling.

Hinawakan ko ang dibdib ko at napaawang ang aking labi. Ngunit agad din akong tumalikod at dumiretso sa loob ng banyo nang biglaan sʼyang lumingon sa gawin ko.

"What the fuck!" I exclaimed while breathing hard.

He really knows how to make me go crazy, I will always lose my control whenever I saw him. Maging ako ay naninibago sa pakiramdam na ito, dahil ngayon ko lang ito naramdaman. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay hindi kaagad humupa.

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. My looks wasn't something I could be proud of. My forehead could be a paper as it have a huge space, I have a few pimples, a dark-toned lips, not so pointy nose, and eyebags under my eyes.

Umiling ako sa aking sarili at naghilamos. Why would I even question my looks just for him? What's happening to me?

Bununtong hininga ako at muling tiningnan ang aking sarili. Ngumiti ako sa repleksyon ko sa salamin.

"Gorgeous"

Lumabas din ako kaagad ng banyo. Hindi na ako lumingon pang muli sa kabilang building sa takot na makasalubong kong muli ang mga mata niya. Nang makabalik sa classroom ay nag-aayos na si Eya at handa nang bumaba muli para bumalik sa training center nila.

Dinampot ko ang bag ko at nagpaalam na rin kay Deanne. Sabay kami ulit ni Eya na bumaba, sya papunta sa court at ako sa library.

Those has been my routine for almost 2 weeks now. After training, I'll go home with Deanne, Eya, and my 3 other girl friends.

Every Flip of Pages Where stories live. Discover now