MAGILIW kong pinakikinggan mula sa labas ng pinto ng silid ang usapan sa loob habang hindi magkamayaw sa paghampas sa aking binti, kanina pa kasi akong pinapapak ng lamok."Mamamalengke ako ngayong umaga." dinig kong boses ni mamang.
Mula sa loob ay naririnig ko rin ang iilang ingay ng mga yapak, baka gumagayak na si mamang sa pag-alis.
"Ikaw na muna ang dumalo riyan sa recognition ni Sodara."
Matagal hindi nakasagot ang kausap niya.
Nagpaikot-ikot ang mata ko sa hangin at lalo pang pinagduldulan sa pinto ang aking tainga habang hinihintay ang sagot ng kausap.
"Anong ako? Maaga ang pasada ko ngayon." boses iyon ni papang na matutunugan ang pag-tutol.
Mula sa masuyod na pakikinig sa labas ay bumagsak ang balikat ko. As usual, ito na naman sila at nagtuturuan kung sino ang dadalo sa recognition ko at magsasabit ng medalya sa akin.
Ano pa bang sagot ang aasahan ko?
Na papayag siya? Na may magkukusang dumalo kahit isa man lamang sa kanila?
Alam ko naman na mahalaga ang trabaho nila at mga ginagawa sa buhay dahil para rin iyon sa ikabubuhay naming lahat. Pero ano man lang iyong may mag-insist kahit isang araw lang?
Kada ia-announce ko kasi na may recognition sa school at kailangan ng magulang na a-attend para sa anak ay ganito sila.
Madalas pang ito ang nagiging punoʼt dulo ng pagtatalo nilang dalawa kaya hindi ko na lamang sinasabi paminsan-minsan. Ngunit ngayon ay sinubukan ko lamang naman, since 4th quarter naman na at last na ito.
Nagbakasakali lamang ako na baka may umattend sa kanila.
"Hindi ba puwedeng hapon o mamaya ka na lamang mamasada? Aba! Magkaroon ka naman ng amor diyan sa anak mo-"
"Anak mo lang," sarkastikong tugon ni papang na pumutol sa sinasabi ni mamang.
"Hindi ko anak 'yan." dugtong niya pa.
Mapait akong napangiti.
So totoo pala iyong mga tukso sa akin ng mga tito ko noon? Na anak daw ako sa pagkadalaga ni mamang?
Hindi ko iyon pinansin noon kasi ang akala ko ay biro-biro lamang nila.
Mula kasi sa apat na magkakapatid ay ako ang panganay. 18 na ako, ang sumunod naman sa akin ay 16, ang sumunod ay 15, at ang bunso ay 9 years old.
Noon ko pa napapansin ang sarili ko na nalalayo ang mukha ko sa tatlo kong kapatid. May katangkaran kasi ako na kung tutuusin ay wala naman sa lahi ni papang, maliliit iyon, e. Tanned skin din si papang na minana ng tatlo kong kapatid kung saan nalalayo naman sa misitisa at malaporselana kong balat.
Sa kabilang parte ay si mamang naman ang ka-look a like ko. Halos magkakambal na kami kung tutuusin. Madalas nga kaming napagkakamalan na i-isang tao lang lalo na kapag mamimili sa palengke. Maalaga kasi si mama sa katawan kaya't hanggang ngayon ay mukha pa rin siyang dalaga at sexy pa rin ang katawan niya.
"Ano ka ba, Juneng? Marinig ka naman ng bata! Nasa kabilang kuwarto lang iyon!" mahina ngunit may diing sambit ni mamang.
So totoo nga?
T-Totoo nga ang mga chismis na anak ako sa pagkadalaga ni mamang?
Madalas ko nang marinig noon na nabuntisan lang daw si mamang.
Kasalukuyan siyang naninilbihan noon sa isang mabahay sa pasay ngunit nang mamatay ang amo nila ay napilitan silang tanggalin ng nag-iisang anak nito dahil wala na ring ipapasahod sa kanila. Namroblema raw ng sobra ang mamang noon dahil sa lahat ng magkakapatid ay siya ang breadwinner.
YOU ARE READING
Emeyebee's Thoughts (One Shots)
De TodoThis book contains various genres of one shots story. @All rights reserved.